CHAPTER 8 ARIANNA'S POV "Hindi ko po kayang tanggapin ang trabaho o posisyon na ibinibigay ninyo sa akin, 'Pa," iling ko habang kaharap ko si Papa. Magkasalikop ang mga kamay niya habang pinagmamasdan ako na para bang hindi makapaniwala. Matapos akong kausapin ni Atty. Perez tungkol sa ipinangalan sa aking shares nina Papa ay kaagad akong nagpunta sa presinto para siya mismo ang kausapin. Papasok na ako sa trabaho nang mga oras na iyon kaya naroon na sa bahay ang babysitter ni Elle, kaya naiwan ko kaagad siya nang nagbago ang isip ko at ginustong makita kaagad si Papa. "Anak, masyado pang bata si Diego para pagkatiwalaan namin sa negosyo. Itong si Sheila naman ay hindi pa handa. Mag-handle nga lang ng mga kasambahay sa mansion, hindi pa niya alam kung paano, isang kompaniya pa?" "Pero

