The Plan

1967 Words
Uno pov " mom bakit naman ganun? hindi ba pwedeng ibigay nalang natin ang kasiyahan ni Dua..." nasa library kami ngayon at pinag uusapan namin ang pagiging protector ni Renz " anak tinakda si Renz maging protector ng Orga.yan ang kasunduan ng lolo mo sa lolo ni Renz, " " pero mom alam niyo naman kung gaano kahalaga si Renz kay Dua....' Biglang napatayo si Dad sa sinabi ko. " may namamagitan ba sa kanilang dalawa Uno?" tanong ni dad. Bakit ba hindi nila napapansin yun? Sabagay parati silang wala....wala silang alam sa kasiyahan ni Dua. " anak...Ang isang tinadhanang maging protector ng Orga ay hindi pwedeng magkagusto o magkaroon ng relasyon kanino man. Magiging hadlang ito sa kanyang mission." mom " mom si Dua ang pinag uusapan natin dito hindi ang Orga." " may namamagitan ba sakanila Uno?magsalita ka!?" Hindi ako sumagot...tinalikuran ko nalang sila ngunit bago ako tuluyang lumabas. " sana nga ay makakaya niyong makita si Dua na mahihirapan at masasaktan...dahil ako ay hindi.... Hahayaan ko kayo sa disisyon niyo...." " Uno...." tawag sa akin ni dad. Hindi ko maintindihan bakit kailangan pang masaktan si Dua. Kahit binabara ako ni Dua ay mahal na mahal ko siya. Kahit kailan ay hindi ako nainggit sa kanya.,mas matalino ito saakin,mas matapang kaysa saakin...wala naman kaso saakin...kakambal ko siya at hindi karibal sa ano man. Pagbaba ko ay nakita ko si Dua na paalis ito. " saan ka pupunta?" " sa condon ni Renz...bakit?" Napapikit nalang ako. " gabing gabi na Dua..." " Ok ka lang ba Uno?seryoso mo ata ngayon?" Sumenyas nalang ako na umalis na siya. Mainit ang ulo ko sa diskusyon namin nila dad. Pumasok ako sa kwarto at nag isip ng idadahilan para bukas. Sa susunod na araw na kasi ang alis ni Renz..,urgent ito para malaman ang mga traidor sa Orga. I'm sorry Dua... Kinabukasan ay sinaman ko sina dad para sabihin na kay Renz ang pag alis nito. Sa office namin siya kinausap. " tita..tito..bakit po?" " iho pwede ka ba namin makausap?" Mom " sure po tita..." Pumasok kami sa laboratory nito sa may underground. " ano po pag uusapan natin?" Renz Nasa side lang ako ni Dad.... Sorry Renz...wala akong magagawa.... " tapos na din ang mga ginawa natin iho...ito na ang oras para gawin mo na din ang tinakda sayo..." Mom Natigilan naman si Renz sa narinig nito. Alam ko naman na si Dua ang una niyang naisip. " tita..." '' kailangan ka sa Orga iho. Ang isang Assassin na kagaya mo ang kailangan namin doon hindi natin kilala ang mga traidor sa grupo aalis ka bukas ng tanghali andito na ang ticket." sabi ni dad at inabot ang ticket at folder. '' tito paano po si Dua magtataka po siya na iiwan ko siya.'' sabi naman niya. '' bakit iho? are you having a relationship to my daughter!?" tanong ni dad '' iho mahal mo ba ang anak ko?" pag uulit ni dad. Hindi naka sagot sa tanong sa kanya. '' kami na po ni Dua tito..'' pag aamin niya. Alam ko na matagal na, hindi ko lang sinasabi kina Dad. Kasi ang akala ko ay ok lang sa kanila. '' what? hindi pwede?! putulin niyo na ang relasyon mo sa anak ko may mission ka, Doon ka magconcentrate wag sa anak ko..'' galit na si dad '' mahal ko po si Dua..'' sabi niya ulit. '' iho alam mong protector ka ng Orga. Sa Orga.ka dapat magtrabaho hindi sa anak ko....'' sabi ni mommy. '' Pare bilang kaibagan please layuan mo na ang kaptid ko. Mapapahamak lang siya. Alam mo naman sa gangster world diba delikado'' sabi ko sakanya. Alam ko kasi na habang andyan siya sa tabi ni Dua, nasa panganib ang buhay ng kapatid ko. '' paano ko po saasabhin sa kanya na aalis ako? masasaktan ko po siya.'' malungkot niyang sabi. '' dont worry ipapalabas namin na patay ka na. Kaya kami na ang bahala diyan.'' sabi ni dad Walang kibo si Renz matapos ang usapan. Pag kaalis namin hinatid ko siya sa condo niya at sinamahan mag empake. Sa condo '' Pare ikaw na ang bahala kay Dua paki bigay nalang ito sa kanya." sabay abot sa kwintas. Isa itong hugis pakpak .. Masakit din para sa akin na isang kaibigan ang magiging anino nalang namin. '' mag iingat ka doon pare kontak ka din pag may time ka.''sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito. " Uno pwede bang bago ako aalis bukas..pwede ko ba siyang madalaw mamayang gabi habang natutulog siya?" alam ko pakiusap ito. Humihingi ng permison para puntahan si Dua. " Tatawagan kita kapag tulog na sina dad...gaya ba ng dati?" Tumango ito. " walang problema... Pare sorry kung ito ang trabaho mo saamin... hindi ko alam bakit ganito kabigla ang pag alis mo, naguguluhan na din ako." " Uno, hindi ko ito ginagawa dahil napipilitan lang ako dahil sa kasunduan nila noon, ginagawa ko ito ng kusa at bukal sa loob ko para kay Aprohdite... alam mo kung gaano ko siya kamahal... halos siya nalang ang inaalala ko araw araw.. " Nasasaktan talaga ako ngayon, ang makitang lumuluha ito sa harapan ko. " Renz.... " " ayos lang ako Uno... hindi ko lang napaghandaan na bukas ang pag alis ko..." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Tinignan naman niya ito tsaka ako tinignan. " Para saan yan Uno?" tanong niya. " bilang kaibigan mo, nagpapasalamat ako sayo" Ngumiti naman ito. At tinanggap ang shake hands. " iiwan ko sa kanya ang condo ko Uno... hanggang hindi ako bumabalik ay hayaan mo siyang pumunta dito. Kahit papaano ay mabawasan ang kalungkutan niya." " ok..." pinapanood ko lang ito nag aayos ng gamit niya. " Paano niyo sasabihin ang pagkamatay ko sa kanya? " bigla niya itong natanong. " Yung sasakyan mo ang gagamitin namin...nagawan na daw ng plano ni Dad ang pagkaka aksidente at pagkakasunod ng sasakyan mo." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. " damay pa pala si Skull... " Si Skull ay ang kotse nito. Si Dua daw ang nagpangalan. Napatingin naman ako sa kwintas na hawak ko. " ngayon lang ako nakakita ng kwintas na ganito... kakaiba siya. " " ako ang gumawa niyan Uno... kaya sana maibigay mo sa kanya....siya na din makakatuklas ang halaga ng kwintas na yan. Hindi man ngayon... baka sa tamang panahon." " Ang tamang panahon ba yan ay ang pagbabalik mo para kay Dua? " " hindi ko masasabing kami nga para sa isa't isa Uno...dahil nasa calcula ko na may darating sa buhay niya, at isa nalang akong hangin para sa kanya. " hindi mangyayari yan pare... dahil alam ko kung gaano ka kamahal ni Dua higit pa sa akin.... hindi ako naiinggit sayo bagkus ay natutuwa ako dahil ikaw ang taga kalma nito... ikaw lang nakakagawa sa mga bagay na hindi namin kayang gawin sa kanya." " Gagawin ko ang lahat Uno...gagawin ko sa kaligtasan mo, ninyo.... at sa babaeng pinakamamahal ko. " Sa pagtatapos ng usapan namin. Isang pagsasalo ng alak ang ginawa namin ni Renz. Mga kwentuhan na binabalikan ang nakaraan, mga kagaguhan, mga awayan na di namalayan... mga pagmamahalan na nabuo sa pagsasama. Ang pagkakaibigan ni Dua at Renz ay pinalaki ng pagtitiwala sa ias't isa... Pagmamahalan na totoo ngunit mawawasak ito ng isang kasinungalingan. Dua pov Pagdating ko sa condo niya... isang ngiti at yakap ang sumalubong sa akin. Alam ko ang password ng condo niya kaya kahit anong oras ay pwede akong pumasok. " Nagluto ako ng paborito mong palabok..." Para akong bata na natakam sa luto nito. " mas magaling pa pala ang mapapangasawa ko kesa saakin.... Ano nalang silbi ko na asawa mo kung sakali.. ." Natawa naman ito. " Hindi naman kita pakakasalan para gawing taga luto ko... pakakasalan kita dahil mahal kita... diba magkakaroon pa tayo ng kambal? " ano pang hahanapin ko sa isang Renz Aikio Mendez...syempre wala na. " hindi ko makakaya na mawala ka saakin Rai..baka ikakamatay ko." hindi ko alam bakit lumabas bigla ito sa bibig ko. Napalingon naman ito habang nagsasandok ng palabok. " hindi ko hahayaan yan baby girl... dahil nandito ako para buhayin ka... para iligtas ka sa ano man.. " " para namang may papatay saakin.. Hahaha" " kain na tayo..." Kinuha ko ang juice sa refrigerator, pinagbabawalan niya akong magsoftdrink ni Rai. Kahit noong bata pa kami. Magkahawak ang kamay namin habang kumakain...ganito kami kapag magkasama kami at magkatabi. Hindi naghihiwalay ang aming mga kamay. " Baby love.... dito ka matulog." nagulat ako ng sabihin niya ito saakin. Nanonood kasi kami ng Probinsyano ni FPJ.. pareho kaming idol ito... Jeric Raval, Ace Vergel... at marami pa. " s-sige...." nauutal kong sagot. Parati naman kaming magkatabing matulog pero kakaiba kasi feeling ko ngayon. Niyakap niya ako. Rai... bakit ganito ka ngayon?? Kinakabahan ako sayo... " Alam ba ni Uno na pumunta ka dito?" " Oo nakita niya ako kanina galing ito sa Library. Nasabi ko na dito ako pupunta." " baby girl...." s**t! bakit mapang akit ang boses niya ngayon? " Do you trust me?" dagdag nito " I trust you baby love....I trust you more than myself.. " Dahan dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Alam ko naman na hahalikan niya ako, dahil ginagawa naman namin ito dati pa. Pero iba ngayon... alam ko kung saan hahantong itong halikan namin. Paglapat ng labi niya sa labi ko napapikit nalang ako... " open your eyes baby girl... please look at me while I'm kissing you..." bulong niya. Ginawa ko naman ang sinabi niya.. We continue and started to become more passionate, He assists me to stand while our lips don't separate parts. We headed to his room and we slowly reached his bed. I feel his hands on my waist and he slowly lifts my clothes. I'm drowning in his kiss . I didn't even realize we're both lying down and he was on me. " please be mine..." bulong niya saakin " I'm already yours...." sagot ko naman. Isang mainit na gabi ang pinagsaluhan namin ni Rai. Sa kanya ko sinuko ang sarili ko... sakanya ko gustong ibigay ang pagkatao ko...hindi matutumbasan ang nararamdaman kong kasiyahan ngayong gabi. Magkayakap kaming dalawa sa ilalim ng kumot. " I love you Aprohdite...." Don't say may Name... Tumingala ako sa kanya. " I love you more than myself Renz Aikio..." Hinalikan niya ako sa noo.. " Dont do anything stupid when I'm not with you Ok?" Bakit ba niya sinasabi ito saakin? " Then don't leave me...." sagot ko. Wala na akong narinig na sagot nito. Kundi mga yakap at halik nalang ang ginagawa nito. Pag gising ko... Wala ito sa tabi ko. Kinapa ko ang katawan ko. " Did we just make love??" tanong ko sa sarili ko. Sinilip ko ang katawan ko na balot na balot ng kumot. And I saw a blood stain. Ngumiti ako ng sobra sobra... I'm a woman now.... Kumuha ako ng damit ni Rai sa kanyang kabinet..tsaka sinuot ito. Paglabas ko naamoy ko ang paggisa niya ng bawang. " Good Morning baby love..." lumapit ako sa kanya at niyakap ang likod nito. " Good Morning too my beautiful wife..." Shit! Kinilig ako sa sinabi niya.. my beautiful wife daw... " you're blushing my wife..." pag aasar niya saakin. " Ang aga aga kasi pinapakilig mo ako... Hehehe anong breakfast natin?" Nagsasangag ito ng kanin. " Mamili ka... sinangang, itlog, hotdog daing or ako?" pinalo ko nga yung pwet niya. " aray... " sabi nito. " Nakatikim lang naging ganyan ka na.. Hahah" " Maupo ka na dyan... at malapit na itong maluto..." " gagawa na ako ng kape natin..." Sinulyapan ko ang lalaking mahal ko. Ang magiging asawa ko... Ikaw ay para saakin lamang Rai... at ako ay para sayo... Renz Aikio Mendez...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD