Nakarating lang siya sa office ng halos mag-aalaskwatro na at parang hindi pa maganda ang mood niya .
Narinig ko na nag-huhumiyaw siya sa loob na parang may kaaway siya sa phone, pero hindi ko matukoy kung ano ang ikinagagalit nito.
Agad akong pumasok sa loob ng makita ko siya sa swivel chair niya na meron siyang alak sa ibabaw ng lamesa .
"S-ir, may problema ba?"
"Yes , you are my problem,"
"Poh , paano ako? Ano poh nagawa ko? May mali ba ako nagawa sa trabaho ko?"
"Yes, malaki pumarito ka at tingnan mo ito ."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya kaya lumapit ako dito .
Unang nakita ko ang video na kausap ko si Alfred sa cafeteria kanina dahil nagkasabay kami ng lunch.
Niyaya niya, kumain kami ng sabay, kaya pumayag na ako dahil wala naman siya kanina at wala akong makakasabay.
"Sir, si sir Alfred po iyan,"
"exactly si Alfred ang kasama mo mag lunch kanina habang wala ako."
"Oras ng trabaho pero nakikipaglandian ka sa iba?"
"Sir, lunch na po iyan, saka nagkasabay lang po kami kanina . Dahil wala rin naman ako kasabay, saka hindi naman sinasadya ang pagkikita namin."
"Teka, bakit nga ba ako nag-explain sa kanya? E wala naman kami relasyon."
Napatakip ako ng bibig ng agad niyang hinampas ang lamesa na ikinaigtad ko.
Sunod sunod na mura ang sumalubong sakin na halos hindi ko na siya maintindihan.
Kaya agad ako napakuyom ng kamao ko habang naririnig ko ang mga pag hiyaw niya sakin.
Sa inis ko ay lumapit ako sa lamesa niya at malakas kong binagsak sa lamesa ang mag kabilang palad ko .
Halos mapangiwi ako sa lakas noon dahil sa lakas noon.
"Sir, wala po kami ginagawa. Kung iyan po ang ikinagagalit ninyo, mag reresign na lang ako."
Inis na wika ko sa kanya na ikinagulat niya agad ako nag labas sa office pero ang walang hiya ay hindi man lang ako pinigilan lumabas sa office.
Halos maiyak na ako sa sobrang galit ko sa kanya.
Kaya matapos ko umiyak sa restroom ay nagmadali ako lumabas doon para kunin ang mga gamit ko para umuwi na .
Pero pagdating ko doon ay nakita ko si Sir Andrew sa tapat ng table ko .
Agad napadako ang tingin niya sa akin kaya inirapan ko na lang ito at mabilis ko iniligpit ang gamit ko.
Kinuha ko ang bag ko para umalis na doon.
Pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
Hinila niya ako sa isang elevator kung saan tanging mga mabibigat na officials lang ang pwede sumakay doon.
Kaya wala kami kasabay ng bumaba ang elevator sa ground floor kung saan naka park ang sasakyan niya.
Pinilit ko bawiin ang kamay ko sa kanya, pero mahigpit ba hinawakan niya ito para hindi ako makalayo sa kanya .
Hindi siya umiimik hanggang sa makasakay kami sa loob ng kotse.
"Teka, saan mo ba ako dadalhin?" Inis na wika ko sa kanya .
"Nag-promise ako sasamahan kita mamili ng stock mo sa bahay kaya sasama ako."
"Huh, hindi na kaylangan,"
Pero hindi niya ako pinansin at itinuloy lang niya ang pagtingin sa harap ng kotse niya.
Bumaba kami sa isang sikat na mall para doon mamili.
Pero imbis na supermarket ang puntahan namin ay sa isang department store, niya ako dinala.
Nagpunta siya sa isang bilihan ng mga damit at bumili ng ilang piraso ng damit niya, maging ang panloob niya.
Maging ako ay nagawa niya rin bilhan ng damit .
Basta ko lang siya pinaanood sa pamimili niya ng mga gamit ko dahil hindi ko alam kung ano ang re-react ko sa kanya.
Hanggang sa matapos siya mamili ay nakatanaw lang ako sa kanya.
Matapos namin mamili ng ilang damit, ay sunod namin pinuntahan ang supermarket at namili kami ng pagkain ko sa loob ng bahay.
Babayaran ko na sana iyon ng pigilan niya ako; kinuha niya ang black card niya at ibinagay sa cashier.
Pinigilan ko siya pero ayaw niya pumayag .
"Andrew , wag na, hindi mo kaylangan gawin yan. Ako na ang bahala magbayad nito.
"No, ako na. Maliit na halaga lang naman ito. Isa pa, ako ang lalaki dito, kaya ako dapat ang gumastos .
"Pero hindi na naman kaylangan, may pera naman ako, saka resign na ako sa trabaho ko."
Tinapunan lang niya ako ng masamang tingin, pero hindi na siya nag-salita pa. Siguro ay ayaw rin niya na gagawa kami ng eksena sa loob ng supermarket kaya hindi na lang ako umimik hanggang sa makauwi kami sa bahay.
Dinala ko na ang mga pinamili ko na mga pagkain at agad na pinasok iyon sa loob .
Pero pag pasok ko ay nanatili nakasunod siya sa akin dala ang ilang paper bag na pinamili namin.
"Teka , bakit dala mo iyang mga paper bag na iyan? Hindi ko naman gamit yan ahh."
Hindi siya umimik at nilagpasan ako, saka siya diniretso at nag-tuloy sa loob ng kwarto ko.
Doon ay isa-isa niyang hinubad ang damit niya na ikinagulat ko.
"Teka, ano ang gagawin mo?"
"Maliligo na ako kaya pwede ba itigil mo na kadadaldal mo riyan."
"Maliligo ? Anong maliligo ? Ano sinasabi mo? Nababaliw ka na ba?"
Agad niya kinuha ang towel ko at saka ito nag tuloy sa banyo para maligo.
Napapailing na lang ako ng pag bagsakan ako nito ng pinto na siyang ikinagulat ko.
Matapos niyang maligo, nadatnan niya na nagsusulat ako sa isang notebook kung saan ay nakalagay kung magkano ang budget ko sa isang buwan .
Agad niyang kinuha iyon at saka niya tiningnan.
"Hoy , ano ba? Dito na nga iyan sakin yan!"
"3000 ang budget mo sa pagkain mo sa isang buwan?"
Sa kuryente halos wala ka binabayaran dahil nasa minimum ang kuryente mo at ang tubig mo ay nasa 100 lang ang isang buwan at ang bahay mo naman na ito ay 5k ang isang buwan."
"Ano kaba pwede ba wag mo nga tingnan yan? Wala kang pake kung mag kano ang gastos ko sa isang buwan."
Pinilit ko agawin iyon pero hindi siya nakikinig sa akin. Hanggang sa maglakad siya papunta sa kama kung nasaan ang pantalon niya at saka kinuha niya ang black card niya at hinagis iyon sa akin.
"Teka, ano ito? Magmula ngayon wala ka nang trabaho sa company ko dahil nag-resign ka na.
At dito na rin ako titira sayo, magiging double na ang gastos mo. Kaya kailangan mag-ambag ako sayo.
Magagamit mo yang card na yan pambili ng mga kaylangan mo at pang gastos natin dito sa bahay kaya tanggapin mo yan."
"Ano sabi mo? Dito ka titira?"
"Yes , Caroline ."
Mag sasama tayo sa iisang bubong mag mula ngayon."
Agad napakawang ang labi ko sa sinabi niya dahil sa pag kagulat ko, halos pigil ang pag hinga ko dahil sa prangka pag kakasabi nito sa akin.