Human

1575 Words
8th Blood Human “Nobody realizes that some people expend tremendous energy merely to be normal.” “AW,  ang cute!”             “Ang cute rin nito oh!”             Nakangiwing pinanonood ni Raven sina Victoria at Chiri na damputin ang samu’t-saring mga stuff toy at cushions sa napasukan nilang shop na panay mga ganoon ang naka-display at itinitinda. May mga plushies sa kabilang shelf na inikutan niya nang magsawa siyang manood sa dalawa.             May nakita siyang plushy na nakatawag sa kanyang atensyon. Natawa si Raven ng bahagya nang may ma-realize. Kamukha ng plushy na iyon si Kill kung may pangil ito. It was a vampire panda na kulay kahel ang mga matang kumikinang. Parang si Kill kapag nag-aanyong bampira, nagiging kulay pula ang mga mata nitong nakakasindak.             Pero hindi siya nasisindak sa mga mata ni Kill. Looking back, she thought it was beautiful. Kakatwa nga sa totoo lang.             “Why are you laughing?”             Napalingon siya kay Kill na nanggaling sa dinaanan niya, na-boring din ito marahil na panoorin sina Victoria at Chiri.             Ngumisi siya at itinuro ang plushy sa kanyang harapan. “It looks so much like you.”             Kunot ang noo nito nang sundan ang kanyang daliri. And then he rolles his eyes at her. “I don’t look like a panda, Courtney.”             Tumatawang kinuha niya ang plushy at saka nang-aasar na itinabi iyon sa mukha ng binata. “See? Magkahawig kayo, Kill! This stuff toy really reminds me of you. Ang ipinagkaiba n’yo lang naman eh cute tignan ang isang ito.”             “Hindi kami magkamukha,” giit pa rin ni Kill habang ibinabalik niya ang plushy sa shelf. “Magpatingin ka na sa doktor dahil mukhang may problema ‘yang mata mo.”             Natawa siyang lalo dahil parang inis na inis na ito sa kanya. “That’s very mature, Kill. But I’m still sayin’ na kamukha mo ang panda na ‘yan.”             Iniwanan niya si Kill doon dahil baka lalong mayamot ito sa kanya sa pambubuska niya rito. Now that she started being amused at his boggling temper, she couldn’t help but stoke it.             Nadatnan niya sa entrance ng shop sina Victoria at Chiri. Puno ng shopping bags ang magkabilang kamay ng mga ito. Talaga nga yatang binili ng mga ito ang lahat ng stuffy toy na pinagdadadampot kanina.             “Courtney!” may excitement sa kilos na hinatak siya palapit ni Victoria. “May regalo kami sa ‘yo!”             Bago pa niya maitanong kung ano iyon, naglahad na si Chiri ng palad sa kanya. “Cell phone.”             “Huh?”             “Iyong cell phone mo, pahiram, Coeey.”             Hindi man alam ang nangyayari’y kinuha pa rin ni Raven ang cell phone sa purse niya at iniabot kay Chiri. May ikinabit ang mga itong maliit na female bear stuff toy na nakasuot ng black mini skirt. Pagkatapos ay ipinakita sa kanya ng mga ito ang mga cell phone nilang may identical ding palawit doon. Kay Chiri ay kulay pink ang palda ng female bear stuff toy, kay Victoria ay kulay pula naman.             “Ang cute, noh, Coeey?” tuwang-tuwang iniabot ni Chiri sa kanya ang kanyang telepono.             “H’wag mong tatanggalin ‘yan, Courtney. Sign ng friendship natin ‘yan.”             Napilitan siyang tumango. Sa isip-isip niya’y napapangiwi siya sa kakornihan ng tagpong iyon. But deep down, something is warming up. And she was so conflicted with the foreign sensation, she decided to shove it down.             Sa puntong iyon lumabas si Kill. May dala itong paperbag. Napamaang pa siya nang ma-realize na may binili ito mula roon. Hindi kasi niya nakikita si Kill na bibili ng mga stuff toy. Feeling niya’y nako-kornihan doon ang binata.             Chiri’s eyes glinted in amusement saka lumapit sa pinsan. “Patingin! Ano’ng binili mo?”             Inilagay ni Kill ang kamay nito sa mukha ni Chiri bago pa man makalapit ito at itinulak-tulak iyon palayo. Nasapo ni Raven ang noo. May pagkasadista rin pala ang bampirang iyon.             “Ano ba, Kill! Titignan ko lang, eh! Ano ba ‘yang binili mo? Nacu-curious ako!”             “H’wag kang makulit!”             “Kill, naman eh!”             Bandang huli’y tumigil din si Chiri nang mapagod. Sumunod silang nagtungo sa Guillermo’s nang makaramdam ng gutom si Raven. Fine dining ang restaurant at strictly for reservations lang ngunit nang ipatawag ni Kill ang manager ay agad silang nabigyan ng mesa. That was perhaps the first time na humanga siya sa kakayanan ng apelyido ng binata.             Maganda ang napwestuhan nilang mesa. Doon iyon sa may sulok ng restaurant. May malaking chandelier at may magandang fountain sa kaliwa nila. She also recognized the soft melody playing in the background. Bach.             Katabi niya sa upuan si Kill at si Victoria at Chiri naman ang nasa kanilang harapan. Binigyan sila ng menu ng waiter. She scanned the whole thing habang pinakikinggan ang order ng mga kasama. Pero nang umorder si Kill ng kape ay agad siyang napalingon dito.             “Hapon na, kape pa rin?”             “What do you want me to do? I’m never hungry.”             Pinakatitigan niya si Kill. Never hungry? Vampires don’t eat? Oh. Hindi niya alam iyon. Pero sa isip-isip niya, at least Kill is trying his hardest to be human.             “Ano… hindi ko alam kung ano’ng o-orderin.” Nakaramdam siya ng bahagyang hiya nang sabihin iyon. But Kill only smiled at her at kinuha ang menu mula sa kanya.             Bumaling ito sa waiter. “Give me filet mignon, medium rare. Also, this raspberry cream cake then iced tea.”             “Okay, Sire, just a minute,” tugon ng waiter bago muling umalis.             Maarahil masyado niyang hinusgahan si Kill. He’s not just a simple vampire. The moment he turned back to her and smiled, Raven knew he’s human. Unlike her, Kill can normally feel. He’s human, hindi totoong wala itong puso because he’s human. He can feel. It beats, just like any other normal human.             Mayamaya lamang ay bumalik na muli ang waiter. Isa-isa nitong nilapag ang mga orders nila sa mesa. Pasasalamatan din sana niya ang serbedor nang makuha ng atensyon niya ang lalaking naka-wheelchair sa may bandang dulo ng restaurant. Kasama nito ang pamilya. He looks terribly sick. Napakunot si Raven ng noo. Usually, nakikita niya kung ano’ng kulay ang usok na umiikot sa isang taong may sakit o malapit nang mamatay. But Raven doesn’t see anything. Imposibleng nagkakamali siya dahil may senyales ng stroke sa lalaki.             What’s happening? Shouldn’t I be feeling it? Shouldn’t I be… absorbing anything? What the hell is happening?             “Angel?”             That snapped her out of her thoughts at agad siyang napatingin sa binata. “H-huh?”             Kumunot ang noo ni Kill. Reluctantly, sinundan nito ang kanyang tingin. He spotted the man in the wheelchair hanging out with his family. Naghihinala ang mga mata nito nang muli siya nitong balingan. “What’s wrong?”             “Nothing.”             “Angel…”             Nag-iwas siya ng tingin at kumain na lang. Napansin niyang nahiwa na ang steak na nasa harapan niya. Ramdam niya rin ang curious na tingin ni Victoria sa kanya at ang halong inggit sa kabila ng pagtataka na iyon. Maybe Kill did this, he sliced the steak while she wasn’t looking. Bumuntong hininga siya.             I can’t understand him…             “Why do vampires never get hungry?” Raven asked out of the blue, para lang masira ang katahimikang namuo.             “We’re undead,” payak na tugon ng binata na parang iniisip nitong isang normal lamang na kaganapan ang marinig na sinasabi ng isang taong they are ‘undead’. “We can’t feel the hunger anymore, Courtney, not unless it’s… blood,” pabulong na habol nito sa huling kataga at nahimigan niya ang kalakip na hiya sa tinig nito.             Hinayaan niya na ang katahimikang kasunod niyon habang kumakain. It felt awkward though. Hindi na lamang pinansin ni Raven. Isa pa, iniisip niya rin kung ano nang nangyayari sa kanya. The last time she used Encantare sa isang estudyante sa Black Blood was just merely two weeks ago. Gumagana pa naman ang kapangyarihan niya.             What the hell is wrong with her?             “So sa’n tayo pupunta pagkatapos?” tanong ni Chiri ilang sandali pa ang lumipas.             “Hmm… may alam akong ice skating rink sa loob ng Reinnasance eh. Gusto n’yo try natin?” Victoria suggested na agad tinanguan ni Chiri. “Okay, sa ice skating rink tayo!”             Raven cleared her throat bago ilagay sa gilid ang utensils na hawak niya. “I’ll go to the washroom, just a minute.”             Tumayo siya at nagpunta sa washroom. Nilapag niya ang purse niya sa may counter bago naghilamos ng mukha. It felt good.             Hindi niya maintindihan kung bakit siya naiinis na bigla-bigla na lang nag-iiba ng mood si Kill. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nakakaramdam ng kakaibang bagay na hindi niya naman alam kung ano’ng itatawag. She felt restless. She felt like… like she did something wrong kahit wala naman.             What exactly in the world is his problem?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD