Kidnap

2418 Words
Uno pov " dude ang pagkakaalam ko ay sina Rash at Levi... bakit naging si Apollo?" sabi ng lalaki paglabas ko ng banyo. Nagtago ako sa may pigurin para pakinggan ang usapan nila. " Ewan ko ba dude... ang gulo sabi ng girlfriend ko na kaibigan ni Rash ay sila pa ni Levi. Balak daw nga nilang mag stay sa Switzerland after makuha ni Levi yung rank nila Apollo. Ngayon naman botong boto ang tatay.." " Imposible namang two timer itong si Rash... eh patay na patay yan kay Levi. " sabi ng isa. Hindi ko alam ang gagawin ko sa nalaman ko. Pagbalik ko sa grupo, lutang na ako... Nag uusap sila pero parang wala akong naririnig " Naks kuya Uno...haba ng hair kanina... muntik na namin naapakan." biro ni Cass " Ngiting ngiti Uno... Hahah" Basilio " Tsk..." " Speechless ka ata ngayon Uno..." Kean. " Wag ka ng matakot....botong boto nga sayo magulang niya." Light " dats ok ka lang ba? " tanong niya sa akin " Oo... Ok lang ako. " " Dua, Maliyah, Cass, Minea pwede niyo ba akong samahan sa kwarto ko... magpapalit lang ako ng damit." " Ilang damit ba kailangan mong suotin ngayong gabi?" Dhite " tatlong dress kasi...tara na... Boys dito lang kayo... Dats magpapalit lang ako. " Pagkaalis ng nila, napansin ni Renz ang pagkakatahimik ko. " Uno, kanina ka pang lutang... Ok ka lang ba talaga? " Renz " May problema ba Uno? " Kean Tinignan ko lang sila. Si Renz at si Kean ang magaling magbasa ng mga taong tahimik. Sa sobrang talino ata ng lahi ay nababasa na din nila ang nasa isipan mo. " Habang wala pa yung mga girls magsabi ka na Uno... wag mong hintayin na ikakaputok ng utak mo yang iniisip mo. Mas magandang ilabas mo yan. Para masulosyunan agad." Renz. Tangna Mendez! Pwede bang mag emote naman kahit saglit...kahit isang oras lang. " Mukhang tama kayo.... hindi ako mahal ni Pitchy. " " sino namang Pitchy yan? " Pito. ? Tingin ko kay Pito. " paano mo naman nasabi? " Hindi natuloy ang sasabihin ko ng lumapit si Mommy. " anak... si Dua?" Mommy " nasa taas kasama ang ibang girls mom bakit? " " Wala naman.... ah anak paki tawagan naman ang assistant ko sa office. Paki tanong kung dumating na ang mga shipment mula sa Australia. Naiwan kami namin pareho ng daddy mo ang phone namin. " " Sige mom... " " salamat anak... ah Anak... Are you ok? Matamlay ka? Are you sick? " mom " I'm fine mom... tawagan ko lang.. " tumayo ako at nagsimulang maglakad papalayo sa kanila. Nakarating ako sa may gate para makausap ang assistant ni Mommy. " Hello, si Apollo... yes ikaw ba assistant ni Mommy?... wait hindi kita marinig... " lumabas ako sa gate at tumawid para mas marinig ko ang kausap ko. " hello naririnig mo na ba ako?... Ok pinapatanong ni Mommy kung dumating na daw ang shipment galing sa Australia.... Oo... hindi ko alam yan. Bakit? Ok sige sasabihin ko nalang... " " Dats..." tawag sa akin pero hindi ko ito nilingon " Hindi ko alam... Sasabihin ko nalang tungkol dyan... Sige" " Dats...." " Ok paki prepare nalang...." Paglingon ko nakita ko si Pitchy na kinuyog ng mga lalaking nakaitim na walang malay. " Pitchy....." sigaw ko. Mabilis na umalis ang puting van... Tumakbi ako sa loob para ipaalam kina Renz. " tulungan niyo ako si Pitchy dinukot ng puting van.." " Ano!?" sabay sabay talaga nila. " Shhh..... wag kayong maingay... kailangan ko ang tulong niyo." " Sino ang dumukot sa kanya?" Dua " hindi ko alam...nakatakip ang mga mukha nila." " hindi kaya si Levi ang gumawa nito? " " Panong siya...diba girlfriend niya si Pitchy? Meron bang girlfriend na pinapakidnap? " Nagkatinginan silang lahat. " tinapos na ni Rash ang relasyon nila ni Levi.. " may alam ba si Dua. " Inamin na saamin kanina ni Rash yung tungkol sa kanila ni Levi, Tama ka Uno,...ginamit siya ni Levi para alamin ang kahinaan mo. " Maliyah " Anong ginamit?" " Uno, matagal ng magkarelasyon ang dalawa. Mahal na mahal niya si Levi kaya pumayag ito sa usapan nila. Kailangan makapaglapit kayong dalawa para alamin ang kahinaan mo.... ang kaso nakita na niya ang maitim na balak sayo kaya nakipag break na siya...." Nasaktan ako sa narinig ko. Kung kelan naman unang pag ibig ko ganito pa.... putek! Kumuyom ang kamao ko. " Kean kailangan ko kayo ng grupo mo... boys maghanda kayo susugod tayo... Ikaw Mendez sumama ka din... " " sama ako Uno.. " Dua " WALANG SASAMANG BABAE!" galit kong sabi. Natahimik naman silang lahat. " magpaalam na kayo sa mga babae niyo... RED PHOENIX.... tara..! Walang magpapahalata.... ayokong magkagulo. " sabi ko nalang sabay tanggal sa iaang butones ng polo ko. Lintik naman! Gwapong gwapo pa man din ako sa gabing ito. Pinaglalaruan pala ako ng babaeng mahal ko. Hinintay ko sina Kean at Renz dahil sa mga girlfriend nila. " Alam mo ba kung saan dinala si Rash?" "....." di ko sinagot ang tanong ni Dos. " andyan na sila..." Pito Nakasandal ako sa pintuan ng sasakyan. " ang tagal niyong mag paalam... Tara!" galit kong sabi. Hindi na din nagsalita ang dalawa. Sa hide out nila Levi kami sumugod. Wala naman ibang pupuntahan ang mga ito. Bumaba kami lahat. " Nice place!" sambit ni Jaike " Wala kang kataste taste sa lugar... Tsk! " Aarangkada na sana ako ng bigla akong binato ni Kean ng tinapay. Ha?? Tinapay?? Nagtake out ba ito ng handaan?? " Bakit ba namamato ka?" " Kanina ka pa...hindi ka ba pwedeng magsalita ng mahinahon?? Pambabara na ang lumalabas sayo. " yay galit na din ito. " Naiinis kasi ako.... bakit kailangan ko pang iligtas ang babaeng yun kung hindi naman niya ako mahal..." ayan nasabi ko na din. " Yan kasi ang napapala sa nagwowalkout na di man lang pinapatapos ang kwento... makinig ka kasi...." " pwede ba Kean, kung kinakampihan niyo siya sige lang... wag niyo na akong sermonan... papasok ba tayo o dito nalang? " " Uno relax ka lang, hindi natin maililigtas si Pitchy mo kung nauuna kang uminit ang ulo. Nandito tayo para iligtas siya, hindi magdebate. " singit naman ni Renz. Hindi na ako sumagot, dumeretso nalang ako sa loob. Naramdaman ko namang sumunod sila. " hanggang dyan ka lang Uno.... " bungad saakin ni Levi. " Ano na naman pakulo ito Garet?? Pati yang babae mo pinakidnap mo para matalo mo lang ako? sa tingin mo magiging rank 1 ka sa ginagawa mong ganyan?" Nakita kong tumayo ito. Nagsilabasan naman ang mga ka gang nito at mga tauhan na mga kulto. Puro nakaitim. " Nagtawag ka pa talaga ng mga kalahi mong kulto.... " pag aasar ko. " ikaw nga nagtawag ka pa ng mga back up na mga probinsyano... Hahaha" " Nasaan si Rash?" singit ni Mendez. Kaya napalingon ako sa kanya. " Dakdak ka ng dakdak.....batuhan kayo ng batuhan ng linya... si Rash ang pinunta natin dito Uno.." kahit kailan talaga itong Mendez na ito gusto straight forward ang scene. Hindi ba siya nanonoon ng mga bakbakan... Tsk! " Ako ng bahala ok.... dyan ka lang! " sabi ko sa kanya. Panira talaga ng mga linya.... " Hindi ka imbitado sa birthday ng girlfriend ko... bakit ka nandito?" Levi " Imbitado ako....girlfriend ko ata ang inaangkin mo." sagot ko. " tangna Uno... sana pala ay hindi na kami sumama.... nagbabatuhan lang kayo ng linya." rinig kong sabat ni Kean. " walang thrill ... Tsk" Thunder Isa pa ito.... sana makidnap din ang KALAHATI NG BUHAY niya para maramdaman din niya ang nararamdaman ko. " Nasaan si Rash?" " Boys... ilabas si Zhi.. " utos niya sa mga ka gang nito. Nakita kong nakatali ang mga kamay nito at nakatakip ang bunganga niya. Umiiyak siya... s**t! Humakbang ako ng dalawang beses... " subukan mong humakbang pa Uno... pupunitin ko ang damit niya sa harapan mo... " banta niya sa akin. " Duwag ka Levi... nagtatago ka sa palda ng babae. Hindi mo deserve ang Rank 1....dahil ang totoong gangster, hindi duwag!" Sumenyas ito sa mga kasama niya na sugurin kami... Lumingon ako sa mga kasama ko. " Showtime baby! " " Roar! " sagot nila sa akin. Dalawa sa ka gang niya ang nakaharap ko. Hindi pamilyar ang mga pangalan nila. Nagpalitan kami ng suntok ng dalawa kong kalaban. Ang iba naman ay salitan sila sa mga kalaban. Sa edad na 10 ay natrain na kami nila lolo kung paano ang tamang pagsangga ng nga suntok, kung paano at kailan aatake sa kalaban. Ang mga pinsan ko ay sanay na ito. Si Kean ang isa sa pinaka malakas sa aming magpipinsan..... kaya halos dumugo ang mga ilong at labi ng nakakaharap nito. Sa 10 minuto natalo namin ang lahat ng mga kasama niya. " yun lang ba?" sabat ni Basilio. Hingal man kami, hindi ibig sabihin ay pagod na kami. Naglabas ng baril si Levi at tinutukan si Rash.. " Inaasahan ko na ito Uno... kaya naghanda ako para sa isang bagay na tatapos sayo." Napaatras naman kami ng tinutok niya saakin ang baril na hawak niya. " s**t!" Renz " Sus ginoo....hindi pa ako nakakapag girlfriend, eh matetegok ata kapalaran ko dito. " Basilio Bumilis ang t***k ng puso ko. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko alam ang gagawin ko. " Hindi ka naman mahal ni Zhi, inutusan ko itong paibigin ka... inutusan ko siya para alamin ang kahinaan mo.... ang gawing miserable ang buhay mo.... Pero hindi ko inutos na mahulog siya sayo..." Levi. Napatingin naman ako kay Rash , umiiling ito na para bang sinasabing hindi ito totoo.. " Ano ba kailangan mo Levi? Maawa ka naman sa kanya... birthday niya ngayon.. " " Birthday nga niya..! Pero ako sana ang nasa tabi niya... Ako sana ang mahal niya hanggang ngayon...AKO PA DIN SANA...!" " Levi... ibibigay ko sayo ang gusto mo... Pakawalan mo lang siya. " " Ang rank mo Uno... kapalit ang kalayaan ni Zhi.. " Hindi ako nakasagot agad. Iniisip ko bakit masyado siyang hangal para makuha ang posisyon ko? " Sige... Papayag ako... " " Uno...." Kean " wag kang pumayag Uno.. " Dos " leader wag! " Pito " hindi niya bagay! " Tres " baliw na siya... " Zach " Gagawin ko ang gusto mo...." " magaling.... ang posisyon mo Uno. Ideklara mo sa Arena na ako na ang papalit sayo.." " tsk bakit ba kating kati kang makuha ang Rank ni Uno?" sabat ni Dos Na kay Pitchy ang tingin ko. Kanina pa ito umiiling.. hindi naman siya hinahawakan ni Levi....parang may mali. Tinapik ako ni Renz at may binulong sa akin. " hindi maganda ang kutob ko sa kalagayan ni Rash... kailangan natin malaman yun Uno..." Maski ako ay hindi din maganda ang kutob ko. " Hahahah dahil sa tatay ko! Kailangan kong ipakita sa kanya na ako ang pinakamalakas na gangster.... para maibigay niya saakin ang kayamanan na ipapamana niya.... maging akin ang lahat... ang Ranko mo, ang kayamanan... " " Kayamanan lang pala gusto mo bakit pati si Rash dinadamay mo dito?" " hahaha dahil isa siya sa mga gusto ko....ang kaso ikaw na ang mahal niya... nag iba na siya dahil sayo..! " Tinutok naman niya kay Rash ang baril. "... Pero itong ta daan mo... magiging akin pa di siya kahi-----" Pero laking gulat ko ng biglang nasa likod na niya si Renz. Pinalo ni Renz ng kahoy ang ulo ni Levi. Paanong nandoon agad ito, eh kanina salita pa siya ng salita. Pagkabuwal niya... lumayo si Rash kay Renz. Tumakbo ako sa kanila. " Pitchy...bakit?" pagtataka ko. " Rash alam ko na meron dyan sa katawan mo ang kinakatakot mo.... makinig ka saakin..ok? " Renz Naguguluhan ako. " Rash wag kang gagalaw...wag kang aatras... dahan dahan kong ibaba ang takip dyan sa bibig mo.... ok!?" Renz Tumango lang ito " Ano bang nangyayari?" " Uno di mo ba napapansin? May bomba sa likod ni Rash... " Kean Paano nila nalaman? Akala ko ay sugat sa kanyang katawan kaya napapailing siya kanina. Dahan dahan naman binaba ni Renz ang nakatakip sa bibig nito. " wag kayong lumapit saakin...." Rash " I'm sorry Uno... dahil sa akin nandito kayo.. " umiiyak na ito. Hindi ko alam kung sa takot o dahil sa kasalanan niya. " Rash makinig ka... titignan ko ang nasa likod mo... ang gagawin mo lang ay wag gumalaw..." Tumango ito. " Mendez..." " Manahimik ka Uno!... kapag ako nagkamali sa pindot... sasabog tayong lahat dito..." sigaw nito Galit agad.... Tinawag ko lang naman siya eh parepareho talaga sila ni Dua... galit parati. Para kaming naglalaro ng Freeze... walang galawan. Nakahinga kami ng maluwag ng tinaas ni Renz ang nakakabit sa likod nito. bomba nga ... " na defuse mo na Mendez?? " tanong ko. " Oo..." pagkabitaw niya. Niyakap ko kaagad si Pitchy. " Sorry Uno...." " Shhhh...tahana... Ok na.." " tara na Uno!..." tawag sa akin ni Basilio. " Tara na... baka magising pa ang mga yan.." Hunter " doon niyo na ituloy yan...hinihintay na ako ni----" Kean " Oo na... Oo na... hinihintay ka na ng Kalahati ng buhay mo.... bwisit ka Kean..,panira ka. " Naramdaman kong napahagikgik si Pitchy habang yakap yakap ko ito. " halika na nga.... nagusot na ang damit ko... hindi pa kita naisasayaw. " " Uno... I love you.... totoo ito... hindi utos, hindi kunwari..hindi pagkukunwari.... mahal na mahal kita Dats... " nag init naman agad ang pisngi ko sa sinabi niya. Dagan dahan kong nilalapit ang mukha ko sa kanya... " Maha-----" palapit ng palapit ang mukha ko sa kanya.... malapit na... Hindi ko pa nasasabi ng buo ng biglang... Blag! ... .. . . . . .... .... ... ... ... .. .. .. .. .. .... ... ... .... .... .... ... ... ... ... .. .... .... ... ... ... ... .... .. ... .. ... ... ... .... ... ... ... ... ... ... ... " hoy! Mamaya na yan sabi eh...!" Renz. Nagulat pa kaming pareho ng binalibag ni Renz ang pintuan. Bwisit ka Mendez... mamaya ka lang sa akin. " Doon ko na sa bahay niyo sasabihin....baka may mapatay pa ako sa wala sa oras." Umalis na kami sa hideout nila Levi. Hindi na namin sinumbong sa mga pulis. Dahil kahit anong gawin namin.....makakalaya din ito dahil sa laki ng impluwensya ang tatay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD