Luna Wala ako sa sarili habang naglalakad ako sa hallway ng unit nina Dylan. Siguro nga ay mas makakabuti kung magpapakalayo layo na lang ako, mas maigi na tanggapin ko na lang ‘yung inaalok ni Dylan kesa manatili ako dito ng walang kasiguraduhan. Napahinga ako ng malalim habang nakatayo sa may pintuan ng unit ni Dylan. Akmang bubuksan ko na sana iyon pero kusa iyong bumukas at nakita ko si Dylan na mukhang nag alala sa akin. “Luna, sino ‘yung babaing kausap mo? Anong napag-usapan niyo?” Sunod sunod niyang tanong sa akin nung makita niya ako. “Asawa ni Keith.” Walang gana at tipid kong sambit sa kaniya tapps ay tuloy tuloy akong pumasok sa loob at nakita ko si Mica na nag-iimpake ng mga gamit nila. “Aalis na ba kayo dito?” Mausisang tanong ko kay Dylan at Mica. “Si Kuya, aalis

