CHAPTER 17 ARIANNA'S POV "The very iconic deals from that old man, habits niya na ba talaga iyan?" hindi maipintang tono na sinabi ni Colleen habang magkaharap kami sa counter. "Hindi ka talaga tatantanan niyan ngayong may ugnayan na naman kayo ni Jackson," iling naman ni Lucifer sa tabi niya. Pagod na tiningnan ko sila. Nandito ngayon si Lucifer, as always. Dito muna siya dumidiretso bago umuwi sa kaniyang condo. Nagkataon naman na nandito si Colleen. Galing din siya sa trabaho. Dapat ay may idadaan lang siya sa aking papeles tungkol sa Dine Around, hindi pa rin naman kasi nawawala ang koneksyon ko sa kaniyang negosyo. My restaurant is an extension of hers. Kaso dahil sa nangyari kanina sa restaurant ay kinailangan ko ng makakausap, so, I asked her to stay. Kung alam ko lang na darati

