CHAPTER 16 ARIANNA'S POV "Okay, then let's have a deal. Pangako kong hindi ako kokontra at susuportahan ko pa si Jackson tungkol sa anak ninyo, in exchange ay hinding-hindi mo na siya babalikan." I scoffed as I processed what he said. Sumandal ako sa sandalan ng inuupuan ko at humalukipkip, I even crossed my legs while looking at him. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya na para bang nabasa niya kaagad ang klase ng tingin na ibinibigay ko sa kaniya. Declining at his offer. "Mahigit isang taon na ang lumipas, Mr. Augustin, hindi pa rin nagbabago ang istilo mo? At hindi ka pa rin aware na hindi ako madaling idaan sa mga ganitong kasunduan... Po?" Peke akong ngumiti nang ihabol ko ang 'po sa sinabi ko. Ayokong patulan ang pagiging matapobre niya, pero ang hirap pigilan. "Arianna

