CHAPTER 6 ARIANNA'S POV "Hey, Chef Ari! Missed me?" Dinig ko kaagad ang kapilyuhan sa boses ni Chef Elijah. Nakita kong umirap si Celestine sa tabi ko. "Chef Elijah, I'm sorry, alam kong madaling araw na diyan, naistorbo pa kita." "Nope, it's okay. I'm not sleeping yet. Bakit ka ba napatawag?" Huminga ako ng malalim. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy, kailangan kong makausap si Jackson. Baka puwede mo akong matulungan kung saan ko siya puwedeng makausap?" "Akala ko ba ayaw mo na?" "It's not about our passed relationship." Nakarinig ako ng ilang kaluskos sa kabilang linya, maya-maya ay muli siyang nagsalita. "Actually, he's with me." "I told you 'no," narinig ko ang iritableng boses ni Jackson sa kabilang linya. Pinigilan ko ang kung anong pumintig sa puso ko nang marinig ko a

