CHAPTER 5

2168 Words
CHAPTER 5 ARIANNA'S POV "Sigurado ka bang hindi mo na sasabihin kay Sir Jack? You know how to contact him now," sabi ni Celestine habang nilalaro ang kamay ni Elle na nasa kandungan niya. Isang linggo na magmula nang makabalik ako galing sa Canada, at ngayon ko lang nabanggit sa kaniya ang aksidenteng pagkikita namin ni Jackson. Sinabi ko na rin sa kaniya ang mga sinabi ni Jackson, na siyang kumumbinsi sa akin na huwag nang pumasok pa sa mundo niya. Sarado ngayon ang restaurant kaya hindi ko na pinapunta ang babysitter ni Elle, at dahil sa wala rin siyang trabaho ngayon ay naisipan niyang bisitahin ang inaanak niya. She's a good God mother to Elle, siya 'yong tipong ninang na maaalala niya ang inaanak niya hindi tuwing pasko lang. Ang sabi pa niya ay gusto niyang maging parte ng childhood life ni Elle. 'Yong tipong kapag nag-away kami ng anak ko ay sa kaniya ito tatakbo. Ngayon pa lang ay nakikita ko na kung gaano ka-spoiled sa kaniya ang anak ko. Naupo ako sa upuang kaharap niya. Nasa balkonahe kami kung saan may maliit na dining. Minsan ay rito kami kumakain ni Mama kasama si Tito Leon, dito rin ako nagre-relax at pinapaarawan si Elle. Masarap ang hangin dito at hindi direkta ang sunlight kaya naman hindi masyadong mainit, maganda pa ang tanawin dahil sa malagong hardin. Ako na lang ang naninirahan sa bahay na ito dahil si Mama at si Tito Leon ay nagsasama na ngayon sa kanilang mansion. Si Celestine naman ay may sariling condo, pero minsan ay nandito rin siya kapag nabo-bored siyang umuwi sa condo niya. Karamihan din kasi ng kaibigan niya ay nasa Tagaytay dahil matagal na siya roon nagtatrabaho, stay in. Si Colleen naman na bago niyang closed ay workaholic din kaya hindi niya magulo. Kahit ako na lang ang mag-isa rito sa bahay ay hindi naman ako nalulungkot, kasama ko na kasi si Elle. Noong buntis naman ako ay lagi akong sinasamahan ni Mama, nang lumakas na ako matapos manganak ay nagpaiwan na ako. Gusto ko rin kasing matuto na ako lang ang nag-aalaga sa anak ko at hindi umaasa sa kaniya. Pumupunta na lang ako sa restaurant para i-check iyon at kung may problema at iniiwan sa babysitter si Elle. "Ayokong maranasan ng anak ko ang naranasan ko, Tine. Ayokong maranasan niya kung paano itanggi at ikahiya ng sarili niyang ama. Ayokong maramdaman niya na ipinagsisiksikan lang niya ang sarili sa ama niyang hindi siya kayang tanggapin." "Hindi ganoon si Sir Jack, Arianna." "Noon, pero hindi na iyon ang nakikita ko sa kondisyon namin ngayon. Hindi lang siya galit kay Papa, pati na rin sa akin. Imposibleng matanggap niya ang anak ko nang ganoon kadali. Ang gusto ko lang sa ngayon ay protektahan ang anak ko sa lahat ng posibilidad na makakapanakit sa kaniya." Pinagmasdan niya ako saka ibinaba ang tingin kay Elle na ngayon ay inaabot ang mukha niya. Malikot na si Elle, madaldal at nakakadapa. Ang sabi ni Mama ay konti na lang makakagapang na ito. Maganda siya at may banyagang mata kagaya ng ama niya. Unang tingin pa lang talaga sa kaniya ay halata na kung sinong ama niya. No wonder kung magkamukha si Jackson at si Tito Edward, dahil mukhang malakas talaga ang kanilang dugo. "Magsisinungaling ka kay Elle? Anong sasabihin mo? Na mahal na mahal siya ng ama niya? Bakit siya iniwan?" Umiling-iling siya sa may mapupungay na tingin sa akin. "I don't think lying to your child will be the best option." Bumuntong-hininga ako at tumanaw sa kalangitan. "Madaling sabihin na mas magandang alam niya ang totoo, pero para sa akin na may karanasan tungkol sa pagiging anak sa labas, napipilitang pagkakatanggap, marami ko nang beses na hiniling na sana hindi ko na lang nalaman na hindi ako kayang tanggapin ni Papa, na minsan niya na akong ginustong ipalaglag." Muli ko siyang binalingan at tiningnan si Elle na kung makatingin sa amin ay para bang naiintindihan niya kami, yet she looks very innocent. "Para sa mundo naming mga unwanted child, lies is better than truth. Mas madali naming mamahalin at tatanggapin ang sarili namin kung hindi na namin kukuhestyonin kung bakit hindi kami tanggap ng sarili naming magulang." "Hindi ako magsisinungaling sa 'yo, hindi talaga ako naniniwalang dapat mong itago ang katotohanan kay Elle, pati na rin kay Sir Jack. But you're the mother, your fear for her si stronger than what I believe, and you're also a daughter with the same condition. I cannot judge you or blame you, so I'll just respect your decision." Napangiti ako. "Malaking bagay ang pag-initindi mo sa akin, pero pakisapok ako kapag tingin mo ay mali na talaga, ah!" Natawa siya sa sinabi ko. "Sus! Syempre, ako lang naman ang kapatid na maaasahan mo, puwera na lang kung handang makinig sa 'yo si Sheila at itama ka." Nagkibit-balikat ako nang banggitin niya ang panganay ni Papa kay Madame Sofia. Sheila is my half sister, she was shock when she found out about me, hindi lang siya, pero pati ang isa ko pang kapatid. Akala ko nga ay hindi niya ako matatanggap, pero nagulat na lang ako nang siya mismo ang lumapit sa akin para magkakilala kami. She's just twenty-one years old now, at siya mismo ay aminado na pressure siya sa pagiging panganay ng Madrigal, at ilan beses niya nang hiniling na sana raw ay may ate siya. That's why I welcomed her as my sister, kasi gusto ko rin namang maging ate sa kaniya at sa kapatid pa naming si Diego. Napatingin ako sa gawi ng gate na tanaw sa kinaroroonan namin nang marinig kong may nag-doorbell doon. Tiningnan ko muna si Tine. Tinanguhan niya ako at nakipag-usap kay Elle, with an actual conversation na para bang makakasagot sa kaniya ang bata. Hindi talaga namin kinakausap ng pa-baby talk si Elle, para hindi maging bulol. Naglakad na ako patungo sa may gate. Nang makita kong kotse ni Sheila iyon ay binuksan ko na ang human size na parte ng gate. Hindi na ako nag-abalang buksan ito ng malaki dahil nakahinto na ang sasakyan niya at nasa labas na rin siya. "Shay, bakit-" Hindi ko pa tapos ang sinasabi ko ay yumakap na siya sa akin habang umiiyak. Hinagod ko ang likod niya bago siya bahagyang ihiwalay sa akin para matingnan siya sa mukha niya. "Anong nangyari?" Pinunasan niya ang luha niya kasunod ng malalim na buntong-hininga para mapakalma ang sarili niya. "I'm sorry Ate, pero sobrang gulo na po kasi sa bahay, hindi ko alam kung saan na ako pupunta." Naguguluhang umiling ako. "Bakit nagkakagulo? Anong nangyari kina Papa?" "Sinugod po ng mga business partners ni Mommy ang bahay namin, kasi natuklasan nilang ninanakawan pala ni Mommy ang mga negosyo nila. Tapos sumabay pa 'yong problema ko sa school, galit na galit po sa akin sina Daddy." "Anong problema? Hindi nila puwedeng idamay ka sa init ng ulo nila!" Umiling siya. "Hindi ko naman po sila masisisi, hindi naman po talaga katanggap-tanggap ang nagawa ko. I cheated, Ate, para lang makapasok sa med school ay nandaya po ako." Nagulat ako sa sinabi niya. I almost forgot what I found out about her from Detective Carbio. Sinabi na sa akin ni Jackson ang tungkol dito noon, pero hindi niya tinuloy ang paglalabas nito noon dahil hindi ko gusto ang idea. Huminga akong malalim saka pinapasok na sa loob si Sheila. Mukhang hindi naman nagulat si Celestine nang makita siya, siguro dahil kilala rin niya ang sasakyan nito dahil sa ilan beses na pagdalaw ni Sheila na minsan ay nagkakataon na nandito rin si Celestine. Iyon nga lang ay hindi sila close. After all ay lumaki pa rin si Celestine sa side ng De Luca, kaya naman mainit ang dugo niya sa Madrigal, at isa roon si Sheila. Si Sheila rin naman ay mukhang hindi rin komportable kay Celestine, pero deadma na lang siya. Pagkarating namin sa sala ay kinuwento sa amin nang buo ni Sheila ang nangyari, habang si Elle ay naglalaro sa isang parte ng bahay kung saan nakalatag ang play mat niya. "You cheated at med school just to get in, hindi naman imposible na mahuli iyon," kibit-balikat ni Celestine. "Alam ko naman po iyon, sobrang nakapagtataka lang na ngayon talaga iyon lumabas kasabay ng pagkakabuko sa pagnanakaw ni Mommy." Napahawak lang ako sa may batok ko. Pinoproblema ni Sheila ang kung paano ito kumalat. Naniniwala raw kasi silang sadya ito, at ang De Luca ang pinagbibintangan nila, kaso hindi naman din niya masabi kung paano nalaman ng De Luca ang tungkol doon, at kung anong pakay ng mga ito sa paglalabas ng bagay na iyon, wala naman iyon kinalaman sa kaso. "Alam mo Sheila, hindi naman na mahalaga kung paano nalaman at kumalat. Ang isipin mo ngayon ay kung anong susunod mong gagawin dahil siguradong sisipain ka sa med school." Hindi ako nakaimik. May pagka-harsh ang term ni Celestine, pero tama naman kasi siya. Dapat ang una niyang isipin ay ang mangyayari sa pag-aaral niya. Halos humikbi siya habang nilalaro ang mga daliri niya. "I'm sorry, hindi ko naman kasi talaga ginustong mag-cheat, hindi ko lang talaga kayang makapasok sa med school nang walang tulong niyon dahil hindi naman ako kasing talino nina Daddy. Sila lang naman ang may gustong mag-med school ako, gusto kasi nila na mag-doctor ako, at si Diego na ang bahalang magmana ng mga negosyo namin." Umirap si Celestine. "Kung matinong magulang iyan, tatanungin ka muna nila kung anong gusto mong kunin na kurso." Hinawakan ko na sa balikat si Celestine nang makita ko ang pagtungo ni Sheila. "Ipasok mo na muna sa kuwarto si Elle, ako nang bahala kay Shay." Ngumuso lang siya at kaagad na rin akong pinagbigyan. Sigurado rin naman na pabor siya roon dahil mas gusto niyang makasama si Elle kaysa pakisamahan ang kahit na sino sa Madrigal. Nang umalis na si Tine kasama ang anak ko ay tumabi na ako kay Shay. Hinawi ko ang buhok niyang tumatabing sa mukha niya. "Alam mo, tama si Tine. Hindi naman na mahalaga sa ngayon kung sino ang nagkalat niyon, ang importante ay kung paano mo kakausapin ang dean ninyo tungkol dito." Mariin siyang umiling. "It does, Ate! They are trying to ruining my life! Obvious naman kung anong pakay nila, gusto nila kaming sirain at sigurado akong De Luca lang ang puwedeng gumawa niyon. Hindi pa ba sapat na ipinapakulong na nila si Daddy? Pati buhay namin ni Diego ay gusto nilang sirain? Hindi naman kami kasama sa ginawa nila noong ambushed, Ate, pero pati kami ay dinadamay nila! That's not about getting justice, that's revenge! That's madness!" Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya dahil sang-ayon naman ako roon. Kahit ako ay hindi sang-ayon noon sa naging plano ni Jackson, hindi naman kasi dapat madamay sina Sheila rito. Kaya hindi ko rin alam kung paano siya pakakalmahin. Bandang huli ay pinatuloy ko na lang muna siya sa guestroom para makapagpahinga. Nang pumasok ako sa kuwarto namin ni Elle ay naabutan ko si Elle na natutulog na sa crib habang si Tine ay nakaupo sa kama ko. Sinalubong niya ako nang dumiretso ako sa kama matapos kong silipin si Elle. "Tingin mo De Luca talaga ang naglabas ng tungkol sa cheating at sa pagnanakaw na issue?" tanong niya sa mahinang boses na tila ayaw niya rin na marinig ni Elle ang pinag-uusapan namin. "Pero kasi wala naman silang motibo? Hindi naman iyon makatutulong sa kaso, hindi ba?" Umiling ako. "Hindi nga, pero paano kung talagang dinamay sila ni Jackson sa kasalanan ni Papa?" Naguguluhan niya akong tiningnan. "Anong ibig mong sabihin?" Kinuwento ko na lang sa kaniya ang nangyari noon, kung paano ko nalaman na plano ni Jackson ang kung ano mang nangyayari ngayon. Dismayadong umiling-iling ako. "Hindi ko akalain na talagang idadamay niya 'yong mga wala namang kasalanan para lang masira ang Madrigal." "Pero paano kung hindi siya?" Hindi makapaniwalang binalingan ko siya. "Kung ganoon, sino pa ba? Plano niya ito, and it's now happening! Sa tingin mo talaga posibleng hindi siya ang may pakana ng mga ito? Kahit nasaan lupalop pa siya ng mundo ay kayang-kaya niyang gawin at ituloy ang matagal niya nang plano." "Ask him first! Baka mamaya ay pinagbibintangan mo siya pero wala pala siyang kinalaman tungkol dito." Tiningnan ko lang siya. Umirap siya at kinuha ang cellphone kong nasa ibabaw lang ng bedside table ko. "Just call him, ang sabi mo ay nakausap mo si Elijah, it only means that you are now have your way to contact him and to get Sir Jackson's contact. Sa kaniya mo mismo itanong, malay mo, you are just barking up at the wrong tree." Kinuha ko ang cellphone ko kay Celestine at nanliliit ang mga mata sa kaniya. "You're right, I can now contact him. I can now confront him easily at pagsabihan na tigilan ang mga batang hindi naman dapat nadadamay." Hindi na natuloy ni Celestine ang sasabihin niya nang basta ko na lang ni-dial ang number ni Chef Elijah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD