CHAPTER 15 ARIANNA'S POV "Alam mo, may pinto naman si Sir Jack. Magiging magkalaban kayo sa negosyo kung hahawakan mo ang negosyo ng Madrigal, at kung mamanahin mo ang ari-arian nila, mamanahin mo na rin ang feud ng pamilya ninyo." "Alam ko naman iyon, naisip ko rin naman iyon. Pero ang iniisip ko kasi ay 'yong dalawa kong kapatid." Nandito kami ngayon ni Celestine sa restaurant at mahina ang boses na nagkukwentuhan. Nasa isa kaming sulok, table na pinaka malapit sa kitchen. Sa kinapupupwestuhan namin ay tanaw ang kabuuan ng dining area. Kapag nandito talaga ako ay hindi ako masyadong nagtatrabaho. I'm just checking them. Una ay dahil sa may tiwala naman ako sa mga sous chefs ko na ako mismo ang nag-train at nagturo ng recipe ko. Pangalawa ay dahil hindi pa ako puwedeng mapagod bilang

