CHAPTER 22 ARIANNA'S POV "Ang cute!" bulalas ni Tine habang pinapanood ang video ni Elle na kumakain. Tawa pa siya nang tawa dahil ang pangit ng mukha ni Elle dahil hindi siya nasasarapan. "Sayang wala ako kanina. Puwede rin palang pumangit kahit ang pinaka magandang baby na nakita ko," halakhak pa ni Celestine. "But wait," singit ni Colleen. "Kaninong kamay iyan? Nandito na ba si Lucifer?" Nagkatinginan kami ni Mama. Si Tito Leon naman ay ngumiti lang, hindi naman mukhang nagulat. Its already 5PM kaya nagsidatingan na ang mga bisita namin, si Lucifer na lang ang wala. Si Daphne ay hindi ko alam kung pinapunta nga ni Jackson. Ang sabi ko sa kaniya ay imbitahan niya, pero hindi ko alam kung sinabihan nga niya at kung anong reply sa kaniya. Seryoso ako nang sinabi kong gusto ko siyang

