Chapter Thirty

2785 Words

Nanatili akong nakatitig sa reaksyon ni Ashteroh. Pero pakiramdam ko gusto ko rin mag-iwas ng tingin nang makita ang nangingislap n'yang mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha. Agad akong napaiwas ng tingin at sinenyasan si Killian na isara ang pinto. Sinunod naman n'ya ang inutos ko. Nanginginig ang mga kamay na bumalik ako sa banyo para magbihis. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang nakatitig sa malaking salamin. Gumawa na naman ako ng desisyon na alam kong pagsisisihan ko. “Naths, are you alright?” Narinig kong tanong ni Ashteroh habang kumakatok. Huminga na lang ako nang malalim at agad na lumabas pagkatapos kong magbihis. Naabutan ko si Killian na nakasandal sa gilid ng pintuan. Kagaya ko, nakasuot na rin siya ng damit. “Ano sa tingin mo, Naths? Mukhang nasaktan mo na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD