ANDREW POV:
Nasa office ako ngayon at katatapos lang din ng aking meeting kasama ang mga business partner ko.
Hanggang sa mga oras na iyon ay nakatanggap ako ng tawag mula sa aking mga tauhan na aking inutusan para hanapin si Caroline.
"Ano na balita na hanap na ba ninyo ang babae pinahahanap ko?"
"Negative, poh sir."
"Tatlong buwan na pero hindi pa rin ninyo nakikita si Caroline?"
"Inuubos ninyo ba ang pasensya ko? Hanapin ninyo siya kahit saan sulok pa ng bansa ! Alam ko narito lang siya. Handa ako doublehin ang pera ibabayad ko makita lang ninyo siya. Naiintindihan ba ninyo!"
"Yes , sir."
Agad ko binaba ang tawag nang biglang pumasok si Alfred sa loob ng opisina.
Natatawang lumapit ito sa akin habang ang magkabilang kamay nito ay nasa kanyang bulsa at naupo sa upuan na nasa aking harapan.
"Tssk, talaga ba? Dinig na dinig ko ang boses mo sa labas."
"Nakakainis, bro, tama ba pahirapan niya ako sa paghahanap sa kanya?"
"Kasi naman, bro, bakit kasi tinanggihan mo?"
"Hindi ko siya tinanggihan, bro,"
"Sabagay, hindi mo nga siya tinanggihan; balak mo nga pala ibahay tapos gawing kabit mo ."
"Tsssk, pag ako ang unang nakahanap sa kanya, akin siya."
"Asa ka, bro? Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mangyari iyon!" Inis na wika ko dito na ikinatawa naman nito sa akin.
Mayamaya ay nakatanggap ako ng tawag mula sa pamilya Navarro, na dati ko pang business partner.
"Hello, Mr. Navarro, napatawag kayo?"
"MR. Montifalcon, anyayahan sana kita dumalo sa 1st b-day ng aking anak dito sa Cebu. Nag-sent na ako ng invitation sa e-mail mo ."
"Ganoon ba? Sige, kelan ba yan?"
"Sa Sunday na iyon, pwede ka ba?"
"Uo, naman, alam mo naman hindi kita kayang hindian."
"Kung ganoon aasahan kita doon,"
"Sige, darating ako."
Matapos ng pag-uusap namin ay agad ko nang binaba ang tawag habang si Alfred ay nakangiti lang sa akin, na ikinailing ko naman dito.
"Ano ba itinatawa mo riyan?"
"Paanong hindi, mukha kang na-stress dahil kay Caroline. Gusto mo ba sumama saking mag-party kasama ang mga kaibigan natin?"
"Wala ako gana!"
"Dude , wag kang mag-alala, mahahanap rin natin si Caroline. Sa ngayon, mag-enjoy muna tayo."
"Dude, hindi ako magpapakalasing. Wala akong tiwala pag ikaw ang kasama ko; mahirap na dayain mo ako.
Mamaya ay ibugaw mo ako kung kanikaninong babae para sa ganoon ay lalo akong kamuhian ni Caroline para makuha mo siya sakin."
"Dude , totoo gusto ko si Caroline pero hindi ko kayang mandaya.
My tiwala naman ako mas magugustuhan niya ako kesa sayo. Kaya pag nakita ko siya, hindi ko na siya ibabalik sayo."
"Pag nakita ko si Caroline, hindi mo na siya malalapitan pa, Alfred, dahil pakakasalan ko na siya.
"Baka nakakalimutan mo gf ko siya, at wala pa kaming break up dalawa."
"Tsssssk, dude, marami ng taon ang lumipas. Sa tingin mo ba ay ikaw pa rin ang mahal niya?"
"Syempre naman, kumpyansa parin ako kaya nga nagawa niya magpakita sakin."
"Wooohh… edi tingnan na lang natin,"
"Oh , paano, mauuna na ako sayo. Pag nag bago ang isip mo, alam mo kung saan ako pupuntahan."
"Sige , mag-iingat ka."
"I will, dude. Paano kaya kung tayo pala ang destiny?"
"Sira ulo ka, gusto mo ba iburol kita ng maaga?"
"Joke lang! Pinatatawa lang kita. Hindi ka na kasi tumatawa, nagmumukhang gubat na yang mukha mo. Mag-ahit ka nga ng balbas at bigote mo!"
"Sira ulo!"
"Mana sayo, dude!"
Matapos nitong bwisitin ako ay agad itong lumabas ng office ko habang ako ay naiwan mag-isa sa opisina.
Napatulala ako ng sumagi sa isip ko ang mga halik na pinagsaluhan namin dalawa ni Caroline sa loob ng opisina na iyon.
"Oh, my Caroline, I miss you. Nasaan ka na ba? Bakit hindi ka magpakita sakin?"
Agad akong napahilamos ng aking mukha habang iniisip ko ang magandang mukha nito.
Caroline Pov
Maaga pa lang ay pinaghandaan ko na ang pagpunta sa yate kung saan gaganapin ang party ng mga Navarro.
Nag suot ako ng red tube gown na kita ang magandang hubog ng aking dibdib; may slit din ito sa gilid na nag papalutang sa makinis at maputi kong hita, at sa likod naman ay lutang na lutang rin ang aking likod.
Tinaas ko ang aking buhok at saka ko ito pinusod para naman magmukha akong kagalang-galang.
