Halos buong magdamag ako umiyak hanggang sa magdesisyon ako na iimpake ang lahat ng gamit ko .
Balak ko umalis sa lugar na iyon at lumipad papunta sa Cebu.
Nagpa-book ako ng flight papunta doon.
At dahil nga nagtrabaho na ako ng ilang taon at sarili ko lang naman ang kinikita ko, ay may kaunting na ipon na ako.
Kaya nag decide na ako na lumayo na lang kay Andrew.
Sa totoo lang, gusto ko ipaglaban siya, pero paano ko magagawa ang lahat ng iyon?
Paano ko siya ipaglalaban kung ayaw niya sakin , masakit man, pero malinaw na sinabi niya na hindi niya kaya ako paninindigan, kaya ako na lang ang lalayo rito para hindi na kami magkaproblema pa.
Matapos kong iimpake ang gamit ko, ay agad akong bumyahe papunta sa Cebu kung nasaan ang isang kaibigan ko sa bar na ngayon ay isang negosyante na.
Dahil nakapag-asawa ito ng isang mayamang negosyante.
Pagdating ko doon ay agad akong nagtungo sa isa sa mga restaurant niya para doon kami mag-usap dalawa .
"Uy, kamusta kana Caroline, ang tagal natin hindi nag kita ahh…"
"Uo nga na pakaganda dito sa Cebu at itong restaurant na ito ang laki , sayo ba ang restaurant na ito?"
"Uo, ganda hindi ba? Bakit ka nga pala na rito? At isa pa, bakit mag-isa ka? At saka na mamaga pa iyang mata mo."
"Mahabang kwento eh, pero ang totoo niyan na parito ako para humingi ng tulong sayo ."
"Tulong ? Tungkol saan ? Wag mo sabihin wanted ka? Naku, hindi kita matutulungan diyan."
"Hindi, friend, ano kaba! Kaylangan ko kasi ng trabaho."
"Trabaho? Wala ako bakante ngayon."
"Ganoon ba , 300k na lang ang pera ko, ayoko naman maubos ito ng ganon na lang, kaylangan ko ng pagkakakitaan."
"300 ba kamo? Bakit hindi ka na lang mag business sarili mo at ikaw ang boss."
"Ano naman negosyo?"
"Hindi ba at business ang tinapos mo? Madali na lang sayo ang magtayo ng sarili mong negosyo. Magaling ka magluto, bakit hindi ka na lang magtayo ng sarili mong restaurant?"
"Restaurant?"
"Yup, mag branch ka ng katulad nito sakin ."
Alam mo ba kumikita ako ng halos 100k a month labas na ang lahat ng gastos.
100k Caroline 100k, kaya bakit kapa mag titiis mamasukan kung kaya mo naman kumita ng sarili mo."
"Pero 300k lang ang pera ko, saan aabot iyon?"
"Willing ako pahiramin ka ng 200k para sa bagong branch.
Bayaran mo kung kelan mo gusto bayaran .
Walang problema sakin."
"200k malaki iyon, sure ka ba diyan?"
"Bakit naman hindi? Alam mo kapatid na ang turing ko sayo at alam mo hindi kita matitiis, ano payag ka na ba?"
"Sige, salamat sayo huh,"
"Ano kaba naman, wala iyon. Saan ka nga pala titira ngayon?"
"Wala pa nga eh,"
"Sige, ganito na lang ibibigay ko ang address ng bahay ko dito sa Cebu. Walang nakatira doon. Ibebenta ko na nga sana pero wala naman may gusto bumili. Kung gusto mo, doon ka na lang tumira.
Pag nagkaluwag ka, pwede mo siya bilhin."
"Sure kaba, naku salamat bestie huh…"
"Wala iyon, bestie. Alam mo naman, mahal na mahal kita."
Agad ko niyakap siya dahil sa kabutihan nito sa akin. Masakit man ang pinagdaanan ko sa buhay, ay hindi ko inaasahan na may isang tao handa sumalo sa akin.
Matapos namin mag-usap dalawa, nag-tuloy na ako sa bahay ni Vanessa kung saan ako manunuluyan .
May dalawang kwarto iyon at sakto lang ang laki ng sala at kusina. Simple lang ang bahay at sakto lang sakin.
Agad ko inayos ang gamit ko at nilinisan ang bahay; nasa loob ito ng subdivision kaya safe ang lugar na iyon.
Pagka-ayos ko ng gamit ko ay naligo muna ako dahil balak ko mamili ng stock sa loob ng bahay.
Iyong mga stock ko sa bahay na binili ko kagabi ay iniwan ko na lang sa apartment na tinutuluyan ko at ibinigay ko na lang sa may-ari ng apartment.
Dahil hindi naman sa akin ang ibinili noon.
************
ANDREW POV
Galit na dumating ako sa bahay ng mga oras na iyon kahit na mga katulong ay na pag bubuntunan ko ng init ng aking ulo.
Buong akala ko ay magiging maayos ang lahat ng ginawa ko pero hindi ko inaasahan na mag kakaganito.
Napakagago ko dahil sarili ko lang ang iniisip ko at hindi ko inisip ang nararamdaman niya.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil tama siya, ingatan ko man ng husto ang p********e niya, pero hindi ko kaya ingatan ang buong pagkatao niya.
Iniiwasan ko, wag ko siya masaktan, pero mas nasasaktan siya sa ginagawa ko sa kanya dahil hindi ko siya kaya panindigan .
Ano nga ba ang pumasok sa isip ko para gawin kabit siya.
Ang alam ko lang ay nais ko siya makasama , pero hindi ko alam kung kaya ko ba siya panindigan.
Naguguluhan ako sa sarili ko. Napahilamos ako ng aking mukha habang iniisip ang mga nangyari kanina at kung paano niya inofer ang sarili niya sakin.
Napamura ako ng paulit-ulit ng maalala ko iyon.
Naging balisa ako sa buong magdamag at hindi ko nagawa makatulog.
Halos nakaubos na nga ako ng ilang bote ng alak, pero hindi ko magawa makatulog.
Inabot ako ng madaling araw sa pag-inom, at doon ko lang nagawa makatulog.
Nang magising ako ay halos ala una na ng hapon; sobrang sakit ng ulo ko at agad ko kinuha ang cellphone ko, at doon ko napansin ang ilang tawag ni Katelyn.
Maging ang tawag ni Alfred sakin, may ilang txt rin doon ang opisina at sinabing kaylangan ko pumasok. Dahil wala akong secretary, ay diretso lahat ng e-mail at mga text sakin.
Napasabunot ako ng ulo ko ng lalo ako makaramdam ng sakit ng ulo dahil sa patong-patong na e-mail, tawag, at txt sakin.
Minabuti ko maligo muna para ma-relax ako, pero buong isip ko ay nakatuon lang kay Caroline.
Matapos ko maligo, ay pumasok ako sa opisina kahit na 2:30 na ng hapon at inayos ang ilang trabaho ko.
Nagpatawag na rin ako ng bagong secretary para bukas.
Matapos ko ayusin ang ilang trabaho ay nag-tuloy na ako sa apartment ni Caroline. Gusto ko siya makita at gusto ko humingi ng tawad sa kanya dahil sa pagiging insensitive ko.
Pero pagdating ko doon ay bigo akong makita siya.
Patay ang lahat ng ilaw sa bahay at wala katao tao doon, ilang beses ko siya tinawagan pero ni isang tawag ko ay ayaw niya sagutin .
Napamura ako ng ilang beses dahil sa inis. Hanggang sa kalampagin ko na ang pinto ng bahay .
At dahil sa ingay ko, isang kapitbahay ang lumabas para silipin ako.
"Kuya, ano ba problema gabi na ahh…"
"Pasensya na, nasan ang tao nakatira dito?"
"Aahhh… si Caroline ba? Umalis siya kanina dala lahat ng gamit niya ."
"Umalis, saan naman siya pupunta ? Kabibili lang namin ng stock ka gabi."
"Ahh, ibinigay na niya sa may-ari ang stock niya kanina."
"Alam mo ba kung saan siya pupunta?"
"Wala siya sinabi ehh…"
"Ganoon ba? Sige, salamat."
Sa inis ko ay umalis na ako doon at umuwi sa bahay.
Nakailang pauli uli ako doon ng makarinig ako ng tawag sa aking cellphone at nakita ko ang pangalan na rumihistro doon.
"Hello, Donald, ano balita sa investigation mo tungkol sa Bataan?"
"Sir , may magandang ibabalita po ako sa inyo. Kilala ko na kung sino ang babae pinahahanap ninyo sa Bataan.
Pwede poh tayo mag kita bukas para sa information aking nakalap.
"Ganoon ba mabuti? Kung ganoon, sige, mag kita tayo bukas sa office. Doon tayo mag usap ."
"Sige sir."
"Sa labis na inis ko ay hinagis ko ang cellphone ko at pabagsak na nahiga sa kama.
Sapul kasi ng malaman ko ang tungkol sa babae pinuntahan ko sa Bataan ay naisipan ko ipahanap siya .
Nais ko makilala siya at kung bakit hindi siya mawala sa panaginip ko gabing-gabi.