"W-what did you say?" hindi makapaniwalang usal niya. "You've heard it. Be my mistress," diretsong nakatitig ito na mata niya ng sinabi iyon. Ganoon na ba kababa ang tingin sa kaniya ni Noah? Nasaktan si Savannah. Aminado siyang sa loob ng apat na taon hindi niya nagawang magmahal ng ibang lalaki dahil hindi pa niya ito nakakalimutan, pero hindi siya ganoon katanga at kadesperada para maging kabit. "Are you out of your mind?" "No." Napailing siya at pagak na tumawa. Hindi na nga talaga niya kilala si Noah ngayon. Nang-uuyam na umangat ang sulok ng labi niya. Hindi naman pwedeng basta na lang siyang malugmok sa tingin nito sa kaniya. Puwes, hindi siya ang babaeng iiyak na lang kapag inaapi! "Bakit? Hindi ka ba nasasatisfy ng asawa mo? At gusto mo pa humanap ng kabit? I'm sorry huh

