Gayneth Alam kong nagkamali ako kay Keith noon, alam kong wala akong karapatang kuwestyunin kung may nahanap man siyang iba dahil nasaktan ko siya. Ako ‘yung nagloko, ako ‘yung nagkamali. And now, I am here, standing in front of the woman he loved but the worst part? It was Luna. It was the same person who saved me and slowly becoming close to me. Sa maikling panahon na nakakilala ko si Luna ay alam kong mabait siya, ramdam ko ang senseridad niya bilang tao kaya paano ko makukuhang magalit sa kaniya? “Luna, puwede ba tayong mag usap? Iyong tayong dalawa lang.” Mahinahon ngunit walang emosyon kong tanong sa kaniya tapos ay nilingon ko ang kasama niya na agad namang nakuha ang gusto kong mangyari at umalis siya tapos ay iniwan niya kaming dalawa dito ni Luna. Bakas sa mga mata ni L

