ILANG araw na niyang tinititigan ang calling card ni Noah. Na pinulot niya sa parking lot. Mabuti na nga lang at naroon pa iyon kung saan nito inihagis. Hindi rin makahagilap si Savannah ng lakas ng loob upang tawagan ang lalaku. Lately hindi niya nakikita sa bar ang dating nobyo. Iniisip niya baka natauhan o di kaya'y nalaman ni Olive na laging pumupunta sa bar ang asawa kaya pinagbawalan. "Ate Vanni, okay ka lang?" pukaw ni Ataska sa malalim na pag-iisip niya. Tumango-tango si Savannah na ibinalik ang tingin sa calling card. "Kanina ka pa kasi.. nakatulala diyan sa card na hawak mo, eh.." Hindi siya sumagot at napabuntong hininga na lang. "May problema ba, Ate Vanni?" Nilaro-laro niya sa kamay ang calling card. "Ikaw ba, Ataska? Gagawin mo rin lahat para sa pamilya mo? Yung tipo

