NAG-ANGAT si Noah ng tingin mula sa laptop nang bumukas ang pinto ng opisina niya, at pumasok doon si John. "Man!" Itinaas nito ang isang kamay. Kumunot ang noo niya. "What?" "It's already transferred in your account." Umawang ang mga labi ni Noah. "Really?" Nakangiting tumango-tango ang kausap. "Yeah!" "f**k!!" napatayo pa siya sa upuan. "Congrats, Bro!" niyakap siya nito at tinapik-tapik sa likod. "Wish all the best for you and Vanni and the kids. For sure matagal tayong hindi magkikita." Bahagyang lumayo si Noah at tinitigan ang kaibigan. "You're leaving?" Tumango-tango ito. "Yeah, kailangan and you too.. kailangan niyo nang umalis nina Vanni. Si Greg, na nasa finance department umalis na din." Umiling-iling si Noah. Gusto man niyang makonsensya pero ito na lang paraan. "

