chapter 17

1612 Words
Nasa office ako habang kaharap ko mismo ang taong inutusan ko para hanapin ang babaeng malimit kong makita sa panaginip ko. "Anong balita sa investigation mo?" "Sir, nasa folder na ito, lahat ng information nakuha ko sa bataan." "Ayon po sa aking nalaman , ang babae na pinahahanap ninyo doon ay kababata ninyo at naging nobya ninyo, ayon sa mga nakasama ninyo noon sa paaralan na pinapasukan ninyo." "At sa kasalukuyan ay narito siya mismo sa company ninyo para magtrabaho." Agad ko binuksan ang folder na dala ng P.I ko at nagulat ako ng makita ko ang profile ng babae nasa folder. "Caroline?" "Si Caroline Olivares, ang babae na kasalukuyan ay nagtatrabaho sa inyo bilang secretary ninyo." "What, totoo ba ito si Caroline? Pero bakit hindi niya sinabi sakin , bakit inilihim niya ang tungkol dito?" "Ayon po sa mga nakalap ko ay nagkaroon ng pagguho ng lupa noon sa mismo lugar nila, dahilan ng pagkamatay ng mga magulang niya at tanging siya lang ang nakaligtas noon." "Kung ganoon iyon pala ang dahilan kung bakit nagmadali ako umuwi noon para puntahan siya; iyon ay dahil nais ko malaman ang kalagayan niya." Agad akong napahilamos ng mukha dahil sa mga nalaman ko . Ramdam na ramdam ko ang matinding sakit sa dibdib ko. Dahil nagawa kong kalimutan ang babae, inalayan ko ng buhay ko . "Sir, ok lang po ba kayo?" "Ok lang ako. Pwede ka nang umalis ngayon din mismo, at ito na ang bayad mo para sa serbisyo mo." Sabay abot ko dito ng malaking halaga. Agad itong lumabas ng office nang matanggap ang pera na ibinigay ko sa kanya. Napasandal ako sa swivel chair ko nang makaramdam ako ng pananakit ng aking ulo. Agad akong tumayo at kumuha ng alak, saka ko ininom iyon upang mawala ang sakit na nararamdaman ko. Wala sa sarili, hinagis ko iyon nang maisip ko ang mga pinagdaanan ni Caroline noong mga panahon na wala ako sa tabi niya. Muli sumagi sa isip ko ang walang awa pang g*g*hasa sa kanya ng sarili niyang pinsan at ang pagiging palaboy niya sa lansangan. "Oh my! Caroline, I'm sorry, hindi kita na balikan agad ! Napakalaki ng kasalanan ko sayo patawarin mo ako." "Ahhhhhhhh, CAROLINE!" "I'M SORRY, CAROLINE! WALA AKO NAGAWA HINDI KITA NA BALIKAN , PATAWARIN MO AKO!" humagulhol na wika ko na para bang naririnig niya ang mga sinasabi ko . Agad kong pinaghahagis ang lahat ng gamit ko sa office. Hanggang sa napaupo ako sa sahig at humahagulhol doon na parang isang batang musmos na inagawan ng candy. ********* Matapos ko malaman ang tungkol kay Caroline ay napadalas na ang pananakit ng ulo ko, maging ang pagiging mainitin nito. Walang oras at araw na hinahanap ko siya hanggang sa magbukas ang pinto ng aking office. "Love, bakit hindi mo ako sinundo? Alam mo ba inaantay kita sa airport?" "Katelyn?" Gulat na wika ko ng makita ko siya sa aking harapan . "Oh, bakit nagulat ka? Hindi ba sinabi ko naman sayo ngayon ang balik ko?" "I'm sorry, naging B.C. ako nitong mga huling araw kaya hindi ko na alala na ngayon ang balik mo." "It's ok, ano kaba , pwede ka naman bumawi sa akin , teka! Hindi mo man lang ba ako na-miss? Wala man lang ba ako halik at yakap sayo? Nagtatampo kaba sakin? Sorry ha kung bihira ako makatawag sayo, naging B.C. kasi ako nitong mga huling araw. Agad itong lumapit sa akin at kumalong sa kandungan ko, pero dahil hindi ako komportable ay tumayo ako para kumuha ng maiinom. "By the way, narito ako kasi may nais ako sabihin sayo, gusto ko sana madaliin na ang kasal natin, love. Magkakaroon kasi ako ng malaking kontrata at 3 yrs ang itatagal noon at sa huling araw ng buwan ang alis ko. "What? At ngayon mo lang sinabi sakin?" "Sorry, love, nakakalimutan ko na kasi sabihin sayo. Alam mo naman pangarap ko iyon, hindi ba? At ito na iyon." "Katelyn , gusto mo madaliin ang kasal natin para lang diyan sa pangarap mo? Tapos ngayon mo lang sinabi sa akin at hindi mo man lang ako tinanong kung papayag ako?" "Love, sorry, pero minsan lang kasi dumating ang chance na ito ." "Exactly, minsan lang din tayo ikakasal, pero gusto mo madaliin dahil diyan sa pangarap mo? At pagkatapos ano? Iiwan mo ako at 3 yrs bago ka bumalik?" Paano tayo magkakaanak at bubuo ng pamilya kung iyan? Pag momodelo mo, ang inaatupag mo? " "Love, sana maintindihan mo ako. Pareho importante ikaw at ang pangarap ko kaya nga ako narito para magpakasal sayo pero I'm sorry, pero hindi pa ako handa magkaanak. Alam mo bawal iyon lalo na at modelo ako at ngayon pa lang ako nag-uumpisa makikilala sa modeling world." "No! Katelyn, mas importante ang pagmomodelo mo kesa sa atin, kaya kung yan ang nais mo, mabuti pang tapusin na natin iyon." "Ano ibig mo sabihin? Gusto mo makipag hiwalay sakin? Iyon ba talaga ang dahilan o may babae ka?" "Pwede ba wag mo ako baligtarin, Katelyn! Ayoko ng ganitong relasyon at salamat dahil maaga pa lang pinarealize mo na sakin na hindi tayo pwede magsama, hindi ba at makakabuti iyon sa atin." Sa galit nito ay nagawa niyang ihampas ang dalawang palad niya sa lamesa. Habang naglalandas ang kanyang mga luha. "Hindi mo pwede gawin ito, Andrew! Ang sabi mo mahal mo ako, pero ito ka at nais mo makipaghiwalay!" Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at saka lumapit sa kanya para hawakan ang braso niya. Agad ko hinuling mga mata niya gamit ang mga mata ko at matalim na tiningnan siya. "Mahal kita, Katelyn! Sinabi ko na ikaw na ang huling babae mamahalin ko. Pero paano ko pa gagawin iyon kung hindi mo ako kayang mahalin ng buo?" Puro pangarap mo na lang ang inaatupag mo, paano naman ang pangarap ko makasama ka at bumuo ng pamilya kasama mo? Paano ang pangarap ko na mabigyan ka ng maayos at magarbo kasal kung pangarap mo pa rin ang iniisip mo! Katelyn, hindi mo ba naisip na kaylangan ko rin ng magmamana ng mga negosyo ko na kaylangan kita? Pero mukhang hindi mo yata kayang ibigay lahat ng iyon sa akin, kaya bakit pa natin patatagalin ito? Bakit pa natin ilalagay ang mga buhay natin sa alanganin? Ngayon pa lang itigil na natin ito! "Galit na wika ko sa kanya. "Sige , kung yan ang nais mo, itigil na nga natin ito, dahil hindi ko kaya bitiwan ang pangarap ko na matagal ko na pinaghandaan at pinangarap para lang sa isang tao kagaya mo. Alam mo, tama ka! Bakit pa natin patatagalin ito? Ikaw, nais mo ang magkaroon ng pamilya at magmamana ng kayamanan mo na matagal mo nang pinaghirapan. . Samantalang ako ay sa pangarap ko na matagal ko nang nais makuha. Tulad mo, Andrew, ayoko rin bitiwan ang pangarap ko kagaya ng hindi mo kayang bitiwan ang company mo . Kaya sige , kung iyan ang decision mo, mabuti pa nga maghiwalay na tayo." Galit na binawi nito ang kamay niya at agad umalis sa loob ng office samantalang ako ay naiwan sa loob ng aking opisina. Inis na napahilamos ako ng aking mukha dahil sa labis na inis. ************* 3 months ago Matapos ng ilang buwan ng pakikipagsapalaran ko sa Cebu, ay nasimulan ko na ang aking restaurant sa tulong ng aking kaibigan na si Vanessa. At tulad nga ng sinabi niya ay kumikita na ako ng malaking halaga hanggang sa kumuha na rin ako ng ilan pang tauhan . At pauti-uti ay nakakabayad narin ako kay Vanesa sa utang ko sa kanya na nagkahalaga ng 200 k. Nasa opisina ako nang kumatok ang isang tauhan ko at sinabi may naghahanap raw sa akin. Agad naman akong lumabas doon at nakita ko ang isang babae na may dalang bata at isang lalaki. Masasabi ko na napakagwapo rin. "Hi, good morning, ikaw ba si Ms. Olivares?" "Yes, ano poh ba maitutulong ko sa inyo?" "Kami nga pala si Mr. and Mrs. Navarro. May-ari kami ng isang shipping company dito sa Cebu, at nagustuhan namin ang mga pagkain mo dito sa restaurant mo. Nais sana namin dalawa na ikaw ang mag-catering sa 1st b-day ng aming anak sa isang yate!" "Naku, mam, labis ko pong ikinatutuwa na ako po ang napili ninyo . Kelan po ba ang b-day ng anak ninyo?" "Next week na iyon , kakayanin mo ba?" "Syempre, naman po, ma'am, sabihin lang ninyo sa akin kung gaano karami ang bisita darating." "Kung ganoon, ikaw na ang aming kukunin ! Pasensya na at medyo rush ito," wika ng babae na aking kaharap. "Wala poh kaso iyon. Bago pa lang poh itong restaurant ko, pero sisikapin ko poh na magiging maganda at maayos ang magiging party ng baby ninyo. Dahil kayo poh ang unang client ko, kaya asahan ninyo ang 100% na serbisyong aming ibibigay sa inyo." "Mabuti naman kung ganoon, pero nais rin sana namin na dumalo ka rin doon . Hindi bilang nagmamay-ari ng catering kundi bilang isang bisita namin ." "Sige, poh, Mr. Navarro, asahan poh ninyo ang aking pagdating sa party ." "Kung ganoon, hindi na rin kami magtatagal pa at aalis na rin kami." "Sige, poh, salamat poh sa inyong tiwala." Dahil sa magandang balita na iyon ay sinimulan na agad namin ng aking mga tauhan ang pagpupulong sa gaganapin na party ng mga Navarro. Matapos namin mag-usap-usap ay agad ko na rin pinaghandaan ang party na iyon. Nag tungo agad ako sa isang mall para bumili ng damit na aking isusuot sa party. Bumili na rin ako ng damit na pwede kong isuot sa party dahil nais nila na dumalo ako doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD