Rash pov
Mula ng mangyari ang kidnap noong birthday ko, hindi na din nawala sa tabi ko si Uno... Walang nakakaalam na nakidnap ako maliban sa kanila. Sina Dhite naman grabe yung yakap nila saakin that time.
Flashback
Pagdating namin sa bahay... pinakuha muna nina Dhite ang isa kong damit at pang retouch ko nadumihan kasi at may mga parteng punit sa laylayan ng dress ko. Naiwan pa ang butterfly wings ko.
Habang nag aayos ako dito sa sasakyan, halos maiyak iyak naman sina Maliyah sa nangyari sa akin.
" Hindi ko akalain na totoo pala na may ganitong scene na nangyayari sa totoong buhay. Akala ko sa tv lang ganun..." teary eyes naman niyang sabi. So....sweet of her. Sana di mangyari sa kanya ang nangyari saakin. Well wala naman siguro gaanong kidnap scene sa Probinsya.
" Alam mo ate halos lumabas yung ugat ng leeg ni Kuya Uno kanina.. " Cass
" ha? Bakit? "
" Paano gusto kong sumama...bigla siyang nagalit... sabing wala daw sasamang babae." Dhite.
" Nalaman kasi niya na - - - alam mo na yung tungkol sainyo ni Levi. " napatigil ako sa pag aayos ng mukha ko.
" Minea... inamin ko na sa kanya lahat... maging ang nararamdaman ko. Kaya thankful ako na naintindihan naman niya ako. "
" hindi naman niya inintindi eh, sadyang natamaan lang talaga sayo ang loko... tapos ka na ba? Labas na tayo... hindi kami nakakain kanina sa sobrang pag aalala. "
Natawa naman ako.
End of flashback
Nandito kami ngayon sa Airport. Isang linggo na ang nakalipas. Hinatid namin itong si Kean dito sa Airport.
" So ikaw pala ang yung narinig ni Minea na aalis.. "
Napatingin naman sila saakin. By the way... si Basilio ang kasama ni Kean na nagbiyahe dito para ihatid ito. Kami naman nila Renz, Dhite at Uno ang sumunod para ihatid at magpaalam sa kanya.
" Narinig? " Uno
Napatingin saakin si Dhite na para bang, wag kong ituloy.
Ang kaso...
" Yap... nag uusap daw kayo sa Resort mga bandang gabi, nagising ito para makasagap ng signal ng marinig niya kayo na tungkol sa may aalis at may isu surprise... So Kean ikaw pala aalis."
Napailing lang si Dhite.
" Mats nakatakda si Kean na umalis.. para sa Orga. nila..."
" So ibigsabihin ikaw din aalis para sa Orga. niyo? "
" Mats sa bahay nalang natin pag usapan yan... hindi naman ako aalis na hindi ka kasama. "
Yay... napangiti mo ako doon Uno.. Kaya 1 point ka maya saakin.. Hihihihi
" Eh bakit di mo sinama si Maliyah para maihatid ka man lang? " ako ulit nagtanong... hindi kasi sila nagsasalita eh.
" actually... ayaw ni Kean na isama si Princess kasi - - -"
" wait!" with the hand gesture...
"..... Who is Princess???"
?????
" Si Maliyah yun... Princess ang tawag namin sa kanya..."
Tinignan ko ng masama itong katabi ko.
" bakit ang gaganda ng tawag nila sa mahal nila samantalang ako Pitchy..."
" Maganda naman ah... mas unique ang tawag ko sayo... sayo palang maganda na.. "
Napairap nalang ako.
" Baka kasi pag sumama ito mahihirapan akong umalis..." sa wakas nagsalita din ito.
" Mabuti naman at sinunod mo yung payo ko na pakasalan mo siya bago mo iwan. " Uno
" Hindi man lang kami imbitado... " sabat ko.
" Biglaan kasi Rash, tsaka pakakasalan ko pa naman siya pagbalik ko. " Kean
" Yeah.... in 5 years... Hahaha" Uno
Tinignan naman siya ng masama ni Kean.
" sana naman wala ng aalis pa saatin... sad to say... boring kapag kokonti tayo" nalungkot naman ako.
Pero napansin kong napatingin sila Kean, Basilio at Uno kina Dhite at Renz.
" bakit ganyan kayo makatingin sa amin... Hindi naman kami aalis... tsaka wala sa amin aalis... dahil sapat na saamin na ganito kami diba baby love?" Dhite.
" hmmm... di naman ako mawawala sayo" Renz
Bakit may nasesense ako na may aalis pa din.
" Pwede bang humingi ako ng favor sa inyo... kapag nagagawi kayo doon sa amin... paki bantayan naman ang asawa ko. " bilin nito sa amin.
" may anim na nga taga bantay... " Dhite
" Iba din kasi topak nun..." Kean.
" Wala naman kukuha sa kahalati ng buhay mo... sa mga taga bantay ka maghabilin... " Uno
" wala ka talagang kwenta kausap Uno... " Kean
" nangako na kami Inzan... Lahat gagawin namin para safe si Princess." Basilio
Ang sweet naman nila, they care too much to Maliyah.
" Papasok na ako, wag niyo na akong samahan sa loob. " malungkot na sabi ni Kean
Nagyakapan ang mag pipinsan. Si Kean kasi ang unang sasabak para sa Orga.kapalit ng papa niya.
" Ikaw Bas... uwi ka din ba agad?" tanong ni Dhite kay Basilio
" bukas nalang siguro ako uuwi... Sa bahay niyo muna ako. "
" Kung ganun tara na... para alam ni Manang kung gaano kadami ang iluluto."
" Dats ano kaya pag kami ni Dhite ang magluto para sa inyo..."
" Magandang idea yan Rash... Baby girl baka pwede ko na din tikman ang luto mo" biglang naging masaya si Renz.
" Sige... kami na ni Rash ang mag grogrocery...mauna na kayong umuwi." Dhite.
Hinila naman agad ako ni Dhite. Hindi pa nga nakakapag paalam sa mga boys.
" ah Dhite... hindi naman tayo hinahabol diba??" paano naman kasi hinila niya ako tapos yung lakad naman parang may humahabol naka heels pa man din ako.
Hindi niya ako sinagot... pagkasakay namin para itong nahimasmasan... nagpakawala ito ng malalim ng buntong hininga.
" Dhite are you ok? "
" I-Im O-ok.... *s**t!... actually I'm not Ok..."
" Why?.."
Nilingon niya ako.
" Hindi mo ba naramdaman kanina... Yung tungkol sa taong may aalis...I think hindi si Kean ang tinutukoy sa usapan nila..."
Naguguluhan ako..
" Pero umalis na si Kean, ikaw na nagsabi na wala ng aalis, not Uno not even Renz... so relax Dhite..."
" Hindi ko alam Rash, pero hindi mapakali... hindi ako mapakali na hindi nalalaman kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko ngayon...."
Nagmessage si Uno sa saakin. Pagkabasa ko.. ay sinabi ko Kay Dhite ang habilin ni Uno.
" Bakit Rash? "
" Nagtext si Uno, may pupuntahan lang daw sila ni Renz, si Basilio daw may bibilhin lang na pasalubong kay Maliyah sa Mall. "
Tumango lang ito at pinaandar na ang sasakyan.
Hindi namin alam kung ano ang lulutin namin ni Dhite para sa kanila.
" Ito na... ito yung tinext ni Manang na bilhin natin... nag iba daw ay meron na sa bahay".
Hinanap namin ang mga sangkap na tinext ni Manang. Adobo kasi ang paborito Renz ayon kay Dhite... Buttered Shrimp naman kay Uno.... si Basilio daw kahit ano... dahil lahat daw kinakain niya.
Nasa shelves kami ng mga Butter...at yogurt. Nang mapansin kong may tinitignan si Dhite..
" sino tinitignan mo Dhite?"
Tulak tulak niya ang cart...
" Yung lalaki kanina... Pansin ko kanina pa tayo tinitignan..."
" Baka naman same din yung bibilhin niya."
" Ewan ko.... siguro pero saatin nakatingin eh"
Tinignan ko yung pwestong tinitignan niya. Wala naman yung lalaki.
" halika na nga... bayaran na natin."
Mabilis lang kami pumili sa cashier dahil kokonti ang tao. Nasa parking na kami ng may bumangga sa cart na tulak tulak ni Dhite malapit sa sasakyan.
" N-naku Miss s-sorry..." sabi ng lalaki.
Sabay namin tinapunan ng tingin ang lalaking naka iton na jacket at sumbrero.
" Siya yung lalaking sinasabi ko na kanina pa nakatingin sa atin."
" Weird naman.... halika na nga natakot tuloy ako."
Pagdating namin tinulungan kami ni Basilio sa pagbuhat ng pinamili namin.
" Wala pa sina Uno?" tanong ko.
" Wala pa eh... nakaidlip na din ako kakahintay sa kanila. "
" Sina Daddy meron na ba sila? "
" wala din eh... hindi ko pa sila nadatnan... Sabi naman ni Manang ay pagdating namin kanina ay saktong nakaalis sila."
Hindi napipirmi sina Tito dito sa bahay nila sa sobrang busy nila sa negosyo.
Nagluto na kami ni Dhite, lahat ng sangkap ay kami ang nagprepare. Ginaguide naman kami ni Manang.
Ngunit nakaluto na kami ay wala pa sila.
" alas otso na bakit kaya wala pa sila?" Dhite.
Si Basilio naman kausap sina Hunter para alamin kung anong lagay si Maliyah.
Ako naman kanina pa ako tumatawag kay Uno pero hindi niya ito sinasagot.
" Ano Rash sinagot na ba ni Uno yung tawag?"
" Hindi----"
Hindi natuloy ng may narinig kaming mga sasakyan na dumating. Patakbong binuksan ni Dhite ang pinto.
Agad niyang sinalubong ng yakap ang boyfriend niya.
Tsk...
Sa sobrang praning niya akala niya ata ay iiwan siya ni Renz.
Lumapit naman ako kay Uno at hinalikan ito.
" mwuah!... Bakit ngayon lang kayo?"
" Nasiraan kasi kami kanina... Death bat. naman phone namin..." sagot ni Uno.
" Pinakaba niyo kami... Akala namin kung anong nangyari sa inyo" Dhite.
" Praning ka na naman..." sabat ni Renz.
Dinner:
" Wow ang galing naman magluto ng dalawang babae sa buhay ko.." Uno.
" Pinaghirapan namin yan lutuin..."
" si Manang kumain na ba?"
" Busog pa daw ito... kaya natulog na lang..." Dhite
" Umupo na tayo .. "
" Akalain niyo naman....marunong na talaga kayong magluto... pwede na kayong mag asawa. " Basilio
Nasamid naman si Renz sa sinabi ni Basilio.
" nasamid pero wala pang sinubo? " Basilio
" Manahimik ka dyan Basilio...kumain na tayo. "
" Baby love ito yung abodo... ako mismo nagluto. "
" Naks naman.... pwede na kitang maging misis..." Renz
" Baka pwede na din kitang hampasin kung sakali Mendez... " banta naman ni Uno kaya kinurot ko ito sa tagiliran niya.
" Aray naman Mats... "
" oh siya... matikman nga ang buttered shrimp..."
Pagkabukas ni Uno yung niluto ko...
? Ako
? Dhite
? Basilio
? Renz
? Uno
" ah-hahaha naging itim na pala ngayon ang mga S-shrimps" Uno
" ah kasi hehehe umihi lang ako kanina... nag iba na kulay niya... pero mabango siya Dats.."
????
Binuksan naman ni Renz ang adobo na luto ni Dhite
? Basilio
? Uno
? Renz
? Dhite
? Ako
" Ah ang cute... magkasing kulay na pala sila ng mga shrimps... He he he" Renz
" Pero adobo pa din naman anga lasa...... siguro?" Dhite
" hahahaha.... baka magkamag anak ang---*toogsh* aray..." alam kong sinipa ni Uno ang paa ni Basilio
" kain na tayo..." Renz... napalunok pa ito mukhang natakam ata ito.
Pinauna naming silang tikman ang mga niluto namin.
" 1...2....3.." pag bibilang pa ni Basilio sabay silang nagsubo ng isang kutsara ng adobo.
Ngunit sabay din nilang nilabas ang sinubo.
" ang alaaaaaat---" Uno na halos tinungga na ang basong tubig.
" H-hindi masarap?" malungkot na tanong ni Dhite.
" Masarap pero maalat baby girl.... sorry.. kung gusto mo uubusin ko - - -"
" O-ok lang... kahit hindi na..." Dhite
" pero na appreciate ko yung effort mo baby girl...pero wag mo ng pilitin... kahit hindi ka marunong magluto.... Hindi naman mababawasan ang pag tingin ko sayo. " Renz
" Ito nalang luto ng Pitchy ko ang kainin natin... " Uno.
Sabay silang nagsandok ng butter shrimp.
" Bakit parang matigas?"Basilio
" Mareklamo ka masyado Basilio... " Uno
" nagsasabi lang ako ng totoo... "
Nakatikim na naman ng tadyak si Basilio mula kay Uno.
Kakagat sana sila ng....
" sabi ko sayo matigas eh... " pinukpok pukpok pa nito ang shrimp sa plato.
Matigas nga.... ?
" Hahaha.... masarap Mats...mukha lang nasobrahan... ng ewan ko kung anong ginawa niyo aa kawawang shrimp na ito"
" nasaan ba si Manang kanina?" Uno
" Natulog na eh..."
" sinabi naman niya yung step by step..." Dhite
" kaya pala..." sabay pa nilang tatlo
" Wag niyo ng gagawin ito..." Basilio
???? Kaming apat
" hahaha para a-ano... para hindi sayang yung ingredients..." Basilio
" Hindi sila masarap magluto..." bulong ni Basilio. Hindi man namin narinig mukhang narinig naman yung dalawa.
" Magtake out nalang tayo... " Renz
" Magandang idea yan Mendez... tara sa dinning Area. " Uno.
Ending ay nagpa take out lang kami ng Jollibee...
Nanood na din kami ng palabas..