Keith Vincent
Napailing ako kay Theo nung makalabas si Luna sa opisina ko at sinundan niya ito ng tingin. “What’s with that f*cking look?!” Irita kong sambit nung binalik niya ang tingin sa akin at ngumisi.
“Wow, first day na first day, you are given a beautiful secretary.” Nakangisi at sarkastikong sambit nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Stop. She’s not my type and she will never be.” Mariin kong saad sa kaniya at binaling ko ang tingin sa laptop ko.
“By the way, the group wants to throw a party for you and your new achievement.” Pag iiba ni Theo sa usapan. Matagal tagal na din simula nung nakasama ko sila sa party at sa inuman at siguro naman deserve ko na magsaya kahit sandali lang. I’ve been so stressed lately and I know nothing but drown myself on work just to divert my attention from all of these.
I took my phone beside me and see that the time is already 5 pm and I have a meeting at 6 pm but who cares. Puwede naman i-reschedule. Isa pa, we are not the ones in need. They are the one who needs our company.
Binaba ko ang cellphone ko at huminga ako ng malalim. “Fine. Let’s go.” Pagpayag ko sa alok ni Theo at saka ko tumayo at nauna nang lumabas kesa sa kaniya. Pagbukas ko sa pintuan ay nakita ko si Luna sa isang tabi at may kausap din na kapwa niya employee. Nung makita niya ako ay agad siyang tumakbo papalapit sa’kin. “Just reschedule my meeting at 6 pm. I’ll be leaving early then you go finish organizing the documents inside my offices.” Mariin kong utos sa kaniya habang sinasabayan niya ako sa paglalakad.
Huminto siya sa paglalakad at tinignan ako at nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya na para bang nagtataka siya. “No question, Ms. Hernandez. Just follow my instructions.” Mariin kong sambit sa kaniya tapos ay iniwan ko na siya.
“Masyado kang masungit at harah sa kaniya, Keith.” Rinig kong komento ni Theo habang papasok kami sa elevator. I pressed the button to the ground floor and looked at him.
“And why are you being so concern and sympathetic to her?” Sarkastikong tanong ko.
“She’s just an employee, Theo. I don’t have the obligation to explain everything to her.” Mariin ko pang depensa sa kaniya at pagkatapos no’n ay bumukas na ‘yung elevator kaya nauna na kong bumaba.
“Just go home early, I’ll drive myself.” Utos ko sa driver at security na naka abang sa akin sa may parking lot. Kita ko na nag aalangan sila but I gave them a serious glare so they quickly get out of my way. Inabot sa akin nung driver ko ang susi bago umalis.
I started the engine of my BMW and drove as fast as I can while Theo drove his own car too.
After a couple of minutes driving to a nearby nightclub where we usually hang out, we arrived on time.
As usual, when we arrived we directly went to out usual spot far from the noise on the dance floor.
“Bro, it’s been awhile since we hang out with you.” Rinig kong sambit ni Theo habang naglalakad kami papunta sa VIP area.
Pagdating namin ay halos lahat ng mga kaibigan namin ay nandito. “Keith Vincent, kilala mo pa pala kami?! It’s been awhile dude! Sigaw ni Javier, isa sa mga best friend ko.
“Paano, abala lagi sa trabaho.” Panunukso ni Theo sa tabi ko.
“Dude, we know how much disappointed you are by your father’s decisions. Well, it’s a little bit stressful, yeah. But you should discover things that might, well, to make you feel better.” Payo naman ni Javier.
“Besides, becoming a CEO of your company is a huge achievement.” Katong pa ni Theo sa sinabi ni Javier.
“And bro, mind you. He has a very gorgeous secretary!” Pabiro at maloko pa niyang dagdag kaya tinignan ko siya ng masama.
“You’ve been mentioning that girl too much, hindi kaya ikaw ang may gusto sa kaniya?!” Pailing iling at irita kong patanong na sambit.
“Why not, she’s pretty and she look nice.” Nakangiting komento naman ni Theo kaya muli akong bumaling ng tingin sa kanila at sinamaan ko siya ng tingin.
“What a taste.” Sarkastikong komento ko sa sinabi niya.
“Enough with that Secretary. I don’t wanna talk about her!” Mariin ko pang dagdag sa sinabi ko.
“Sus, bet mo lang din eh, kala mo ba hindi ko nakita kung paano kaya makatitig sa kaniya?! I doubt.” Sarkastikong pang aasar ni Theo.
“She’s just a secretary, Theo. I will never fall nor admire someone like her. Come on, you know my type and she’s not my type.” Pagtatama ko pa sa mga haka-haka niya.
“Talaga lang ha! Well, let’s see.” Sarkastikong komento ni Theo sabay lagok ng baso ng alak na nasa harapan niya.
Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga wala na siyang pinalagpas tss.
“Baka nakakalimutan mo, dude.. na may Gwyneth na si Keith. Tss.” Pang aasar naman na ni Javier. Tss. I am here to have fun and forgot all of these drama. For once, I wanna forget about Gwyneth and that damn transition in our company.
I stayed quiet while Theo and Javier keeps on teasing me. Hindi ko na nga sinalin sa baso ‘yung alak eh. Dini-diretso lagok ko na lang.
I was busy enjoying my drink when a notification suddenly pops up into my screen. Wala sana akong balak tignan yo’n at halos higit tatlong minuto din akong nakatitig do’n pero nakita kong viber message at sa tingin ko ay importante yo’n kaya kinuha ko ‘yung cellphone ko na nakapatong sa table na nasa harapan namin.
*Luna Isabella Hernandez sent an attachment* Kita ko ang mensahe mula kay Luna pagkakuha ko sa cellphone ko tapos ay biuksan ko yo’n. She sent my schedule for tomorrow.
Sipag niya naman, anong oras na, tapos na ang working hours.