Keith Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung maghiwalay kami ni Luna. Magdadalawang linggo na din akong nagmumumok dito sa bahay. Wala akong ganang gumalaw, gusto kong umiyak pero hindi ko magawa, parang natuyo na ang mga luha sa mata ko. I look around and it was very messy here. Kahit parang mabibiyak na ‘yung ulo ko sa sobrang sakit ay sinubukan kong tumayo nung makita ko ‘yung painting ni Luna, I painted it the same day I met her. Unang beses ko pa lang siyang nakita ay nahumaling na ako sa kaniya. Maybe, my feelings didn’t really matched my actions, kaya nasaktan ko siya. Para akong tangang nakatitig sa larawan ni Luna na ipininta ko. She’s very beautiful inside and out. Nung nakilala ko siya, bumalik ‘yung saya ko. Nabuhay ako ulit kahit na sobrang nawalan na ako

