ISANG oras ang biniyahe ni Savannah bago nakarating sa address ng condo na ti-next sa kanya ni Noah. Inilibot niya ang paningin nang makapasok sa loob ng unit. Dominating ang kulay na itim at puti. May dalawang kwarto. Isang master bedroom at guest room. Dalawa rin ang banyo, laundry area, dining at kitchen. Malawak ang living area na may itim na leather sofa, may center table, malaking flatscreen tv na nakadikit sa pader, sa ibaba niyon ay may malalaking speaker set at gitara sa gilid. May iba't ibang paintings din na nakasabit sa dingding at ang right part na pader ng condo ay salamin na natatabingan ng makapal na kurtina. Naglakad si Savannah patungo sa master bedroom at inilapag ang bag sa king size na kama, kakasya siguro ang anim na katao sa laki niyon. Naupo siya sa gilid at kin

