CHAPTER 23 ARIANNA'S POV "Are you okay?" tanong ko kay Lucifer nang sundan ko siya sa may veranda. Mula kanina sa hapagkainan ay nahahalata ko na ang pagkawala niya sa mood, marahil dahil kay Jackson. He's good when he came, nasira lang iyon nang makita niya si Jackson at nalaman niyang pinatulong ko ito sa kuwarto ko. Alam ko namang pinipilit ni Lucifer na itago ang init ng ulo niya para hindi masira ang gabing ito. Ang kaso ay bilang matagal ko nang kilala si Lucifer, kabisado ko na rin siya. Alam ko kapag nakikisama lang siya pero ang totoo ay ayaw niya. Alam ko kapag wala siya sa mood, at ito ang nakikita ko ngayon. Kanina ay nagpaalam siyang may tatawagan lang siya kaya lalabas daw muna siya. Matapos ng ilang minuto ay sinundan ko na siya dahil gusto ko sana siyang makausap. Alam