Maging ang sandals ko ay may kataasan rin para kahit papaano ay tumangkad ako.
Nag-apply lang ako ng kaunting make-up at lipstick para naman ay maganda ako tingnan .
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at nagpaikot-ikot doon.
Ito kasi ang first time na pupunta ako sa ganitong event kaya excited ako dumalo sa party.
Napangiti ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin; maging ako ay nanibago sa aking itsura.
Agad nag-ring ang cellphone ko kaya tiningnan ko iyon. Nakita ko ang pangalan ng staff ko at sinabing nasa yate na sila at nakaready na rin dahil magsisimula na ang party.
"Mabuti kung ganoon , sige susunod na ako diyan, nakabihis na rin ako." Agad kong binaba ang tawag at lumabas ng bahay .
Pagdating ko doon ay namangha ako sa laki at ganda ng yate na pagdarausan ng party. Ito kasi ang unang beses na makakakita ako ng ganito at makakasakay sa ganito kalaking yate.
Agad naman ako sinalubong ng isa sa mga tauhan ko para samahan ako makapasok sa loob .
**********
3rd person POV
Pagpasok pa lang ni Andrew sa loob ng yate ay sinalubong na siya agad ng iba't ibang panauhin.
Ang ilan sa mga ito ay mga business partner niya at ang iba naman ay mga kilalang politicians.
Nagawa pa siyang interviewhin doon patungkol sa hiwalayan nila ni Katelyn, at lahat ng tanong ng mga ito ay sinagot niya ng buong tapang.
Matapos ng interview ay nilapitan siya ng mag-asawang Navarro kasama ang kanilang munting anghel.
"Mr. Montifalcon, buti at na. Parito ka na." Naka ngiti wika nito sa kanya .
"Maaari ba naman mawala ako sa napaka importanteng party na ito?"
"Salamat kung ganoon sana ay mag-enjoy ka rito."
"Uo naman basta maraming alak ay mag eenjoy ako." Natatawang wika nito sa kanila.
"Siya na ba ang batang anak ninyo?"
"Uo siya nga,"
"Napakagandang bata niya pala! Nasa baba na ang regalo ko sa munting anghel na iyan."
"Nabalitaan ko hiwalay na kayo ni Katelyn. Tumatanda ka na pero wala ka pa ring taga pagmana ng kumpanya mo .
Sayang naman ang pinaghirapan mo."
"Actually, 35 na ako. Tama ka, medyo tumatanda na ako, pero wag kayong mag-alala dahil baka next year ay makilala na ninyo ang anak ko ."
"Ang totoo niyan pinahahanap ko—" hindi nito nagawa tapusin ang sinasabi niya nang biglang lumutang sa harap niya ang babae na matagal na niyang hinahanap.
Napaawang ang labi nito at halos lumuwa ang mata niya ng makita niya sa ganoong ayos si Carol. She is wearing a fitted red dress na kitang-kita ang cleavage niya at ang magandang hubog ng kanyang dibdib at ang mahabang slit sa gilid nito ang nagpalutang sa napaka-sexy niyang katawan .
Ang mukha niya na may kakaibang ganda na mas pinalutang ng kulay pulang lipstick nito.
"Sa tingin ko nakita ko na ang ina ng magiging anak ko," wika niya sa mag-asawang Navarro.
Napatingin sila sa papalapit na si Caroline, at maging sila ay halos hindi makapaniwala sa ganda nito.
Halos pag tinginan na si Caroline ng napakaraming tao na humahanga sa ganda niya.
"Caroline , ikaw na ba yan?"
"Ang ganda mo naman. Wala ba kasama partner mo?"
"Wala poh ako noon, single poh ako at wala sa isip ko pa ang mag-bf."
"Tamang tama, may kilala kami na single at kahihiwalay lang sa gf niya actually, 3 beses na na uudlot ang kasal niya, baka naman kayo na ang nakatadhana sa isa't isa," pagbibiro ng mag-asawang Navarro.
"At sino naman po iyon, mam?"
"Ito si Sir Andrew Montifalcon, isa siya sa mga business partner namin; mabait at maalaga ito."
Agad na gulat si Caroline nang makita si Andrew na nasa harap niya at may malawak na ngiti sa kanya habang umiinom ito ng alak.
Kinindatan pa siya nito at may biglang binigkas itong salita sa labi niya pero walang boses na lumalabas sa bibig niya.
Ganoon paman ay naintindihan niya kung ano ang nais iparating ng binata sa kanya.
"BINGO" isang salita ngunit nag hatid iyon ng kakaibang kaba sa kanya.
"Mr. Montifalcon, this is Ms. Caroline Olivares, Ang nag-ayos ng lahat ng handa sa party ng aming anak .
Napakasarap ng mga pagkain sa restaurant niya kaya siya na ang kinuha namin na maghanda ng party para sa anak ko at hindi niya kami binigo.
Maging mga bisita ay nagustuhan din ang mga pagkaing hinanda niya."
"Hi! Ms. Olivares, I'm Andrew Montifalcon. Nice meeting you, pretty lady," nakangiting wika nito kay Caroline.
Agad niya inilahad ang kamay niya sa dalaga na tinanggap naman nito.
Nanlalamig ang buong kamay niya nang mahawakan ni Andrew ang kamay niya, at saka nito dinampian ng halik ang likod ng kanyang palad.