9th Blood
Need
“The entire sum of existence is the magic of
being needed by just one person.”
“HEY, Courtney. Okay ka lang?”
Tumingin siya sa salamin and Victoria was there behind her looking worried. Ni hindi man lang niya ito namalayan.
“Kanina ka pa?”
“Kakapasok ko lang. May… problema ka ba?”
Umiling siya bago kumilos para kunin ang tissue sa purse niya. “Wala, okay lang ako. A little disturbed but fine.”
Ipinahid niya ang lipstick sa kanyang labi. She fixed her hair, her face na nabasa ng tubig, and everything that is needed fixing.
“Does it have something to do with Kill?” muli na namang tanong ng dalaga.
Sinadya niyang tumigil at tignan ito sa salamin. “Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Victoria. Bakit ang bait mo sa akin? Sa amin? Hindi ba dapat pinipigilan mo ito? I mean ikaw ang nagmamahal sa kanya at—”
“…at ikaw ang mahal niya, Courtney.”
“That’s bullshit.”
“Yes, I find it bullshit too but hey, he wouldn’t last that long if that isn’t true. Hindi niya sinasabi pero alam ko, alam ng mga taong nakapaligid sa kanya, alam ng mga taong nakakakita sa ikinikilos niya. Sa pagtingin sa mga mata niya kapag tumitingin sa ‘yo, sa ngiting bihirang sumilay sa labi niya pero laging naroon kapag nakakausap ka niya. Sa kahit na ano’ng sandali lang, kahit nga magkasalubong kayo, maayos na siya ro’n eh. Okay na siya. Kailangan niya lang ng isang sandali na kasama ka, kuntento na siya.”
“Why?”
And that is the big question. Wala siyang ibinibigay na motibo para makaramdam si Kill ng ganoon sa kanya. Ni hindi niya nga halos maalala ang mga sandaling nagka-engkwentro silang dalawa eh. Hindi maunawaan ni Raven ang dedikasyon ni Kill na ibalik ang kanyang mga emosyon. Hindi niya maunawaan ang binata.
“Wala namang pinipiling rason ang pag-ibig kapag nagmamahal ka, Courtney. Mahal mo siya, iyon na ‘yon. Hindi mo na kailangan ng iba pang dahilan. Hindi mo kailangan ng kahit na ano’ng bagay, dahil siya lang ang kailangan mo. You need him like water, like air to breathe, like shelter but without no reason at all. You need him because you love him. Gano’n siya sa ‘yo, Courtney. Kailangan ka niyang makita dahil mababaliw siya kapag hindi.”
Umiling-iling siya. “It’s been eight years since the last time we saw each other and I know… I just know na sa loob ng walong taon na iyon ay hindi ko naramdaman ang presensya niya kahit kailan. If he really…”
Yumuko si Victoria at napahinto si Raven. Pain and guilt registered in the woman’s eyes as she sigh. “It’s my fault, something happened. But believe me, Courtney, he didn’t stop looking for ways to see you, to communicate with you. It’s just that… he has no ways because you didn’t gave him one.”
Okay, she concede. Ipagpalagay na ngang ganoon. Pero…“Hindi ko maintindihan. Bakit ako? Bakit niya naramdaman ‘yon? Paano? Ano bang ginawa ko?”
“Courtney… siya lang ang pwedeng sumagot n’yan.”
“Then sabihin mo kung bakit hindi ka tumututol. Sabihin mo kung bakit… kung bakit ka nagpapakatangang—”
“Mahabang kwento. Isang kwento na siguro mas makakabuti kung sa kanya manggagaling. Pero isa lang ang hinihingi ko. Bigyan mo siya ng pagkakataon. He needs that. Open up. He deserves the chance. There’s more to Kill than what you see.
“Totoo ‘yong sinabi ko kaninang umaga sa kalye. Hindi niya alam kung paano ka lalapitan o kakausapin. He wanted to impress you, catch your attention, but he doesn’t know how to start. So it always ends up like he’s being such an asshole to you but he is not. And earlier… I think nahihiya siyang ipakita sa ‘yo ang pagiging bampira niya dahil baka akala niya ayaw mo sa mga kagaya niya. And that’s something because he adores being a vampire so much as he adores his father.”
Tumango si Raven, nalinawan ng bahagya kung bakit biglang nagbago ang mood ni Kill. Gusto niyang itanong kay Victoria kung ano’ng pwede niyang gawin. Wala naman siyang alam eh. But she decided against it. She can’t keep depending on Victoria about things like that. Maybe she’d have to figure it out herself.
Nadatnan nina Raven at Victoria na naglalagay ng pera si Kill sa tab nang bumalik sila sa mesa. Nakatayo na si Chiri at hinihintay lamang silang sapitin ang kinaroroonan ng mga ito.
“Hayan na pala sila,” naulinagan niyang sabi ni Chiri kay Kill. “Hey, girls!”
Lumingon si Kill. Victoria smiled at the both of them while Raven stood there at hinihintay ang dalagang kasama niya na kunin at ayusin ang dala nitong purse at shopping bags. Naunang lumabas sina Chiri at Victoria na sinundan nila ni Kill. Dala pa rin ng binata ang paperbag at hanggang ngayon ay nacu-curious pa rin siya kung sa laman niyon.
Humantong sila sa isang ice skating rink. Ramdam niya agad ang lamig ng paligid kahit sa gilid lang sila nakatayo. Walang sabi-sabing pumasok sina Victoria at Chiri sa loob at nagbayad. Napamaang si Raven. Hindi naman siguro sila seryoso?
“Wanna try?” biglang tanong ni Kill.
“It’s cold. I guess no.”
Sa pagtataka niya, hinawakan ng binata ang kanyang kamay. May kinang ang mga mata nito nang pakatitigan siya. “Here, what do you feel? What does my hand feels to you?”
“Uhm… cold?” but why does it feels warm to me in some way?
“Exactly. But you get accustomed to it. You’ll do the same inside that rink. Go have fun, angel. We came here for that.”
“But… I don’t know how to skate.”
Ngumiti si Kill na sa huli’y naging mahihinang tawa rin. For a moment there, Raven admits she adored his smile. He looks different when he smiles. He actually looks like someone who can make you laugh every moment of your entire life with him.
“Let’s go.” He tugged her hand at iginiya siya sa isang booth doon kung saan nakalagay ang mga skating shoes.
Pinaupo siya ni Kill sa isang bench pagkatapos ay hinubad nito ang kanyang boots. Pinalitan nito iyon ng skating shoes. Nang matapos siya’y saka lamang nito inasikaso ang sarili. At dahil hindi naman siya sanay na magsuot ng sapatos na iyon ay inalalayan siyang tumayo ng binata. Nag-panic siya bigla. “Kill!”
“I got you. Don’t worry.”
Hinila siya ng binata papunta sa gitna ng rink. Napatili siya ng impit nang bigla siyang iikot nito para tumalikod ngunit natigilan nang ma-realize niya na niyakap lamang siya ni Kill mula sa likuran, his hands were both around her waist and holding on to her own hands while he skates with her.
“Fun?”
“I… don’t know,” may pag-aalangang sagot niya dahil iyon naman talaga ang totoo. Hindi niya alam.
“What do you feel now, angel?”
“Kill, I don’t know.”
Bumuntong hininga si Kill at nadama ni Raven ang mainit na hininga ng binata sa kanyang balikat. Humigpit ang yakap nito sa kanya. His chin rested above the left of her shoulder. “I need you to be happy. I need you to feel happy.”
“How?”
“Honestly, I don’t have any freakin’ idea how. I just know I need to make you happy. So I’m gonna do that, angel,” then he suddenly twirled them round and round.
Tumili siya. He laughed as Raven make noises while gliding. Natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na tumatawa kasabay ang binata.
Natigil lamang si Raven sa pagtawa nang maalala ang matagal na niyang gustong itanong kay Kill. There’s no time for that question like the present. Isa pa’y sa atmosphere at mood na mayroon sila ngayon, pakiramdam ni Raven ay maaari niyang sabihin kay Kill ang lahat ng kanyang naisin.
“Question. Why do you call me angel?”
Kumunot ang noo ni Kill as if telling her that’s a stupid question ngunit hindi naman naaalis ang ngiti nito sa labi. “Because you look like an angel. And you’re my angel.”
“Why am I your angel?”
“Simple. You save my soul.”
At sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan, may parte sa kanyang pagkatao ang tumibok. Hindi niya namalayang napahigpit ang kapit niya sa kamay ni Kill. But damn did it felt right.
PINAUWI ni Kill sina Chiri at Victoria gamit ang cab. Silang dalawa ang gumamit ng kotse ni Kill dahil inihatid siya nito pauwi. The Weinlord mansion is quiet as per usual nang dumating sila. Raven invited Kill inside. Servants and workers greeted them.
Noon niya naalala ang sinabi ni Kill noong umaga. Napaisip siya ng malalim. She could now see what he meant. At sa palagay niya’y may punto ito. Hindi niya na maalala ang pakiramdam ng malungkot ngunit kung siya man ang kapamilya ni Maria na hindi na nito binalikan, marahil ay iyon din ang mararamdaman niya.
But if I do free them… will they come back to me?
Lumabas si Maria sa kanyang silid nang sabihan niya itong magpahinga na. Naupo siya sa kama at binalingan si Kill. Bahagya siyang napamaang nang makitang nakatitig na ito sa kanya na para bang kanina pa siya tinititigan nito.
“I… I don’t know if I could do it. Free them, I mean…” May kalakip na hiya ang kanyang tinig nang umamin siya.
Hindi niya naunawaan ang ekspresyon ni Kill nang sabihin niya iyon. His eyes softened. Hindi iyon mukhang awa at lalong hindi rin pagmamalaki. She half expected him to smirk that annoying smirk and tell her ‘I told you so’ but he didn’t. It was more like… admiration. Along with that emotion she still couldn’t figure out.
“Just how many servants do you have?” tanong nito. At maski ang tinig ng binata’y nag-iba rin.
“Seventeen, including our butler.”
“Your butler isn’t deprived of memory, is he?”
“No. Kill… Kill, pwede bang ’wag na lang si Maria? Pwede bang… pwede bang—”
“Hindi. Look, angel,” sa kanyang sorpresa’y inilapat nito ang magkabilang palad sa kanyang mukha. Nahigit niya ang hininga ngunit tila hindi alintana ng binata ang kanyang reaksyon. “Gaya ng sinabi ko kanina, hindi mo sila kailangang tanggalan ng alaala para maituon nila ang buong atensyon at oras nila sa ‘yo. May mga taong kailangan ang memorya para mabuhay ng normal. Hindi sila kagaya natin. Hindi sila kagaya mo. Kailangan nila ng memorya para magpatuloy sa buhay. Kailangan nila ‘yon.”
Hindi lubos maisip ni Raven kung ano’ng pumasok sa kanyang utak at tinawagan niya si Butler Scott para tipunin ang mga kawaksi sa dulo ng hagdanan. Natagpuan niya na lang ang sarili na nakatayo sa dulo kasama si Kill.
“You can look at me,” simpleng utos niya na sinunod ng mga ito. Napapikit siya. She’s not yet ready to lose Maria but she has to. She have to because they need something that she doesn’t want them to need. “Now… you may remember everything I ordered you to forget. You all came here to serve the Weinlords and you’ve been away from family and friends for a long time.”
Parang wala lang na yumuko ang mga itong muli. Nag-utos si Butler Scott na maglinis ng kung anu-ano’ng kwarto. Balik lang ulit sa dati. Pwera sa ilan. “Uhm… Milady? Maaari po ba akong humingi ng liban para mabisita ko lamang po ang pamilya ko? Matagal na rin po kasi.”
Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Lumapit si Maria sa kanya mayamaya. Nakaramdam siya ng kaba at inihanda na ang sarili na marinig mula rito ang parehong request na iyon. But to the contrary…
“Milady, sa tingin ko po kailangan n’yo nang magpahinga. Namumutla kayo. Napagod yata kayo sa pinuntahan ninyo.”
Nakahinga siya ng maluwag doon. She’s not losing Maria. Kill is right after all. All she needs to do is ask and she will be answered…
“O-okay lang ako, Maria. Ikaw na lang ang magpahinga.”
“Pero—”
“Okay lang,” agaw ni Kill sa iba pang sasabihin ni Maria. “I’ll tuck her to bed, you can go and rest.”
“Pero, Sire… hindi po nakakatulog si Lady Raven kasama ang ibang… tao.”
“Hindi ako ibang tao. Masanay ka na.” Nakakaunawang ngumiti si Kill bago siya hatakin nito pabalik sa kwarto. “I’ll be sleeping here for the rest of the night. Prepare some spare uniform for tomorrow.”
Napabuntong hininga si Raven nang sumarado ang pintuan at umalis si Maria. She wants to understand what people needs.
Darating rin kaya ang panahon na kakailanganin niya rin ang mga bagay na kailangan nila?