MATAPOS tanggapin ni Noah ang award bilang isa sa top ten young architech of the year. Balak na sana niyang umalis na at umuwi nang harangin siya ng lolo at ama ni Olive, para ipakilala sa mga Architech na may sinasabi na ring pangalan sa industriya. Pilit na pilit ang mga ngiti ni Noah at pakikipag-usap sa mga ipinakilala sa kaniya. Sinabayan pa ni Olive na sinamantala ang pagkakataon dahil hindi na ito lumayo sa kaniya. Parang lintang kapit na kapit at ayaw kumawala. Panay pa ang picture. Gustong-gusto niyang umuwi at makatabi sa patulog ang mag-iina niya. Mabuti na nga lang after nilang mag-usap ni John, nang tawagin niya si Savannah ay sinagot na ng babae kahit paano na nakahinga na siya ng maluwang. "Iho," tapik ng lolo ni Olive sa balikat niya. "Yes, sir?" lingon niya dito matapos

