ILANG minuto rin silang bumiyahe at narating ang dulo ng Santa Barbara kung saan matatagpuan ang kaisa-isang beach sa bayang iyon. Ipinarada ni Andrew ang kotse nito na inilaan talaga para sa mga nagpupunta sa beach. Four years ago noong mapadpad siya doon wala pang parking space. Siguro'y nadagdagan ang mga turista. Mabuti na rin iyon para hindi nakahambalang sa daanan papasok ng beach ang mga sasakyan. Pagtapak ng paa ni Savannah sa mainit-init na pinong buhangin. She was filled with the feeling of nostalgia. Although noong una siyang mapunta doon hindi naman talaga sila nagtagal ni Noah. Pero iyon ang unang beses na yakapin siya ng lalaki mula sa likuran. Unang beses na hindi sinasadyang bigyan niya ng pangalan ang nararamdaman para dito. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Maram

