00001

1949 Words
"Hindi ka magkokoloheyo" Parang gumuho ang mundo ko sa narinig galing sa bibig ni Mama. Nanlamig ako, parang namamawis at nawalan ng lakas! I don't know what to feel and say. Nakaplanado na ang lahat! I strive so hard in my Senior high-school and Junior high-school para makapasok sa magandang university at makatanggap ng scholarship. "M-ma" nanginginig ang boses kong sasabihin. "Huwag ka ng mag inarte dyan Airyn! Wala tayong pera! Magsisimula ng mag-aral ang kapatid mo! Kaya huwag ka ng magkolehiyo! Wala na naman yang kwenta" walang awang sabi ni Mama kaya sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "Ma!...Kailangan kong mag-aral ma! Paano ang mga pangarap ko sa buhay!...Paano...paano ko kayo eh aahon sa hirap kung hihinto ako-" "Bakit? Sa pag-aaral! May kikitain kang pera? Mabubuhay tayo nyan? Tignan mo si Henry! Kahit hindi nakapag tapos! Nakatulong sa mga magulang nya!" "Ma! Iba pa rin kapag nakapagtapos ka ma! Maraming opportunity, malaki ang sweldo-" "Wala tayong pera Airyn! Hindi naman kita papatigilin sa pag-aaral kung mayroon tayong pera pero wala!" Napapikit ako ng mariin at napakuyom and aking mga kamao! Tiniis ko ang pangmamaliit nya sa akin, yong tinawag nya akong kung anu-anong mga pangit na pangalan! Hindi pagbibigay sa akin ng atensyon! Hindi pag bibigay sa akin ng allowance noong senior and junior high school ko! Pangmamahiya nya sa akin kahit ang raming tao! Tiniis ko pero ito? "Ma! Parang-awa mo naman! Kahit ito lang! Hindi lang naman para sa akin to!" Sigaw ko talaga kaya nakatanggap ako ng sampal. "Sarili mo lang talaga ang iniisip mo! Sinabi ko na! Wala tayong pera! Hindi ka makapag-aral! Humanap ka ng trabaho!" Sigaw rin ni Mama sa akin. Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina. This is not right, this is so unfair! Hindi to pwede! Ang mga pangarap ko! Hindi pwede to. Tulala ako sa aking kwarto, iniisip kung anong kahihinatnan ng buhay ko kapag hindi ako makapag koleheyo. Si Ana na hanggang grade 10 lang dahil nabuntis, ngayon nagtatanim na ng palay sa bukid, palaging nangungutang kahit nagkandakuba-kuba na sa pag-t-trabaho wala pa rin, kulang pa rin, nagkakautang pa rin. Si John, hanggang grade 11 lang dahil tumigil sa pag-aaral dahil ayaw nya na, nasa kulungan na ngayon dahil gumamit ng pinagbabawal na gamot. Si Christian na huminto sa pag-aaral dahil hindi na kaya ng financial nila, ngayon kung anu-anong raket ang ginagawa. Construction, taga lako ng balot o di kaya taga hugas sa karenderya, magsasaka pero mahirap pa rin sila! Mama is insane! Hindi pweding ganito lang ako! Mas lalo kaming maghihirap! Hindi pweding hanggang dito lang ako! Napatalon ako nang sunod-sunod na mensahe ang natanggap ko sa GC namin! Ashly shared a link From Ashly: Everyone! Mag register na kayo! Paunahan ito! May scholarship! Free dorm at allowance bastat matalino ka! Ivan: Puta! Saan na lang kami pupuluting mga bobo? Ashly: Mag-asawa ka na lang! Chaska: Try ko lang to! Hindi ako mayaman pero try ko lang baka swertehin ako! Nelia: Ako rin! Baka maawa si Lord! Jessa: Mga bobo! Click the link na! Sayang ang pagkukuda niyo! Halos nabuhayan ako sa nabasa. Walang pag-aalinlangan akong nag click doon. Wala kaming babayaran, free lahat! Bastat eh m-maintain ang grade! Kaya ko yon Mag p-pursege ako! Pero nang nakita kong wala silang Accoutancy parang lahat ng excitement ko nawala, yong mga hinanda kong plano na kapag nakagraduate na ako, mag t-take for CPA then proceed sa pag a-abogado parang nawala lahat! Ang offer lang kasi nila na mga courses ay Bachelor of Science and Business Administration major in FM and OM, Criminology, COMSCI, Social Work and Education. Napakamot ako ng ilong at pinunasan ang luhang tumulo na naman. Tadhana ko bang hindi mag college? Kung kailan may libre tyaka naman wala ang course na gusto ko. I look at the logo of the school! Private school sya at hindi University! Pero kahit ano pa yan basta walang bayad at libre lahat okay na ako, nga lang walang Accountancy. Dahil wala ng choice, pinili ko na lang ang BSBA major in Financial Management! Pera pera rin naman to kaya okay lang! Pero kahit nakapag register na ako, naghanap pa ako ng ibang school na may accountancy but mostly, ang mamahal ng tuition, may free tuition rin pero sayo ang matutuluyan tapos ang layo kaya impossibleng makapasok ako roon! Allowance ko pa! Hindi pweding may hingin ako kay Mama para hindi sya bad trip! Siguro naman wala na syang mararason sa akin na hindi ako makakapag-aral dahil free na lahat! Sunod-sunod ulit ang messages sa group chat namin. Mostly mga reklamo dahil ang papangit daw ng mga ino-offer na mga courses! Ashly: Mga pangit kayo! Buti nga may libre eh! Stella: Okay na ako Don, may education naman Patricia: Gago! ABM ka tapos education? Stella: My life, my role Pinatay ko na lang ang phone ko dahil walang mga kwenta ang mga pinagsasabi nila pero kahit na sa ganon, nakakainggit sila! There parents support them no matter what course they want to pursue, kahit na napilitan lang kumuha ng course na yon dahil yon ang available, supportado pa rin sila while me? Parang ang Ina ko ang pumatay sa lahat ng pangarap ko! Yong pagsusumikap ko nong junior at senior high-school ko napunta sa wala lahat! Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Mama sa akin, wala akong makitang dahilan! Hindi ko masasabing ampon ako dahil para nya akong photocopy, wala rin akong ginawang masama na ma dissppoint sya kaya hindi ko alam! Mahal na mahal nya naman ang kapatid ko, binibigay lahat ng gusto! Ni hindi nga yon nakatanggap ng kurot o galos eh pero ako? Para akong akong katulong at nakikitera lang rito! Parang hindi ko sya Ina. Malakas akong bumuntong hininga at tinulog na lang at kinabukasan nakatanggap ako ng email na qualified akong mag-aral sa koleheyo! All I wanted to do is to go to the school and get my hard copy of my schedule. Umalis ako sa bahay ng walang paalam! Medyo malayo-layo rin yong paaralan na yon kaya maagang-maga akong umalis ng bahay para makauwi ako ng maaga! Siguro, wala ng magagawa si Mama kapag ayos na lahat, nakapag enroll na ako, may dorm na, may allowance rin kada buwan kaya wala na talagang problema! Tyaka ko na lang talaga sasabihin kapag settle na lahat! Pagkarating ko sa school para akong batang naliligaw! Hindi alam kung saan papunta! Buti na lang may mga estudyante na kasabayan ko kaya sumunod na lang ako sa kanila kahit out of place ako. Groupo-groupo kasi ang dumarating o di kaya mga magkaibigan o mag jowa habang ako lang mag-isa kaya medyo nakakapang-liit! I wanted to have a companion too but sadly wala. All my life, parati lang akong mag-isa. Nanay ko galit sa akin, kapatid ko, pinapahirapan ako, mga pinsan ko para akong hangin sa kanila, feel nila ang presence ko pero hindi nila ako pinapansin, ayaw rin sa akin ng mga tyahin ko! Depressing pero nasanay na lang rin ako! Hindi na sya masakit, hindi na rin sya mabigat sa damdamin, wala akong naramdaman, I felt empty kaya minsan natatakot na rin ako sa sarili ko baka kasi hindi na ako marunong makaramdam! But so far, wala ng epekto ang mga ganyan-ganyan sa akin. "Hi, BSBA ka rin?" One of the girl approach me kaya tumango ako. "Ako rin! May requirements ba para makuha yong COR natin?" I shook my head. "Basta naka pag register ka na" malamig ko lang sabi. She nod. "Sige-sige! Salamat!" Masaya nyang sabi at nilagpasan ako. Humalukipkip lang ako at sumandal sa dingding habang hinihintay ko ang aking COR! Sana lang hindi matagalan dahil sure akong hinahanap na ako ni Mama! Wala pang saing sa bahay, wala pang nilutong ulam, hindi rin ako nakapag linis kaya patay talaga ako mamaya. But I don't care! Worth it naman dahil nakapag enroll ako! Bahala ng hindi nya ako pag-aaralin! Pag-aaralin ko ang sarili ko. "Airyn Celeste Rosario" tawag sa akin ng isang student assistant kaya napaayos ako ng tayo at napatingin sa bintana. She handed me my COR kaya agad kong kinuha. I smile when I saw my schedule. 9:00am-10:00am, 10:00am-12:00 then sa hapon, 2:30-4:00, then 4:00-5:30! Monday and Thursday yan, sa Wednesday, isa lang ang subject ko at pang hapon pa, sa Tuesday, 10:00 ang first subject ko, followed by 1:00 and then 4:00. Napaka luwag! Makakapag-aral ako mg mabuti. "Hey! Parehas tayo ng schedule?" Masayang sabi ng babaeng natanong sa akin kanina. Halos umangat tuloy ang kilay ko dahil napaka-feeling close nya pero nalaglag ang panga ko ng kunin nya ang COR ko! "Nice! Classmate tayo sa lahat! Ako nga pala si Belle!" Enthusiastic nyang sabi kaya medyo nailang ako. "Airyn" Simple kong sabi. "Ganda ng name! Pasa mo na yang isang COR sa registrar para officially enroll ka na tapos sabay na tayong mag lunch?" Offer nya. Nag-aalinlangan tuloy ako dahil kailangan ko ng umuwi pero nang hinatak na nya ako, wala na akong magawa. Ano ba naman tong babaeng to! Napaka-feeling close! Hindi naman kami magkakilala kung makahatak sa akin! "Kuya! My kaibigan na ako!" Masayang sabi nya sa lalaking tahimik na nakaupo sa plastic chair. Napangat ang tintingin ng lalaki. He's handsome, cold eyes, matangos ang ilong, makapal ang kilay, makinis! Halatang mayaman! "Is that so?" Mababa ang boses. "Yez! Mag l-lunch kami si Jollibee! Libre mo dahil natalo kita sa deal! Sabi sayo makakakita rin ako ng kaibigan eh so don't worry to me na!" Masaya nya talagang sabi. Grabe ang energy ng babaeng to! Napakakulit! Hindi talaga matatahimik ang buhay ko kapag dikit ng dikit to sa akin. The boy eyes drifted his eyes on me. "I'm Atticus, please look after my sister" aniya kaya napagtaas ng kilay ko. What the! Ginawa pa akong tagabantay! "Ano ba Kuya! Hindi na ako bata! I am a woman now!...Huwag kang makinig kay kuya! Paranoid lang yan!" Aniya. Malamig ko lang silang tinignan. I am not planning to be close to them! Aalis lang naman sila kalaunan! Ayokong masanay! "Whatever! Be careful, tumawag ka lang sa akin kapag uuwi ka na" Ani ng Kuya nya. He look at me at tinangu-an ako kaya tumango na lang din ako. "My gods! Bagay kayo ng Kuya ko! Walang jowa yon girl!" Nakangiti nyang sabi at hinampas ako. "Not interested" tipid kong sabi. She clap her hands. Ang childish naman nito, college na sya dapat hindi na sya ganyan! Kaya siguro pinababantayan ng Kuya nya! Tapos ako pa ang inutusan. "Yan rin ang sinabi ni Kuya! Wow! Destiny kayo!" Masaya nya talagang sabi kaya napabuntong hininga ako. "Uuwi na ako" Ani ko na lang kaya lumaki ang mata nya. "No! No! No! Mag l-lunch pa tayo! Libre na kita dahil sa wakas! Malaya na ako! Walang kuyang nakabuntot! Pero!...."bigla nyang sabi at tinuro pa ako. Ang kulit nya! "Saglit lang to tapos uwi na tayo" aniya. Sumama na lang ako. She keep on talking-talking and talking, tango lang ako ng tango. Hindi ko sya masabayan at hindi naman talaga ako sanay. Before, loner talaga ako, hindi ako nakipagsabayan dahil hindi ko rin naman sila masasabayan at natatakot ako na mainggit sa kanila at hindi makuntento sa kung anong meron ako. "Tayo mag dorm mate ah? Super talino mo siguro kaya naging qualified ka!" "Sakto lang naman" "Sos! Pa humble! Ipagmalaki mo yan oi! Pinaghirapan mo yan! Si Kuya nga palagi nyang pinapamukha sa akin na ang tali-talino nya tapos ang bobo ko! Hah! Ang hangin non...pero! Mabait yon! Bagay talaga kayo. Eh lakad kita!" I sigh. Ang dadal! "Kailangan ko ng umuwi" Ani ko na lang. "Gusto mo hatid ka na namin ni Kuya?" I immediately shook my head.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD