CHAPTER 7 ARIANNA'S POV Nagising ako sa magkakasunod na katok sa kuwarto ko. Bumangon ako at ang unang sinilip ay si Elle, upang masiguro kung nagising ba siya. "Andyan na!" medyo malakas kong tugon upang huminto na ito sa kakakatok at hindi na magising pa si Elle. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad kaagad sa akin ang umiiyan na mukha ni Sheila. "Shay, anong nangyari?" Nag-aalala ako. Pansin kong magkabaliktad kami ni Shay, unlike me na may malakas na personalidad, si Shay ay mas emosyonal sa akin at hindi pa malakas ang loob para humarap sa problema nang mag-isa. She stayed here overnight, ayaw pa raw niyang umuwi dahil hindi niya pa kayang harapin ang mga magulang niya matapos nitong malaman ang pangchi-cheat niya. "Ate!" Yumakap sa akin si Shay pero kaagad din bumitiw. "Magpa

