Matapos ng aming umagahan ay agad ako nagtungo sa aking silid para magbihis dahil naghihintay na sa akin sa baba sina Claribel at Alvin. Matapos kong magbihis ay nagmadali na ako bumaba para pumunta sa garahe. Sakto dating ko ng makita ko nakahanda na ang aming sasakyan. Sakay na noon si Claribel at ang napakapogi naming driver na si Alvin. Pag pasok ko doon ay abala sa pag titipa ng kanyang cellphone si Claribel, samantalang si Alvin ay may kausap naman sa kanyang cellphone. Agad ito napatingin sa review mirror ng makita niya ako pumasok sa loob ng kotse. Matapos noon ay ibinaba na nito ang kanyang cellphone. At saka ko narinig ang boses nito. “Buti naman at narito ka na. Akala ko aabutin ka pa ng umaga ehhh…” “Huh, hindi noh, maaga pa naman ahh…“ “Oo nga kuya, late lang naman

