Rule No. 1
"Rule No. 1 : Don't call her by her surname."
"Over my dead sexy body!" Jennie said and rolled her eyes at Jisoo while sipping her orange juice.
"Over my dead sexy body!" Pangagaya sa kaniya ni Jisoo sa isang nakakairitang tono. Sinamaan ng tingin ni Jennie si Jisoo dahilan para tawanan lng siya ng dalawa niyang kaibigan na sina Jisoo at Chaeyoung.
"Psh, ako!? Magkakagusto don sa tuod na yun?! Yuck! eww! Never!" Mataray pang sabi ni Jennie sa kanilang dalawa dahil tinutukso siya ng mga ito na may gusto na tumawa ng malakas.
"Psh! Nalimutan niyo na ba na inagawan ako ng album non!?"
"Binigyan ka naman ng pera para bumili ng album sa ibang store." Sagot ng dalawa.
"Hindi ko kailangan ng pera niya!"
"Kasi siya mismo ang kailangan mo?"
" Hindi ko kailangan ang tuod na pader na yun!" Inis na sabi ni Jennie.
"Para kang toro WAHAHAHA!!" Saad pa ni Chaeyoung kay Jennie dahilan para inis silang batuhin nito ng kinakain nitong fries. Inis na tumayo si Jennie at kinuha ang bag niya at juice.
"Mga bwisit kayo! Bahala kayo dyan!" Inis na sabi ni Jennie sa dalawa niyang kaibigan na tatawa tawa pang nag apiran, inis na pumihit patalikod si Jennie sa kaniyang mga kaibigan dahilan para mabunggo niya ang living pader este nabunggo niya ang padaan na tao sa harap niya dahilan para sumalampak siya sa sahig at matapon ang juice niya sa kaniyang damit.
"Jennie okay kalang!?" Tanong nila Jisoo at lumapit sa kaibigan nilang nakasalampak sa sahig ng Cafeteria. Nag angat si Jennie ng tingin sa nabunggo niya at mas lalong kumulo ang dugo niya nang makita na ang kinaiinisan niyang tao ang nabunggo niya.
"Ikaw nanamang tuod ka!?" Inis na sabi ni Jennie at akmang tatayo kaya tinulungan siya nila Jisoo na tumayo.
Hahawakan sana nila Chaeyoung si Jennie sa braso ngunit huli na dahil mabilis itong lumapit sa nakabunggo nito para tapunan din ng juice ang damit nito.
"Oh s**t. this is war." Asal ni Jisoo.
"Oh eto!" Inis na sabi pa ni Jennie at binuhos ang orange jucie na nasa cup na hawak niya sa damit ni Lisa. Napaatras naman si Lisa ngunit hindi sapat iyon para maiwasan ang juice na tuluyan ng tumapon sa damit niya. Padabog na binato ni Jennie ang cup sa sahig. Lahat ng mga tao roon sa canteen ay nasa kanila ang atensyon, ang ilan dito ay kinukuhaan pa sila ng video. Bagaman nagulat si Lisa sa nangyare ay hindi nagbabago ang eksoresyon nito sa mukha, nananatili itong blangko habang nakatingin sa basang damit na suot niya.
"Let's go!" Inis na sabi ni Jennie sa Chaesoo ngunit bago pa makapihit patalikod si Jennie ay agad siyang hinawakan ni Lisa sa braso at masama ang tingin ang sumalubong kay Jennie nang harapin ito.
Agad na pumagitna si Jisoo sa dalawa bago pa masaktan ang isa sa mga ito. "Sorry Lisa, pagpasensyahan mo na si Jennie hindi niya pa alam ang mga rules mo dito sa school, hayaan mo bibili kami ng damit na pampalit mo, pasensya na talaga." Paghingi ng tawad ni Jisoo habang nakangiti na halos di na makita ang mga mata habang pilit na inaalis ang pagkakahawak ng mahigpit ni Lisa sa braso ng kaibigan niyang si Jennie.
"At talaga naman Jisoo-" hindi na naituloy ni Jennie ang sasabihin ng inis siyang tinignan ni Jisoo at sinigawan. Tinanggal na ni Lisa ang pag kakahawak niya sa braso ni Jennie, ang isa naman ay pinag pagan ang braso niya na hinawakan ni Lisa na animong may virus iyon.
"Tumahimik ka nalang!" Inis na sabi ni Jisoo kay Jennie habang pinanlalakihan ng mga mata, inirapan lng siya ni Jennie at tumabi na kay chaeng na inabutan siya ng panyo para punasan ang basa niyang puting damit.
"Tss, it's already her second day here and she still doesn't know the rules? Tsk, Tell her my rules and dapat kabisado na niya iyon bukas! She's going to recite it all to me tomorrow at pag hindi niya nagawa iyon alam mo na ang mangyayari Kim Jisoo." Bakas ang inis sa tono ni Lisa ng sinabi niya iyon kay Jisoo.
"Sorry again Lisa, pangako hindi na ito mauulit." Ani Jisoo.
"Dapat lng, dahil sa susunod na maulit pa ito, hindi ko na palalagpasin, naintindihan mo ba Ms. Kim!?" Pagbabanta ni Lisa habang ang tingin ay nakay Jennie na masama din ang tingin sa kaniya.
" Y-yes" utal na sagot ni Jisoo kay Lisa na tinalikuran na silang lahat at lumabas na ng Cafeteria.
"At ikaw namang bobita ka, tara nga dito!" Nakapamewang na sabi ni Jisoo kay Jennie at lumapit dito. "Ikaw! Layulayuan mo yong si Lisa kung ayaw mong majombag ng mga nagkakagusto dun ha? Tara na nga sa mall at nang makabili ng damit mong bwisit ka!" Lintanya ni Jisoo at hinila si Jennie palabas ng Cafeteria. Inirapan lng ni Jennie ang pinsan niyang si Jisoo at nagpahila nalang dito habang si Chaeng naman ay kinuha pa ang box ng french fries sa table nila at sinundan ang dalawa.
======
"Transfer success." RM said and delete all the transactions history. He deleted all the informations on the computer as fast as he could. He turned off the computer, he arrange those files on the table and immediately leave the room. He make sure that no one saw him even CCTV cameras that he entered the CEO'S OFFICE. His mission is to transfer a 500 billion dollars on their bank accounts. Jin, Taehyung and Bambam are in the bank to make sure that they won't get in trouble, Suga also helps them by hacking the system and telling them where to go since he sees everything on his two monitors. The three were tasked to get the money to the bank, it will be easy for them since Jin's parents are the owners of the bank. V ang Bam just needs to flirt with the other two bank teller to distracted them while Jin is doing his mission; to get the money successfully.
Sa hindi naman kalayuan ay may nakastand by na dalawang sniper which is sina Hoseok at Jimin, nasa rooftop sila ng isang building and binabantayan amg tatlong nasa loob ng banko mula sa pwesto nila. Nakapwesto na din sa may kabilang kanto ang isang kotse sakay sina RM at Jungkook, nang masundo na ni Jungkook si RM mula sa target nilang Company ay agad silang dumaretso sa kabilang kanto kung saan dadaan sina V, Bambam at Jin.
Mayamaya pa, nagmamadaling lumabas ang tatlong kasama nila sa bangko, may mg bitbit na malalaking bag na nasisisguro nila na ang laman non ay ang perang ninakaw nila mula sa target nilamg company, mabilis na pinatakbo ni Jungkook ang sasakyan sa harapan ng tatlo at nang huminto ito ay agad na pumasok ang tatlo sa kotse at muling pinaharurot ni Jungkook ang sasakyan paalis sa bangko.
Habang ang dalawang nasa rooftop ng building ay mabilisang inayos ang mga gamit nila at walang sinayang na segundong bumaba ng rooftop gamit ang hagdan. Mabilis silang nakarating sa parking lot, sumakay sila sa kani-kanilang motor at nilisan ang lugar na iyon.
Bambam's POV
"Tol, Ibaba mo ako dyan sa Mall." Utos ko kay Jungkook. Nilingon naman nila ako nang may nagtatakang tingin. "Nagtext si Boss bilhan ko daw siya ng damit."
"Damit? Para saan?" Takang tanong ni Taehyung. "Hindi ko alam, wala namang sinabi. Basta bumili daw ako ng damit." Sagot ko.
"Sige tol, sasama ako, may bibilhin din ako." Sabi ni Jungkook sakin at tumango lng ako. "RM ikaw na magmaneho, daretso sa Alpha M. Ingatan niyo yung mga dala niyo kung ayaw niyong malintikan kay Boss." Utos ko tumango lng naman si RM.
"Alam niyo naman, laging may dalaw si Boss HAHAHAHA." Biro ni Jin dahilan para tumawa kami. "Siya siya, tara na at baka malintikan tayong lima kay Boss." sabi naman ni Jungkook at hininto na ang sasakyan, bumaba na rin ako at tinanguan sila. Sinundan pa namin ng tingin ni Jungkook ang kotse na umalis sa aming harapan at naglakad papunta sa entrance ng Mall.
"I already sent the 250B$ to different charities." Rinig kong sabi ni Suga sa suot kong earpiece. Lahat kami ay nag susuot ng earpiece para makipag communicate sa isa't isa. Lagi namin itong suot kulang na ngalang pati sa pagligo isama narin namin. "Nasaan na sila RM?" Tanong ni Jungkook.
"They're 50 kilometers away from Alpha M." Sagot ni Suga." Si Boss?" Tanong ko.
" She's in Alpha Building, Moon International School." Sagot ni Suga. "Wait- What??" Dagdag niya, nagkatinginan kaming dalawa ni Jungkook, nagtataka.
"She's not wearing her earpice." Suga said. "Mukhang basa ang damit niya, bilisan niyo nang bumili dahil mukhang galit na si Boss." Dagdag niya, tinignan ko si Jungkook na nakatingin na dinpala sa akin, nagtanguan lng kami at mabilis na kumilos. Naghiwalay kami ng daan pagdating sa second floor ng Mall. Agas akong pumasok sa unang store na nakita ko, muntik pa akong matumba nang may makasalubong akong tatlong babae na palabas ng store.
"Oh, kayo pala Jisoo." Sabi ko nang mamukhaan sila, ngumiti sakin sina Jisoo at Rosé habang si Jennie naman ay umirap lng. "Bibili ka din Bambam?" Tanong ni Rosé.
"Magpapahangin lng siya." Mataray sa sagot ni Jennie na siniko naman ni Jisoo. Tinignan ako ni Jennie at inirapan saka humalikipkip. "Ah, yes, para kay Boss, biglang nagpabili." Sagot ko.
Magsasalita na sana si Jisoo ngunit inunahan ko na siya." Sige, bibili na ako. Byebye ingat kayo!" Sabi ko at nag bow sa kanila, nag bow din sila sa akin maliban kay Jennie. Nang tuluyan na kong makapasok sa store ay agad akong pumunta sa mga black shirts kaso nga lng wala namg available na size ni Boss.
Nakagat ko ang labi at nilibot angmata sa mga damit na nandon hanggang sa dumapo ang tingin ko sa puting T-shirt na may design na pacman. Agad kong kinuha iyon at pumunta na sa counter. Pangalawa ako sa pila nang makita ko si Jungkook sa labas ng store at may dalang paper bag ng isang clothing brand.
'Eh? Bumili din siya ng damit?'
"Good morning ser." Nabalik lng ako sa wisyo nang batiin ako ng kahera ng store, ngumiti ako dito at binigay dito ang damit na hawak ko.
"Oh tara na." Aya ko kay Jungkook nang makalabas ng store tumango lng ito sa akin at tinignan ang hawak kong paper bag. "Maglalakad tayo papuntang school?" Tanong niya.
"Silly, I'm always ready dude." I said and smirked. Napailing lng si Jungkook sa akin at umakbay sa akin. Mabilis kaming nakarating sa parking ng Mall kung nasaan ang isang Montero Sport. Kinuha ko ang car keys sa bulsa ko at binuksan ang sasakyan. "Woah di ko alam na meron ka nito ah?" Saad ni Jungkook.
"Pftt, ako pa? Siya ikaw na magdrive bilisan mo at baka malintikan tayo kay Boss." Sabi ko at binato kay Jungkook ang susi bago sumakay sa passenger seat.
"Sige HAHA." Sabi niya at sumakay narin sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan.
========
"Bakit puti?" Tanong ni Boss nang makarating kami sa room. Kakaunti lang kami dito since lunch break time pa naman. "Wala na kasing available na size mo boss dun sa kulay black, maliliit na sayo." Dahilan ko.
"Tss." Singhal niya sa akin at nilagay muli sa paper bag ang damit at tumayo na sa upuan niya. Maglalakad sana siya nang hawakan siya ni Jungkook sa braso para pigilan. Mabilis naman na tinanggal ni Jungkook ang kamay niya sa braso ni Boss nang isang matalim na tingin ang binigay sa kaniya ni Boss.
'Kahit kelan talaga may dalaw pfft.'
"Ah Boss hehe, jacket oh." Kamot ang ulong sabi ni Jungkook at inabot ang paperbag na hawak niya kinuha naman ni Boss ang paper bag. Woah, may pajacket si Kookie HAHAHAH."Kulay itim na denim jacket yan boss at-" hindi na natuloy ni Jungkook ang salita niya nang maglakad papaalis sa harap namin si Boss.
"Wiww HAHAHA." sipol ko at tumawa. Tinapik ko na lang sa balikat si Jungkook at sinenyasan na umupo na sa seats namin. Second day of our classes namin ngayon at gaya ng dati ay magkakaklase parin kaming siyam, Ako, si Boss, si Jungkook, Jin, Suga, Jimin, Hoseok, RM at Taehyung. Lahat kami ay nasa Class 1-A at kapwang mga third year high school na.
First year College na dapat kami kaso puro bulakbol ang ginawa namin noon kaya ayun third year high school palang kami. "Kamusta na sila V?" Rinig kong tanong ni Jungkook, marahil ay si Suga ang kausap nito.
"On their way to MIS na, tapos na nilang ilagay sa vault yung pera. Sabihin niyo kay Boss na okay na at tiyak kong sira ang earpiece non." Sagot ni Suga, i can hear him too since may suot din akong earpice. "Umorder ka na agad ng bago." Utos ko kay Suga.
"Nakaorder na ako kanina pa." Sagot niya mula sa kabilang linya.
"Good, pumunta ka na din dito."
"Yess serr!"
Jennie's Pov
"Woi jendeukk!! Bilisan mo dyan magpalit!" Rinig kong sigaw ni Jisoo. Napairap nalang ako at nagpatuloy sa pagpapalit ng damit. Nasa cr ako para nga magpalit at itong manok na ito kanina pa sigaw ng sigaw, kakatayin ko talaga ito eh kasama yung lintik na tuod na yun!
'Tss, it's already her second day here and she still doesn't know the rules? Tsk, Tell her my rules and dapat kabisado na niya iyon bukas! She's going to recite it all to me tomorrow at pag hindi niya nagawa iyon alam mo na ang mangyayari Kim Jisoo.'
"Nyenyenye mukha mo recite!" Inis kong sabi saka lumabas ng cubicle since tapos na ako magpalit. "Anong akala niya sa akin? Alipin niya para sumunod sa kaniya? Psh!"
Narinig ko naman na bumukas ang pinto ng isa sa mga cubicle sa harap ko at lumabas doon ang hindi ko inaasahang tao. "Manoban?! Tsk! Hanggang dito ba naman!?"
Dahan dahan niya akong nilingon habang kunot ang noo. Oh diba parang tuod tong pader na to tsk. Teka, bat parang familiar yung suot niyang damit!? Eh ano bang paki ko dyan sa unggoy na yan? Tsk.
"What did you say?" She asked in a very serious tone which made me gulped, she's slowly walking towards me making me walk backwards. "A-ano? Ha?" Utal kong tanong.
"Ulitin mo nga yung sinabi mo." Utos niya. Muli akong nspalunok dahil mas dumilik ang kaniyang mukha, nakasandal nadin ako sa pader at wala nang mapupuntahan pa para makatakas mula sa kaniya. Parang may itim na aura ang bumabalot sa kaniya ngayon! Katakot! Ano ba yung tinutukoy niya? Alin don-Ah! Alam ko na!
"Yung Mano-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa ginawa niya. Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko at sinuntok ang salamin sa gilid namin kung saan naroon ang lababo. Napasinghap ako ng hangin nang makitang nagdudugo ang kamao niyang pinangsuntok niya sa may salamin.
"Rule no. 1 Don't call me by my surname Ms. Kim if you don't want to see yourself running out of breath." Pagbabanta niya sa akin, nananatiling nakatakip ang isa niyang kamay sa aking bibig, napakalapit ng mukha niya sa akin at ang mga mata niya ay nagbabaga sa galit.
Napapalunok akong tumango tango sa kaniya, pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko, aaminin ko, natatakot ako sa kaniya.
Marahas niyang tinanggal ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko at agad na tumalikod sa akin. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil tila hindi ako makahinga ng maayos. "Tandaan mo iyon Ms. Kim." Sabi niya bago pa maglakad palalayo, nag angat ako sa kaniya ng tingin at nakita ang mga kuyom na kamao niya, ang isa dito ay dumudugo dahil sa pagsuntok niya kanina sa salamin, tumutulo sa tiles ng cr ang dugo niya mula sa kanang kamao niya.
Habol ko ang hininga ko, daig ko pang nakipaghabulan sa mga aso. Napalingon ako sa salamin na sinuntok ni Lisa. Nabasag ang parte kung saan niya iyon sinuntok at may mga bakas pa ng sariwang dugo niya ang gilid gilid nito.
Nagsisimulang lumabo ang paningin ko at habol habol ko parin ang paghinga. May naririnig akong tumatawag sa pangalan ko hanggang sa makita ko nalang na nasa harapan ko si Jisoo.
"Jendeuk!" Rinig ko pang tawag niya sa akin bago pa sakupin ng dilim ang paningin ko.
Moon's Pov
Pumasok si Lisa sa Class 1-A Room at naabutan ang Professor nilana nagtuturo sa harapan ngunit hindi niya iyon pinansin at nagdaretsong pumasok habang nakakuyom ang mga kamay, ang dugo ay tumutulo pa, kinuha niya ang bag at mabilis na umalis.
Lahat ng nasa Classroom ay hindi agad nakapagreact dahil sa biglaan niyang pagdating. Nang matauhan sina Bambam ay dali dali silang lumabas room para sundan si Lisa. "Tulong!!! Tulungan niyo kami!!" Rinig nilang sigaw ng kung sino.
"Mukhang sa restroom nanggagaling! Jin, Jungkook at RM sundan niyo si Boss! Suga, Jimin at V samahan niyo ako!' utos ni Bambam atnag hiwalay nga silang walo. Malapit lang ang restroom sa room nila kaya agad naman silang nakapunta.
"Jisoo!? What happened to Jennie!?" Gulat na tanong ni Bambam at agad na lumapit kay Jisoo na nakaupo sa sahig ng restroom kasama si Jennie na walang malay. "Bigla nalang siyang nawalan ng malay."
Nilibot naman ni V ang tingin sa paligid agad niyang nakita ang salamin na may basag at mga dugo dugo pa." Bam!" Tawag ni V kay Bambam at tinuro ang salamin.
"Suga!" Tawag naman ni Bambam at tinanguan ito, sa ganong paraan ay tila nagkaunawaan silang tatlo, mabilis na binuhat ni Bambam si Jennie. "Tara sa clinic!" Sabi ni Bambam at nagtanguan sina V at Jisoo.
Nagmamadali silang lumabas ng cr at lakad takbong isinugod si Jennie sa clinic. Habang abala sila na asikasuhin si Jennie, busy naman sa pagtrack si Suga kay Lisa ngunit hindi niya ito matrack. Lahat sila ay may tracking device na nakakabit sa kanilang mga damit kaya agad na bumalik si Suga sa rest room at inisa isa ang cubicle na nandon at napamura nslang siya ng makita ang sirang tracking device na nasa sahig ng isa sa mga cubicle.
=====
"Here's the CCTV Footage." Suga said and place his phone on the table. "Hayaan muna natin si Boss." Sabi niya kila Bambam at V na tinanguan lng siya. Nag simulang magplay ang video at nakita nilang pumasok sa rest room ng mga girls si Lisa at ilang minuto pa ay dumating sina Rosé, Jisoo at Jennie.
"Wait, i-rewind mo." Utos ni Bambam na agad namang sinunod ni Suga." Stop. i-zoom in mo." Utos niya ulit.
"Couple shirt?" Mahinang sabi ni Bambam nang makita ang hawak ni Jennie na itim na damit na may kaparehas ng design ng damit na binili niya kay Lisa. "Ano?" Tanong ng tatlo.
"Yung damit ni Jennie same kay Boss ang pinagkaiba lang ay yung color." Sbai ni Bambam at nilingon ang nakaratay na si Jennie sa kama ng clinic. "Bam, yung salamin sa cr, sigurado akong si Boss ang may gawa non." Saad ni V
"Sinuntok ni Boss yung salamin dahil lng sa couple shirt?" Patanong pang tanong nk V. "Pero parang ang babaw naman na dahilan yun." Sabi ni Suga.
"Kilala natin yun si Boss, Maikli lang pasenya non pag may nalabag sa mga patakaran niya." Sabi naman ni Bambam, tahimik lang silang pinanonood ni Jisoo na mag usap dahil ayaw din naman niya makisabat sa usapan ng tatlo, inasikaso nalang niya ang kaniyang pinsan na hanggang ngayon ay wala paring malay.
"Eh anong dahilan ni Boss?" Tanong nila V at Suga. Naalala naman ni Jisoo ang nangyare sa Cafeteria kaya tumikhim siya para kunin ang atensyon ng tatlo. "Kanina kasi sa canteen may nangyare." Simula ni Jisoo na agad naman nakuha ang interest ng tatlo.
"Mga lunch time yun-" Jisoo didn't finish her words when Suga cut her off. "San banda sa Cafeteria? Mga anong oras?" Tanong ni Suga. "Around 11 am to 11:30 yun e, malapit sa entrance ng Cafeteria." Sagot ni Jisoo tumango naman si Siga at magtype sa portable keyboard niya na nakakonekta sa phone niya. "Ayan panoorin natin yung footage mula dito sa Cam 13." sabi niya at nagsipuntahan naman ang mga kasama niya sa likod niya including Jisoo at pinanood nila ang footage sa phone ni Suga.
"Oww shit." Nasabi ni V nang makita niyang tinapunan ni Jennie ng juice ang damit ni Lisa. Agad namang pinause ni Suga ang video at humarap sa mga kasama. " What do you think guys? Yan ba ang dahilan ni Boss para takutin si Jennie ay suntukin ang salamin sa restroom?" Suga asked.
Sasagot na sana si Bambam nang magring ang kaniyang phone at agad naman niyang sinagot nang makitang si Jungkook ang tumatawag."Yes hello kookie?"
"Nakita na namin si Boss."
"Where is she?"
"Beach."
"How is she? Anong ginagawa niya?" Tanong ni Bambam at ni-loud speaker dahil ng mumukhang chismosa ang mga kasama niya sa loob ng clinic.
"Nakaupo lng siya sa buhangin habang nakatingin sa dagat, hindi na namin siya nilapitan dahil ramdam namin ang galit niya mula rito sa kinatatayuan namin."
Nagtinginan sina V,Suga at Bambam.
"Leave her alone, comeback here."
"Itutuloy..."