CHAPTER 37

3947 Words

#ILoveYouBro CHAPTER 37   JACK MONDRAGON’S POINT OF VIEW:     Parehas kaming walang pasok ngayon kaya naman nasa sala kaming dalawa at nag-iisip kung lalabas ba kami para mamasyal o dito na lamang muna kami sa bahay.     “Ano? Lalabas ba tayo o dito na lang?” tanong ko sa kanya habang sinusuklay-suklay ko ang buhok niya. Nakahiga kasi siya sa sofa habang ang ulo niya ay nakaunan sa mga hita ko. Para tuloy siyang bata at ako ang tatay niya na nagpapatulog sa kanya.     Napatingin siya sa akin. Napangiti.      “Dito na lang tayo. Tinatamad akong lumabas,” parang batang sabi niya.     “Okay. Madali naman akong kausap,” napangiti ako. Kinuha ko ang remote ng tv sa katabing mesa saka in-on at tv na nasa tapat namin.     Nanuod ako ng palabas sa tv.     Napatingin ako kay Jones.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD