Chapter 51

2640 Words

Humapdi ang mga mata ni Savannah kaya nag-iwas na siya ng tingin kay Noah. "Uy? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Drew. Tumango-tango siya. Pero talaga yatang may galit sa kanya ang diyos. Dahil naririnig niya kung paano maglambing ang batang babae kay Noah. Kahit hindi siya tumitingin nakikita niya sa sulok ng mga mata na sinusubuan ito ni Noah kumain. Naalala niya bigla ang kambal. At nasaktan siya para sa dalawang bata. Ang mga anak niyang walang kinagisnang ama. At habang buhay na walang kikilalaning ama. Nakagat niya ang ibabang labi at pasimpleng huminga ng malalim para pigilan ang nangingilid na luha. "Vanni? Ang weird mo.. ano bang problema mo?" muling bulong sa kanya ni Andrew. "Wala. Nahilo lang ako. Alam mo naman two hours lang ang tulog—" hindi niya naituloy ang sin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD