CHAPTER 14 ARIANNA'S POV Binilisan ko ang pagbaba sa hagdan upang madaluhan si Jackson at si Sheila. Pumaggitan ako sa kanila. Alam kong galit si Sheila kay Jackson. Of course, De Luca ang nagpahiya sa kaniya at nagpakalat ng pandaraya niya sa entrance exam. Pati ang pagbubuking sa ginagawang pangnanakaw ni Tita Sofia sa kanilang kompanya. In short, De Luca ang sinisisisi niya sa unti-unting pagkakasira ng pangalang matagal nilang iningatan. Kahit ako ay witness sa kung gaano kahalaga ang reputasyon ng Madrigal na sirang-sira na ngayon. That was the first reason I'm being hidden since I was a child! "Shay, I need you to calm down." "Calm down?!" tila hindi makapaniwala niyang ulit. "Pinapasok mo ang lalaking sumira ng buhay ko rito!" "Excuse me?" Nagbabanta na minatahan ko si Jackson

