chapter 23

1295 Words
Nang makatakas ang pinsan ko ay isinama ko si Alfred sa police station para mag-sampa kami ng kaso laban sa aking pinsan. Ayoko pa sana sampahan ng kaso ito dahil naaawa ako sa kanya maging sa mga tiyahin ko, pero ayaw pumayag ni Sir Alfred na hindi kami magsasampa ng kaso. Kaya pumayag na lang ako sa gustong mangyari niya. "Sir, gusto mo ba dalhin kita sa hospital?" "Ahhhh, ok lang ako. Gusto ko lang magpahinga." Wika, nito sa akin habang nakaakbay ito sa akin at hawak pa rin niya ang tiyan niya. Mukha kasi na puruhan talaga siya kanina kaya hindi ito makalakad ng ayos kaya akay-akay ko siya ngayon. "Saan ba ang hotel mo? May kasama ka ba?" "Wala akong kasama; narito ako kasi nabalitaan ko nandito ka kaya pinuntahan kita . Natahimik ako sa sinabi niya at may parte sa puso ko na natuwa na dinayo pa niya ako dito sa Cebu para lang makita ako. "Ganoon ba? Pasensya kana ng dahil sa akin ay nasaktan kapa." Nakangiti wika ko sa kanya. "Hindi mo kaylangan humingi ng pasensya. Isa pa, kaylangan kita tulungan kanina dahil nasa panganib ka, at hindi ko pinagsisihan iyon." Nakangiti, wika niya sa akin. "Gusto mo ba doon ka muna sa bahay para maalagaan kita?" "Hindi na, baka maka abala pa ako sayo." "Ano kaba hindi ka abala sa akin isa pa hindi kita pwede pabayaan , lalo na at utang ko ang buhay ko sayo. Gusto ko gantihan ang kabutihan mo." Nakangiti wika ko dito . Buti na lang at pumayag ito kaya nagpahatid kami sa taxi pauwi sa bahay . Tahimik ang buong bahay at mukhang walang tao kaya doon ko na lang ito dinala sa kwarto ko. Para makapagpahinga ito ng mabuti , sa sala na lang ako matutulog mamaya ng gabi para makapagpahinga ng maayos si Sir Alfred. Nang ipahiga ko siya sa kama ay umalis ako agad para kumuha ng face towel para punasan siya, at kumuha rin ako ng medicine kit. Agad ko hinubad ang t-shirt niya para mapunasan ko siya. Siguro pag dating ni Andrew mamaya ay hihiram na lang ako ng t-shirt nito para suotan siya ng damit. Nang matapos ko ito, ay ginamot ko na ang mga sugat nito at nagluto rin ako ng pagkain niya. Napapangiti siya habang sinusubuan ko siya. Pakiramdam ko ay kinikilig pa siya habang sinusubuan ko ito. "Ano'ng ngini-ngiti-ngiti mo diyan?" "Wala lang, masaya ako na kasama kita at inaalagaan mo ako." Napangiti ako sa sinabi niya . "Alam mo kasi ginagawa ko ito dahil tinulungan mo ako! Parte ito ng pasasalamat ko. Nag-aalala ako sa iyo kaya hindi kita hinayaan umuwi sa hotel. Alam ko kasi walang mag-aasikaso sa iyo doon. Ano ba kasi ang dahilan at nagparito ka sa Cebu at bakit mo ako hinanap?" "Na miss kita! Isa pa matagal kita pinahanap hanggang sa nakakuha ako ng balita na narito ka raw kaya pinuntahan kita dito"." "Ganoon ba? Pero salamat talaga sa pag ligtas mo sa akin. Buti na lang at nag parito ka; kung hindi, baka kung ano na masama ang nangyari sa akin." Nakangiti, wika ko dito. Matapos ko pakainin ito ay naglinis na muna ako ng bahay ko kahit alam ko na malinis naman ito dahil nilinis na ito ni Andrew kanina. Nasanay kasi ako na parati nag-iimis kahit na malinis naman ito. Kaya wala kang makikitang kahit na anong gabok sa loob ng bahay. Matapos kong maayos ang buong bahay ay agad akong bumalik sa kwarto para tingnan ang kalagayan ni Alfred. Napangiti pa ako ng makitang tulog na tulog ito; napakagwapo rin nito at maganda ang pangangatawan. Kaya hindi ko maiwasan humanga dito. Aaminin ko natutuwa ako dahil sinundan niya ako dito at iniligtas pa niya ako kanina. Na-appreciate ko ang kabutihan nito sa akin. Matapos ko titigan ito ay nagtuloy na ako sa cabinet ko para kumuha ng pamalit sa aking cabinet dahil nais ko muna maligo. Medyo nanlalagkit na kasi ako dahil sa pawis ko at nais ko muna mag-relax kaya nagtuloy na ako sa aking banyo na nasa loob mismo ng kwarto ko para makapaligo na ako. *************** Andrew's POV Alasyete na ng gabi nang makauwi ako sa apartment ni Caroline dahil sa kakahanap sa kanya. Sobrang kasi ako natakot na baka taguan na naman ako nito kaya agad ko siya hinanap, pero ilang oras na ako nasa labas ay hindi ko pa rin siya makita. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Mukhang narito na siya dahil nakabukas na ang mga ilaw sa paligid . Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag at hindi ito umalis ng bahay. Ramdam ko ang labis na pagod ko sa buong maghapon dahil sa kakahanap ko sa kanya. Kaya agad ko kinatok ito sa kwarto niya bago ako pumasok sa kwarto ko. Nakailang katok ako doon pero walang nagbubukas kaya mas nilakasan ko pa ang pagkatok hanggang sa bigla itong magbukas. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko; parang tinakasan ako ng kaluluwa ko dahil sa nakita ko, at bigla na lang nagliyab ang aking mga mata sa labis na galit, lalo na at nakita ko na wala itong damit pang-itaas at tanging pang-ibaba lang ang suot nito. Maya-maya ay nakarinig ako ng boses na nagmumula sa likod nito. At doon ko nakita naka topis lang ito ng towel sa katawan niya na mukha galing ligo . "Sino yan?" Wika niya, at nang makita niya ako ay nanlaki ang mata niya nang makita niya ako. Nagpalit-lipat ang tingin ko sa kanila hanggang sa napakuyom ang aking kamao. Walang sabi sabing sinuntok ko si Alfred dahilan ng pagkatumba nito. At nang tatadyakan ko ito ay biglang humarang sa aking harapan si Caroline. "Tama na, ano ba!" awat niya sa akin sabay tulak niya sa akin palayo kay Alfred. Nakita ko pa ang pag dugo ng gilid ng labi nito bago ko nakitang lumuhod si Caroline sa harap niya At puno ng pag aalala sa mukha. Sa inis ko ay agad akong lumabas ng kwarto at pumasok sa aking silid. Napaupo ako sa kama at sabay sapo sa aking mukha. Naramdaman ko pa ang pag-agos ng aking luha sa aking mga mata dahil sa nararamdaman kong sakit sa aking dibdib. Sobrang sakit sa akin isipin na may nangyari sa kanila, lalo na sa tao na itinuring ko kapatid. Wala akong pakialam kung sabihin nila na ako ay bakla dahil umiiyak ako. Pero hindi ko na kaya itago pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit para sa akin ng makita sila sa ganoong sitwasyon. Nasa ganoong sitwasyon ako nang pumasok si Caroline kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. "Ano ginawa mo kay Alfred? Bakit mo siya sinuntok!" Galit na wika nito. Ganoon pa rin ang ayos niya kanina . Nakatopis lang siya ng towel habang kinakausap ako . Matalim ang tingin niya sa akin at ramdam ko ang galit niya sa akin . "Ano ginagawa mo dito? Hindi ka na sana pumasok pa dito at baka magalit pa sayo si Alfred." Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. "At bakit naman? Bahay ko ito at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin." Inis na wika nito sa akin. Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay halos nagpatong-patong na ang sakit at galit na nararamdaman ko. Kaya agad ko siyang hinawakan sa braso niya at matalim ko siyang tiningnan. Napangiwi siya sa sakit dahil sa mahigpit kong paghawak sa braso niya . "Ano ba, nasasaktan ako, Andrew. Ahhh, masakit. B-itiwan mo ako." Naiiyak na wika niya. Kaya agad ko siyang binitiwan at itinulak ko siya palayo sa akin. Napatingin ako sa braso niya na may bakas ng mapula sa braso niya dahil sa higpit ng hawak ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD