CHAPTER 9 ARIANNA' S POV "Sa totoo lang, may point naman ang Papa mo. Hindi magiging madali para sa De Luca ang tanggapin si Elle, at lalong hindi magiging madali para kay Elle ang maging isang De Luca," iling ni Lucifer habang pinapanood ako habang inaalo si Elle na ngayon ay panay ang reklamo dahil gusto niyang pakawalan ko siya. Kapag naman hinahayaan ko siyang dumapa ay umiiyak naman kapag hindi na makabangon. Masasabi kong walang kaibahan ang mga sanggol sa karanasan ng mga tao at malalaki na. Gustong-gustong humiwalay sa mga nagbabantay, pero kapag naman nahirapan ay iiyak. Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Pagkagaling ko sa presinto ay dumiretso ako sa resto. Napansin ko rin kasi na halos napapabayaan ko na ang negosyo ko dahil sa pag-intindi ko sa problema ng Madrigal, kailang

