NAKASUNOD na tinatanaw ni Savannah ang kambal na masayang naghahagikhikan at nagtatampisaw sa tubig. Magdadapit hapon ng magpasya silang mag-iina na lumabas ng cottage at maglakad-lakad sa tabing dagat. Namulot ng mga sea shells at balak nilang panoorin ang papalubog na araw. Isang buwan na din ang nakalipas nang umalis silang mag-iina ng walang paalam kay, Noah. Dahil sa pananakot ni Olive na sasampahan siya ng kasong adultery talagang balak siyang ipakulong ng babae. Hindi rin naman kasi mababang kaso iyon kaya inisip niya paano na lang kung ituloy ni Olive ang kaso. At ipakulong sila ni Noah, Paano ang tatlong anak nila? Saan pupulutin ang mga bata. Kaya pinapili siya ng babae. Dadamputin siya ng mga pulis at diretso kulungan o iiwan niya si Noah at hahayaan sila nitong makaalis na mag

