Luna Isabella
Nakahinga ako ng malalim nung makalabas ako sa opisina ng boss ko. Jusko! Totoo ang tsimis! Hindi lang siya intimidating, napaka-sungit pa! At some point, he’s nice then biglang magiging masungit. Hayst! Ang hirap basahin ng ugali niya but I have no choice dahil employee lang naman ako at saka isa pa, bagong hire pa lang ako at kailangan ko itong trabaho na ‘to.
Pagkalabas ko pa lang sa opisina ni Sir Keith ay dumiretso na ko sa desk na naka assigned sa akin at malapit lang din sa office kung nasaan siya.
“Ms. Hernandez? Can I talk to you for a minute?” Napangat ako ng tingin nung makita ko si Ms. Mendez sa harapan ko at seryoso itong nakatingin sa akin. Tumayo ako at sumunod sa kaniya sa isang gilid.
“Siguro naman nakilala mo na si Sir Keith?” Sarkastikong tanong niya kaya napayuko ako.
“Ah opo.” Tipid at mahina kong sagot.
“Sa susunod, huwag kang ta-tanga at tignan mo ang dinaanan mo para hindi ka nakakaabala sa iba o nakakabangga, naiintindihan mo ba?” Kunot noong tanong niya.
“Opo, pasensya na po ulit.” Sambit ko sa kaniya tapos ay inabot niya sa akin ang ilang mga folder at isang ipad. S-sungit naman ng mga tao dito. Tss. Sana lang talaga ay makasundo ko sila.
“You go, organize his schedules here.” Tukoy niya sa ipad na inabot niya sa akin.
“And make sure all his files are organized. Isa pa, papirmahan mo yang mga documents na yan sa kaniya. Kailangan na yan ma-finalize tomorrow.” Bilin niya pa sa akin bago niya ako iwan mag isa rito.
Bumalik ako sa kinauupuan ko at inayos ko ang mga binigay niya. Tss. Marami pa lang siyang meeting na kailangan attendan bukas.
Nilingon ko ang opisina ni Sir Keith at kita ko mula sa glass wall ng opisina niya na abala siya sa laptop niya. Tatayo na ulit sana ako mula sa kinauupuan ko para kumatok at magpapirma sa kaniya ng documents na kailangan ng signature niya nung nalingat ang tingin ko sa kaniya at pag angat ko ng tingin ay nasa harapan ko na siya.
“S-sir.. may.. kailangan po.. ba kayo?” Nauutal at gulat kong sambit sa kaniya nung makita ko siya sa harapan ko.
“Follow me.” Mariing utos niya at saka siya pumasok ulit sa opisina niya.
Dali dali kong binitbit ‘yung documents na binigay sa akin ni Ma’am Samantha at saka ako sumunod kay Sir Keith.
Napahinto ako sa paglalakad nung huminto si Sir Keith at nilibot niya ang tingin sa loob ng opisina niya.
Maya maya pa ay humarap siya sa akin at tinuro niya ang table na nasa right side lang din ng opisina niya. Hindi rin yo’n kalayuan mula sa kung saan nakaupo si Sir Keith.
“That will gonna be your workplace for now on, you can’t be too far from me.” Seryosong sambit niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tinignan ko siya na punong puno ng pagtataka. Malaki ang opisina niya at sa totoo lang ay kasyang kasya ang kahit benteng lamesa pa ng nga benteng empleyado pero bakit naman kailangan dito pa ko sa loob kasama niya. Okay na nga ako sa labas eh, sa tabi ng opisina niya. Lalo tuloy akong kinakabahan at mas lalong nakakailang!
I want to ask why pero sinabi niya na din naman na ayaw niya sa marami ang tanong. Wala akong magagawa kundi sundin ang utos niya, syempre dahil boss ko siya at empleyado lang ako. Isa pa, unang araw ko pa lang dito. Hayst!
“Sir, may kailangan nga po pala kayong pirmahan.” Tanging yo’n na lang ang nasabi ko sa kaniya tapos ay inabot ko sa kaniya ang dokumento tapos ay naupo na ko sa table na tinuro niya.
Kita ko sa peripheral vision ko na bumalik na siya sa table niya pero maya maya pa ay tumayo siyang muli at sa pagkakataong ito ay may bitbit siyang isang bulto ng dokumento papalapit sa akin. “Please organized it one by one and find the contract agreement papers of Lavida corporation, I need it later in our meeting.” Utos niya sa’kin pagkalapag na pagkalapag niya nung mga dokumento. Para akong nalula sa sobrang dami no’n habang tinititigan ko yo’n, first day na first day ah! Dami agad kailangan ayusin. Hayst!
Napansin yata ni Sir Keith ang dismayado kong mukha at panlulumo kong nararamdaman habang tinititigan ang mga dokumentong nilapag niya kaya tinaasan niya ako ng kilay. “Do you have problems in any of these? You can freely leave now if you want.” Mariin at masungit nitong sambit sa akin. I took a deep sigh and force a smile.
Umiling ako. “Na’ko, Sir! Wala naman ho.” Nakangiting sambit ko sa kaniya at saka ko sinimulang ayusin yo’n at hanapin ang pinapahanap niya. Matapos no’n ay lumabas si Sir Keith at iniwan niya akong mag isa dito.
*One hour later*
Mahigit isang oras na kong naghahanap ng dokumento na pinapahanap sa akin ni Sir Keith pero wala akong makitang dokumento dito. Sa palagay ko ay na-misplaced niya ‘yung contract na pinapahanap niya. Sinubukan ko ring maghanap sa mga papels na nakapatong lang rin sa table niya pero wala akong nakita.
Habang patuloy ako sa paghahanap ay nakita ko sa peripheral vision ko na may isang lalaking biglang pumasok sa loob at may dala siyang dokumento.
“Ah, Hello! You must be, Keith’s new secretary?!” Nag-aalangang tanong nito kaya tumango ako. Tapos no’n ay lumapit siya sa akin.
“What are you looking for?” Takang tanong niya sa akin tapos ay nabaling ang tingin niya sa mga dokumentong nasa table.
“Iyong files ho na kailangan ni Sir Keith para sa meeting niya mamaya.” Sagot ko sakaniya habang nakabaling pa din ang atensyon sa paghahanap ng dokumento.
“Ah, you are looking for this.” Magiliw na sambit mito kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko na winagayway niya ang folder na hawak niya. I took a deep sigh and politely took the document when he handed it to me.
“Sabi na eh, wala yo’n dito sa mga bulto ng dokumento na binigay niya sa’kin.” Bulong ko sa sarili ko tapos nakita ko ang bahagyang pag-ngiti nung lalaki sa akin nung marinig niya ang sinabi ko.
“He left it at my place, pag-pasensyahan mo na si Keith. Marami kasi siyang iniisip kaya napakamakakalimutin niya na. Anyway, mabait naman yo’n pagtulog!” Pabirong sambit nito sa akin kaya nagtawanan kami.
“By the way, I am Theodore but just call me Theo.” He introduced himself politely.
“I am friends with Keith way back High school pa.” Dugtong pa niya.
“I am Luna Isabella po, Sir! Ako po ‘yung bagong secretary ni Sir Keith.” Pakilala ko naman sa kaniya and he seems very delighted to meet me.
“What a beautiful name, equally beautiful as you.” Papuri pa niya sa akin.
Masaya kaming nag-uusap ni Sir Theo nung biglang bumukas ang pintuan kaya sabay kaming napalingon do’n at nakita namin si Sir Keith, he look serious.
“What brings you here?” Masungit niyang tanong sa kaibigan niya.
“Iyong folder na pinapahanap mo sa secretary mo, naiwan mo sa pkace ko last time. Pinagod mo lang maghanap ‘yung tao. You’re being forgetful, Bro.” Sermon sa kaniya nung kaibigan niya pero hindi siya kumibo at diretso lang siyang naupo sa table niya.
“You can leave, Ms. Hernandez.” Utos niya sa akin kaya sandali akong napahinto. Saan naman ako pupunta eh nandito din sa loob ng opisina niya ang table ko?!
“Luna, didn’t you heard-“
“Yes po, Sir.” Natatarantang sambit ko nung marinig ko ang mariin niyang sambit.
Buti pa ‘yung friend niya mabait at mukhang madaling pakisamaha siya ubod ng sungit. Tss..