chapter 24

1011 Words
Napatingin siya sa braso niya nang makita niya na mapula ito kaya halos maiyak siya dahil doon. "Ano ginagawa niya dito!" Medyo mataas na ang tono ng boses ko dahil sa galit. "May nangyari ba sa inyo dalawa? Magaling ba siya ? Masarap ba? Nag-enjoy ka ba? Sana sinabi mo na hindi mo na kaya tiisin ang pangangati mo para ako na lang ang gumawa ! Hindi ang pinsan ko pa ang—" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang mag-asawang sampal ang iginawad niya sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya, at pakiramdam ko ay parang nabingi ako sa lakas noon. Pero nagulat ako nang marinig ko ang pag-iyak nito sa harap ko at dinuro-duro ako. "Wala kang karapatan sabihan ako ng ganyan dahil hindi mo alam ang buong pangyayari! Wala kang karapatan sabihan ako na parang bf kita at wala kang karapatan para husgahan ang pagkatao ko! Uo , nagtrabaho ako sa bar at ni-r*pe ako at nag-table ako ng kung sino-sinong lalaki, pero hindi ko magagawa makipag-s*x sa kaibigan mo lalo na at wala kaming relasyon. Siguro nga inakit kita noon kahit wala naman tayong relasyon dahil mahal kita! Bumuk*k* ako sa harap mo dahil gusto ko may mangyari sa atin dahil gusto ko akin ka at mahal kita! Pero hindi ako kasing baba ng inaakala mo! Kaya nga ako lumayo sayo dahil nahihiya ako sa ginawa ko. Pero iyang pinaparatang mo ay hindi ko magagawa." Natahimik ako sa sinabi niya; kung ganoon, mali pala ang hinala ko sa kanya. "Alam mo ba kung bakit siya nandito, huh? Totoo, nagpunta siya dito sa Cebu para hanapin ako. Pero aksidente nakita niya ako kanina habang pilit ako sinasakay ng pinsan ko sa sasakyan niya ." "Ano sabi mo?" Gulat na wika ko . Narinig ko ang paghagulhol niya at nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya na nagpipigil ng galit. "Narito siya sa Cebu, Andrew! Narito ang taong bumab*y sa akin!! Binalikan niya ako! At hindi siya nag-iisa dahil may kasama siya! Alam mo ba iyong takot ko at kawalang pag-asa ko kanina? Takot na takot ako kanina, akala ko katapusan ko na ! Alam mo ba ikaw ang unang tao na naisip ko kanina para tulungan ako! Isinisigaw ko ang pangalan mo kanina sa isip ko habang pilit nila akong pinapasakay sa sasakyan nila kanina, pero hindi ka dumating. At iyang tao na sinapak mo kanina at iyang tao na nasa silid ko ngayon ang nag-iisang tao sumagip ng buhay ko! Ang tao na iyon ang nagbuwis ng buhay niya para lang iligtas ako! Kaya anong karapatan mo para saktan siya? At ano ang karapatan mo para maliitin ang pagkatao ko? "Galit na wika nito sa akin . Pinahid niya ang luha niya at saka tumalikod sa akin. Pero agad ko hinabol ito at niyakap siya sa kanyang likuran ng sobrang higpit. "I'm sorry, hindi ko sinasadya. Nagkamali ako at nagpadalos-dalos. Kinain ako ng labis na selos! Nasaktan ako sa nakita ko dahil mahal kita . Hindi ko alam ang nangyari sayo kaya nakapagsalita ako ng ganoon. Sorry kung wala ako ng kaylangan mo ako. Sorry kung nagseselos ako ng ganoon . Hindi ko kaya kung sakali man may nangyari sayo na masama . Mahal na mahal kita, Caroline." Ramdam ko ang pag kagulat niya dahil sa sinabi ko kaya agad itong humarap sa akin. "Ano sabi mo mahal mo ako?" Takang tanong nito sa akin habang patuloy na umaagos ang luha niya sa mga mata niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at pinunasan ang mga luha niya. Saka ko hinawakan ang magkabilang kamay nito gamit ang magkabilang kamay ko . "Hindi ko kakayanin mapunta ka sa iba ! Sa akin ka lang, sa akin lang ang girlfriend ko." "Girlfriend?" Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Ilang taon na ang nakakalipas ng umalis ako ng Bataan para mag-aral sa ibang bansa . Bago ako umalis ay may naiwan ako ng GF sa Bataan na hindi ko nagawang balikan. Na dapat sana ay gagawin ko noon, dumating ang malakas na bagyo noon sa Bataan, at dahil doon ay napilitan akong umuwi para puntahan ka. Sumakay ako ng helicopter noon para mabilis akong makauwi ng Bataan, pero dahil sa malakas na bagyo ay bumagsak ang sinasakyan namin, at dahil doon ay na-coma ako at nawala ang alaala ko. Hanggang sa dumating ka sa buhay ko! Doon pa lang nakilala ka ng puso ko kahit hindi ka makilala ng utak ko. Naging magaan ang loob ko sa iyo hanggang sa makita ko ang kahon na naglalaman ng isang laruang singsing sa kwarto mo . Dahil doon ay sumakit ang ulo ko at napanaginipan ko ang mukha mo noong bata pa tayo. Mga panahon na isinuot ko sayo iyon at nag-propose ako sayo kahit bata pa tayo. Nangako ako na pakakasalan kita kapag humantong ka sa tamang edad. Ngunit hindi nangyari dahil hindi ko nagawang balikan ka. Ngayon malinaw na ang lahat kung bakit ilang beses na hindi natuloy ang pagpapakasal ko sa iba dahil sa iyo. Dahil matagal na akong engaged sayo. I'm sorry kung hindi agad kita nakilala. Bumalik lang ang memory ko ng panahon na nawala ka at pinahanap kita sa personal na investigator ko. Noon Hindi naging malinaw ang mukha mo sakin hanggang sa malaman ko ang buong katotohanan sa personal investigator ko. Dahil sa information na iyon pinilit ko alalahanin ang lahat at hindi ako nabigo dahil muli kita naalala. "I'm sorry kung wala ako ng kaylangan mo ako. I'm sorry kung bakit hindi kita nabalikan agad. Kung nakabalik lang sana ako ng mas maaga, hindi na sana nangyari ang lahat ng ito. Sorry kung hanggang ngayon hindi pa rin kita nagawang protektahan. I'm sorry, mahal. Umiiyak na wika ko sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit. Naramdaman ko ang bahagyang pagyakap din nito sa akin, at kasabay noon ay ang pagtulo ng mga luha niya sa kanyang mga mata . Ramdam ko ang bigat at sakit na nararamdaman niya, dahilan ng pagbigat ng kalooban ko dahil sa mga nangyari sa kanya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD