Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Napadaing ako saka tumingin sa paligid, ang sakit sa mata ng liwanag... Mukhang nasa ospital na naman ako. “Buti naman gising ka na.” Narinig ko ang boses ni Gina. Napatingin ako sa kanila. Nandito sina Gina. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala para sa 'kin. Napabuntonghininga na lang ako dahil pinag-alala ko na naman sila. Muli akong napadaing at napahawak sa sentido ko. Sinubukan kong bumangon. Agad naman akong pinigilan ni Gina. May kinuha siyang maliit na remote sa tabi n'ya saka may pinindot doon. Natigilan ako nang kusang umangat ang itaas na parte ng kamang hinihigaan ko. Tipid na napangiti na lang ako saka nagpasalamat kay Gina. “Ano ka ba naman, Nathalie? Bakit ka naman kasi nagpapalipas ng gutom? Na-ospital ka naman tuloy,” tila nag-aalal

