NAGISING si Savannah sa patuloy na pag-vibrate ng cellphone na nasa tabi lang ng unan niya. Iignorahin na lang sana niya iyon pero ayaw tumigil ng kung sino mang tumatawag. Kaya napipilitang kinuha niya iyon at paungol na sumagot. "Hello?" bungad niya sa paos na boses. Puyat na puyat pa naman siya. Dahil anong oras na nga siya umuwi hindi pa siya agad nakatulog. Sa dami ng gumugulo sa isipan niya. "Vanni, wake up!!" Masiglang bati nang nasa kabilang linya. Kumunot ang noo niya ng makilala kung sino iyon. "Ate Kara?" "Yup! And where are you? Alas kwatro na,Vanni!" Narinig niya sa background nito ang tawa ng mga bata at ang familiar na kanta ng disney junior. "Nasaan ka?" hindi niya napigilang itanong. "Wait! Pakinggan mo ito!" natatawang wika nito. Pagkuwa'y narinig niya ang boses n

