HALOS paliparin ni Noah, ang sasakyan patungo sa pinaka malapit na hospital. Nanginginig ang mga kamay niyang hawak ang kamay ni Savannah na hindi mapigilang umiyak sa biyahe. "Oh, god! My baby!" Pahysterical na sigaw ni Savannah. Hinalikan niya ang kamay nito at pilit na inaalo ang babae. "Babe, don't cry, don't cry.. everything will be alright.." paulit-ulit na usal ni Noah. Pilit na kinakalma ang sarili. Hindi maaring pati siya panghinaan ng loob. Sa kaniya kukuha ng lakas si Savannah at ang mga anak nila na tulad ng ina ng mga ito ay umiiyak na din. Nang matawanan ni Noah ang di kalayuan na hospital nagmamadali siyang nag U-turn Hindi na nga niya na i-park ng maayos ang kotse sa pagmamadaling maipasok agad si Savannah sa emergency. Inaakaso agad sila ng mga nurse ng makita ang la

