ISANG black off shoulder na above the knee ang isinuot ni Savannah at hantad ang mabibilog niyang legs. Tinernohan niya iyon ng pulang sandals. Itinali pa-bun ang buhok na may ilang hibla sa gilid ng tainga ang nangalaglag. Kaya nag mukha iyong messy yet seductive. Hindi na rin siya naglagay ng make-up, kapag nakainom naman na siya siguradong mamumula na ang kanyang pisngi maging ang mga labi. Nagwisik pa siya ng pabango at sumulyap sa salamin. Nang masiyahan sa itsura kinatok na niya si, Drew sa banyo. Isang oras na yata ang hitad sa loob. Maliligo at magbibihis lang ang kupad kumilos. "Drew!! Let's go!" sumulyap siya sa pambisig na relo. "Alas dyes na bakla! Baka wala na tayong maupuan sa bar—" natigilan siya ng bumukas ang pinto at ang nakasimangot na mukha nito ang bumungad sa kanya.

