"Uwian ba ng babae ngayon Airyn?...At wala ka ring respeto ano! Hindi ba pumasok sa kokote mo na magpaalam? Hah? Ano to? Nagrerebelde ka na ba?"
Nakatungo lang ako habang nakikinig sa talak ni Mama. Gabi na ako nakauwi dahil ang tagal ng bus, traffic pa kaya nakatanggap ako ng hampas ni Mama at mga talak.
It's worth it though! At least officially enroll na ako. Ang kailangan ko na lang gawin ay maghanap ng part time para may pamasahe ako at may kunting pera kapag klase na.
"Sinasabi ko sayo Airyn! Papalayasin talaga kita! Total wala ka namang silbe rito, palamunin ka pa! Hindi marunong tumulong!....magluto, maglinis at maglaba hindi mo pa magawa! Inuna mo pa ang maglakwatsa!"
Ngumiwi lang ako at mariin tinignan ang sahig. Hindi na tatalab sa akin yan! Masaya ako na nakapag enroll na ako. Though wala yong pangarap kong course at least makakapag-aral ako!
Talak ng talak si Mama hanggang matulog ako, binaliwala ko na lang mas importanteng mag-isip kung saan ako mag t-trabaho, sa pangalawang week na ang start ng klase kaya kailangan kong mag ipon.
"Saan ka na naman pupunta? Ang daming labahin dyan! Mag laba ka!" Sigaw kaagad ni Mama.
"Maghahanap ng trabaho" matamlay kong sabi. Mama look at me.
"Mabuti at pumasok yan sa isip mo! Rebelde-rebelde pa! Maging practical ka na ngayon para naman may ambag ka rito sa bahay"
Napakuyom ang kamao ko dahil sa narinig. I need a support! No matter how painful of what she did to me, I still need support!
"Para makapag-aral ako" dagdag ko. Malakas na hinampas ni Mama ang lamesa.
"Akala ko ba matalino ka? Hah? Mahirap bang intindihin na wala tayong pera? Hindi tayo mayaman?...Airyn! Walang yumayaman sa pag-aaral!"
"Pero maraming taong nakinabang. Ma! Mas maganda pa ri kapag nakapag-aral ka! Mabilis lang ang pera hindi ka pa mahihirapan sa trabaho-"
"Sarili mo lang ba ang iniisip mo? Wala na nga tayong halos makain, ni pambayad ng kuryente wala tayo tapos mag-aaral ka pa?"
Bumuntong hininga ako.
"Iwan ko ma" pagod kong sabi at umalis ng bahay.
Nakakapagod makipag-away sa kanya! Gusto ko lang naman mag-aral! Bahala sya. Kung ayaw nya talaga, ako magpapa-aral sa sarili ko kahit itakwil nya ako sa pamilya, wala akong pakialam makakapag-aral lang ako.
I will prove to her na yayaman ako dahil nakatapos ako pero sa ngayon tiis-tiss muna.
"Magpasa ka lang ng bio data" ani ng isang enterprises. I nod at agad bumili ng bio data at nag fill up ng form.
Agad ko itong pinasa at nag hanap ulit ng ibang enterprises para in case hindi matanggap doon may reserba.
"Tatawagan ka na lang namin, siguraduhin mo lang naka on lageh ang phone mo" Ani ng isang manager.
I sigh heavily. Dapat makapag trabaho na agad ako bukas! Malapit ng pasukan!
"Ma'am, pwede bang magtanong tungkol dito sa wanted tindera?"
Napatingin naman sa akin ang isang tindera!
"Oo naman, halika ka rito, sasabihin ko kay ma'am"
Nasa isang palengke ako ngayon particularly sa isang sari-sari store! Kahit dito man lang makapasok ako! Kunti na lang ang panahon eh.
Bibili pa ako ng gamit sa school! Mga dadalhin ko doon sa dorm! Wala akong aasahan sa Mama ko kaya kailangan kong gumawa ng paraan!
Tinignan ng kanilang amo ang bio-data ko. Tahimik naman akong nakatayo sa harap. Naghihintay na magsalita sya.
Sana makuha ako rito! Kailangan na kailangan ko ng pera ngayon!
"Rosario, tama?" I instantly nod.
"Since kailangan na kailangan namin ng tindera ngayon pwede ka ng mag simula bukas. 7:30 ang in at 6:30 ang out rito. Starting mong sahod ay 200 kada araw"
Wala akong pag-aalinlangan na tumango at ngumiti ng matamis.
"Salamat po ma'am!" Maluha-luha kong sabi. She nod kaya malaki ang ngiti ko pag balik sa bahay.
May trabaho na ako! s**t yan! May pang allowance na talaga ako!
"Aba! Ang laki ng ngiti mo ah? Maglaba ka na doon! Last mo na to Airyn kapag lumayas ka na naman, papalayasin na kita ng tuluyan!" Sigaw kaagad ni Mama pagkapasok ko ng buhay.
I rolled my eyes at ginawa ang sinabi nya. Nakakapagod na rito sa bahay! Palagi na lang kaming nag-aaway ni Mama!
Nakakapagod na talaga rito sa totoo lang kaya I'm glad na may dorm ang papasokan kong school para nakalayo-layo naman rito at magkaroon ng katahimikan at kalayaan.
I look Mama na umalis ng bahay! Makikipagchismisan na naman yon sa kapitbahay!
Iwan ko rin sa kanya. Palaging nam-mroblema sa pera pero napaka tamad mag trabaho! Isa syang tindera sa palengke, particularly sa isdaan.
Iwan ko rin sa mayari doon bakit hindi yan senesante! Mas madami pang absent nyan kaysa sa pagpasok nya sa trabaho!
Pagkatapos kong maglaba ng tatlong basket lang naman, naglinis na naman ako ng bahay, nag walis sa bakuran tapos nagpahinga!
Criza:
Tanginga guys! Hindi ako qualified sa sinabi nyong paaralan! Gaga ka! Hindi mo sinabi na dapat Mala Einstine ang utak mo!
Ashly:
Bobo ka ba? Sinabi ko naman na ang dapat lang mag enroll doon ay matatalino! Boplaks mo! Alam mong bobo ka, nag apply pa pa rin!
John:
Ako rin! Sabi ng pinsan ko nag email na raw ang school sa mga nakapasok! Ilang refresh na ang ginawa ko wala pa rin! Doon na tayo sa kabila. No choice na!
Patricia:
Same here! Nakakasad! Walang maganda sa school nila. Their lost not mine.
So that's the reason why wala akong nakitang kaklase ko roon nong kumuha ako ng COR! Hindi pala sila qualified!
Nakatulugan ko ang pagbabasa sa GC namin! Ang swerte ko dahil mukhang ako lang ang nakapasok! Ang ibang matatalino kasi sa amin, hindi kaagad nakapag submit ng registration form kaya hindi rin pinalad.
"Balita ko may trabaho ka na ah?" Tanong ni Mama kinabukasan ng bumaba ako para kumain at pupunta na sa trabaho.
Hindi ko sya kinibo kaya tumama sa ulo ko yong remot sa likod ko. Inis kong tinignan si Mama.
"Anong problema mo ma? Nakikinig naman ako!" Reklamo ko.
"Abat wala ka ring respeto ano? Ang kapal-kapal ng mukha mong ganyanin ako! Wala kang silbe kahit na kailan!"
"Mag t-trabaho na ako" pagsusuko ko na lang kasya papatulan ko pa yang maliit nyang utak, sasabog ang utak ko sa pag-iisip kung papaano nya naisip ang mga ganyan! Ibang klase talaga!
"Mabuti pa baka kung ano pa ang magawa ko sayo!"
I rolled my eyes pagkalabas ko sa bahay! Ang bigat-bigat ng loob ko kapag nandyan ako! Nakakainis! Puro na lang talak rito! Talak doon! Hindi na sya nagsawa!
Pero kapag nandito ako sa labas ang gaan ng pakiramdam pero nakakainggit pa rin! Dahil nakikita mo na masaya ang mga tao, parang walang problema! Masaya at maraming kasama.
Ni isang kaibigan ko wala ako eh! Dahil natatakot ako na baka makita kami ni Mama at madamay pa ang kaibigan ko at ang deep reasons talaga ay natatakot rin akong iwan.
They say no man is an island! Tama naman kahit papaano pero nakaya ko naman na ako lang mag-isa. Tibayan mo lang talaga ang loob ko dahil kung hindi mababaliw at depress talaga ang ending mo!
"Kay aga-aga mo naman iha, ilang taon ka na ba?" Tanong ng kasamahan kong tindera. Hindi pa kasi open, mamaya pa raw. Hintayin lang namin ang may-ari.
"19 po...ano...ughm..."
"Huwag ka ng mahiya! 29 na ako, hindi naman strict ang amo natin rito!" Nakangiti nyang sabi.
I nod. Nahihirapan akong makipag-usap sa kanya! Hindi kasi ako marunong makipag interact talaga kaya nakakailang ngayon but I need to talk to her! I need to interact dahil tindera ako at nag t-trabaho.
"Ah talaga po?" Naiilang kong sabi.
"Oo! May libre tayong snack, 25 pesos! At tyaka, sikapin mong umabot rito ng December! Malaki ang bunos nina maam!" Kwento ni Ate sa akin.
Plastic akong ngumiti.
"Hindi po ako matatagal, mag-aaral po kasi ako" nahihiya kong sabi.
"Oh? Mabuti yan at naisipang mong
Mag trabaho para makatulong ka sa pamilya mo! Makaka-less sila sa school supply at allowances. Anong grade ka na ba?" Nakangiti nyang sabi.
Napangiti naman ako sa sinabi nya at parang may humaplos sa puso ko sa kanyang sinabi.
"Mag f-first year college po" nagningning ang mata nya kaya gumaan ang loob ko sa kanya.
Never akong nakakita ng taong humahanga sa akin at sa mga narating ko. Mostly kasi kapag may na achieve ako parang wala lang sa kanila! Walang reaction, walang paghanga! I just did my best in my education dahil gusto kong makapag-aral sa magandang paaralan kapag college na ako.
"Oh? Mabuti yan at makapag-ipon ka ng allowance mo"
Maganda ang mood ko habang nag t-trabaho dahil ang gaan-gaan ng loob ko sa ka trabaho ko. They are so considerate, tinuturuan nila ako, they even guide me kung paano mag file ng mga item, kung anong presyo at kung anu-ano pa.
They are so fun to be with! Na f-feel ko talagang belong ako, masaya sila sa presensya ko!
"May isang tinder rin tayong kasama rito kaedad mo rin yon, absent lang ngayon, tiyak makakasundo mo yon" Ani ni Ate. I smile.
"Talaga po?" She nod.
"Oo! Kwela din ang batang yon! Mas matagal yon sa akin dito"
"Oh? Hindi na po sya nag-aaral?" I asked.
Malaya kaming mag k-kwentuhan dahil lunch break namin, hindi talaga kami pinapatrabaho kapag tanghali-an na. Ganyan kabait ang amo namin.
"Naku! May ka live in na ang batang yon! Wala ng balak yon, mas may plano pa yong mag-kaanak!" Natatawa nyang sabi kaya ngumiti ako.
"Talaga po?" Mangha kong sabi.
Magkasing-edad kami pero live in na sya habang ako, ni isang boyfriend wala! Maski fling nga wala!
"Oo! Ikaw may boyfriend ka na ba?" Nanunuksont tanong ni ate kaya agad akong umiling.
"Naku! Wala pa yan sa isip ko Ate, magtatapos muna ako ng pag-aaral!" Tanggi ko talaga kaya tumawa si Ate.
"Yan! Yan ang una mong unahin pero may anak si ma'am Gwapo pero sa December pa yon uuwi rito, nasa ibang bansa kasi" bulong nya pa kaya agad akong umiling.
Pagkatapos naming mag lunch balik kami ng trabaho. Mag-iintertain ng customer, mag r-repack ng oil o asukal tapos maglilinis ng mga item. Nakakapagod pero masaya!
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ko alam na ganito pala kasaya na open sayo ang mga tao, hindi ka parang hangin lang, masaya sila sayo, nag s-share, hindi ka talaga makaka-feel na outcast ka o nanglilimus ng atensyon at pagmamahal.
"Anong nabalitaan ko Airyn? Sa palengke ka raw nagtatrabaho!?" Sigaw kaagad ni Mama pagkauwi ko.
I sigh heavily.
"Pagod ako ma" tamad kong sabi at tutungo na sana sa kwarto ng hablutin nya ang kamay ko.
"Hindi ka ba nahihiya? Sa palengke ka nag-t-trabaho! Nasaan ang utak mo!?" Mariin nya talagang sabi. Tamad ko syang tinignan.
"Ano bang gusto mong trabaho ko Ma? Sa opisina?...Ma! Hindi ako tatanggapin doon! Ano lang ang natapos ko! Kaya huwag kang mag isip na ang ganda ganda ng trabaho ko" Mahinahon kong sabi.
"Oh? Hindi mo alam? Hindi mo alam na pinagchismissan na tayo dahil doon ka sa palengke nag t-trabaho? Hah!?"
"Ano naman? Marangal naman yang trabaho!...Ma, alam kong nakapag college ka! Mag-isip ka rin. Pagod ako ngayon" pagod ko talagang sabi at nilayasan sya. Nagsusumigaw sya sa galit kaya napabuntong hininga ako.
Ang gulo nyang tao! Gusto nya palang maganda ang trabaho ko, edi sana pag-aralin nya ako! Bobo rin.
My phone vibrate. Napakunod ang no-o ko sa nakita.
Belle Jessica Dela Vega sent you a friend request
Atticus Joshua Dela Vega sent you a friend request
I click Belle Jessica Dela Vega's profile. Napapikit ako ng mariin ng maala ang magkuyang gumulo sa akin nong pumunta ako sa paaralan.
"Ano na naman ang trip ng dalawang to" I mumbled at pinatay ang phone ko.
Bahala sila sa buhay nila.