Chapter 2

2008 Words
Madilim na sa labas ng magising si Lianna. Pupungas pungas siyang pumasok sa banyo at naghilamos bago lumabas ng kwarto. Nadatnan niya ang mga kasambahay na busy sa pagluluto. Samantalang nanonod naman ng TV ang kanyang Ninang. "Mamo, saan si Dada?. "Oh gising ka na pala Hija. Kamusta ang tulog mo? "Mabuti naman ho." "Pumunta lang saglit sa City Hall ang Dada mo. Maya maya dito na iyon." "Sige po. Babalik muna ako sa kwarto. Patawag nalang po ako pag kakain na." Nilibot niya ang mga mata. Hindi niya makita ang kanyang hinahanap. Nag kibit balikat na lamang siya at umakyat na sa kwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag check ng kanyang social media accounts. "Hmmm. Maka selfie nga muna at nang may ma ipost". Pinatong niya ang cellphone sa bedside table at ini-on ang timer nito. Umupo siya sa gitna ng kama at nag pose. "Ayan.. Okay na to. Mapost nga sa IG". Agad siyang dumutdot at nag caption, "Home sweet home". Saka pinindot ang post button.. Tinago na ulit nito ang telepono sa drawer at natulog ulit. Sa makalipas na mga araw ay kain tulog lang ang ginagawa ni Lianna. Medyo nababagot na din siya kaya naisipan niyang buksan ulit ang kanyang social media accounts. Maraming nag likes sa kanyang post nong nakaraan. Nakaagaw ng kanyang pansin ang isang comment sa kanyang larawan. "OMG!!! For real??? Can't wait to hangout with you Bibi". ito ang sabi sa larawan. "Sino ba to?" tanong niya sa sarili. Biglang nag pop up ang isang message request sa kanyang screen. Binuksan niya kaagad ito. "Oh my god! The queen is back. I hope you still remember me. BFF tayo noong hayskul". Napaisip siya bigla. Isa lang naman ang naging kaibigan niya noong hayskul ah. "Gosh! Trina Mondragon right???". Nagkamustahan silang dalawa. Maya maya ay nag video call ito. Tuwang tuwa diya dahil may makakausap na din siyang ibang tao dito sa Pilipinas. "BTW girl, remember mo ba si Andrew?" "Iyong sampong beses kong binasted bago ako lumipad pa America? Bakit? anong meron sa kanya?" "Siya ang unang nag sabi sa akin na dito ka na daw. And nag aya siya baka pwede ka namin maka hangout?" "Argh... Nakakaloka ka girl. Di parin ba yon maka get over sa akin?". "Sinabi mo pa! Call me kung bakante ka ha. I miss you so much". Napaisip siya bigla. Ito na ang tamang pagkakataon para masubukan ang galing ng bodyguard niya. Napangiti siya ng pilyo bago mag salita ulit. "Okay. Are you free tomorrow?" "Of course! I'll text the time and location. See ya Bibi!". Pinatay na nito ang tawag. Pagbukas niya ng pinto ay halos mapalundag siya ng makita si Marco na akmang kakatok na din. "Akala ko di ka na lalabas jan, Ikaw nalang hinihintay ng lahat." At agad din itong tumalikod. "Bastos". pabulong niyang saad. Kalansing ng kubyertos ang tanging naririnig sa hapagkainan. Naisipan niyang magpa alam sa Dada niya. "Da, pwede ba akong mag Mall bukas? Nakakabagot na din dito sa bahay eh". "Of course. Buti nga at ng makakita ka naman ng sikat ng araw. Marco samahan mo siya bukas." baling nito sa lalaking nakatayo sa likod. Pagkatapos maghapunan ay pumanhik kaagad siya sa kanyang kwarto at binuksan ang cellphone. May message siya mula kay Trina. "Tomorrow 9pm sa Chills tayo, this is the address". At binuksan nito ang attachement na photo. "This is it!" wala sa sariling napatawa nalang siya. Hindi niya alam bakit kumukulo ang dugo niya sa lalaking iyon. Hindi siya sigurado kung naiinggit ba siya dahil parang giliw na giliw dito ang Dada niya. Kinuha niya ulit ang cellphone at tinawagan ang mokong. Nakailang ring palang ay sumagot na agad ito. "What?" bungad nito sa kabilang linya. "Excuse Me? Is that how you answer your Boss?" irita niyang saad. "I mean Miss Anna, What can I do for you?". "PILOSOPO!" sigaw niya dito. "Aray naman po Miss Anna baka mabasag ang eardrums ko". Dinig niya pa ang mahinang tawa nito. "Ewan ko sa'yo! Oh,by the way. Bukas pa pala tayo ng 5pm aalis. Para hindi mainit. Mabilis lang naman ako sa mall. Okay. That's all. BYE! Pinatay na niya ang tawag. Bakit parang ang sweet ng boses nito kapag sa tawag? Pero kapag magkaharap sila napaka sarkastiko nito parang walang galang. Saktong alas singko ng hapon ng umalis sila ng mansyon. Lulan sila ng FJ Cruiser ng Dada niya. Siya na ang bumasag sa katahimikan. "umm. Mar......co?, Your name is Marco right?" . utal utal niyang tanong sa lalaki. Hindi niya alam bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. "Yes" "Ahm. Ilang taon ka ng bodyguard ni Dada?. "10 years." 10 years? so ilang taon na siya? "Oh... How old are you Marco?". "Just add your age and the years that you stayed in the US." Napaisip siya.... 23 yrs. old siya ngayon. Nasapo niya ang bibig. Oh my... So 33 na ito??? "Pwede mo naman sabihing 33 ka na diba? Pinakomplikado mo pa. Tss... Di mo ba tanggap na OLD ka na?". Hindi ito sumagot ngunit tinaasan siya nito ng kilay. Pagdating sa mall ay agad niyang tinungo ang isang kilalang boutique doon. Nakasunod lamang si Marco sa kanya. Pinasadahan niya ng tingin ang mga party dress na nandoon. Naagaw ang pansin niya ng isang kulay pula na damit. Sexy criss cross dress ito na hanggang tuhod at may slit hanggang baba ng hita. Binalingan niya ang kasama. Saktong nakatalikod ito kaya dali dali niyang hinablot ang damit at dinala sa fitting room. Kailangan di nito makita ang napili dahil baka di siya magtagumpay sa plano niya mamaya. She chuckled while trying the dress inside the fitting room. "Ahhhhh.. This is so gorgeous..." bati niya sa suot. Hinubad niya ulit ito at patagong dinala sa counter. Pinabalot niya ito ng mabuti para di makita ng kasama. Kumuha din siya ng isang pares ng silver sandals. Matapos makapagbayad ay dumaan pa sila sa isa pang boutique. Palihim din siyang bumili ng hair extensions na kulot. Pinabitbit niya ang mga pinamili sa kasama at tiningnan ang kanyang wrist watch. "7:30 na pala. Gosh. I'm so hungry. Ikaw din diba? Sorry ha. Dito nalang tayo kakain. This is my treat". Inakay niya ang binata papasok sa isang restaurant. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga tinging ipinupukol ng mga customers ng restaurant partikular na kay Marco na naka sunod lang sa kanya. "Kawawa naman ang BF,taga bitbit na nga. Mukhang mapapagastos pa dito restaurant". rinig niya ang bulongan ng dalawang babaing nilagpasan nila. Nilingon niya ito at tiningnan ng masama. Natigilan naman ang mga ito at agad nag iwas ng tingin. Umorder na sila at agad din silang kumain. di siya dapat mahuli dahil saktong alas nuwebe ay nasa labas na ng Mall si Trina. Binilisan niya ang kain at agad nagpaalam na pupunta ng CR. Dinala niya ang kanyang cosmetic pouch. Mabilisan siyang nag toothbrush at nag apply ng light make up. Pagkalabas niya ay tapos na rin kumain ang binata. "Eto ang card ko, pwede ba ikaw na magbayad muna? Naiinis kasi ako doon sa mga bruhang napagkamalan akong gold digger. Go na dali! Dito lang ako". Tumalima naman ang binata. Nang makitang busy na si Marco sa pagbabayad ng kinain nila ay dali dali naman niyang binitbit ang paper bags at tumakbo papalabas ng restaurant. Pumunta siya sa isang CR at mabilisang nagbihis. Ikinabit na din niya ang extensions sa buhok at sininunod ang sapatos. Tsaka tiningnan muli ang kanyang pigura at pasimpleng lumabas ng CR. Naiwan na lamang doon ang mga paperbags niya na walang laman. Dinala nalang niya ang hinubad na damit. Iiwan nalang niya ito sa kotse ni Trina mamaya. Matagumpay siyang naka labas ng Mall at saktong nandoon na din ang kaibigan. "Success Bibi!!!" nag appear pa silang dalawa at saka lumulan na ng sasakyan. Nahampas na lamang ni Marco ang mesa ng mapagtantong wala na doon si Lianna. "Damn that Bratt nasalisihan ako ah." Pumunta siya sa security department ng Mall. Kinausap niya ang incharge doon at pinayagan naman agad siyang ireview ang feeds ng sabihin nito ang pangalan ng amo niya. Inumpisahan niyang i.review ang feeds. Samantalang si Lianna naman ay enjoy na enjoy na sa party kasama si Trina. Ramdam niyang may tama na siya pero kaya pa niya ang sarili. Natigil siya sa pagtungga ng mapaisip. "Hinahanap na kaya ako ni Marco?, pero teka bakit parang nag aalala ka? Suway ng isip niya. "Hey beautiful". pukaw sa kanya ng baritonong boses. "Andrew???, walang ganang napatingin siya dito. "Long time no see ah. Kamusta naman ang America?" tanong nito sa kanya. "Ayun.. America pa rin." sarkastikong saad niya. "Guys maiwan ko muna kayo ah. I feel like dancing". paalam ni Trina. Nag kwentohan pa sila ni Andrew. Hindi siya komportable sa presensya nito. Naiilang na din siya sa mga tinging ipinupukol nito sa kanya. Nagpaalam siya na pupunta muna ng Ladies Room. Binuksan niya ang cellphone. 78 missed calls at 158 messages. Mula iyon sa kanyang Dada,Mamo at bodyguard niya. Mag aalas onse na pala. Nakatanggap siya ulit ng text. From Dada: YOU BETTER GO HOME NOW HONEY! OR I'LL SEND YOUR THINGS HOME IMMEDIATELY. A text that she can hear. Kinabahan siya bigla. Lumabas siya ng CR hindi na niya mahagilap si Trina kaya tinext na lamang niya ito na mauuna na siya. Lumabas na siya ng bar at mag babantay nalang siya ng Taxi. Sampong minuto na siyang nakatayo doon pero wala pa ring dumaraan. "Kung tawagan ko kaya ang mokong na iyon?". "No hindi pwede. Baka kainin ako ng buhay." "Ahhhh.. Sh*t.. Bahala na,.". Pipindutin na sana niya ang call button ng biglang may mag salita sa likuran niya. "Hey there you are!. Saan ka na pupunta?" "Uuwi na ako Andrew. I'm tired." "Wooooah. Ang aga pa naman ah." Umatras siya ng humakbang ito palapit sa kanya. "I'm sorry Andrew. Kailangan ko na talagang umuwi. Actually, I'm waiting for my boyfriend. Susunduin na kasi niya ako." Akala niya aalis na ito pero tumawa pa ito at humakbang ulit palapit sa kanya. Aksidente naman niyang napindot ang call button nabigla pa siya ng marinig na may sumagot sa kabilang linya. It was Marco. Tumikhim siya bago sumagot. "Hey Babe! Asan ka na? Nandito na ako hinihintay kita.". "Whaaat?" ani Marco sa kabilang linya. Hindi niya ito pinansin at pinag patuloy lang ang pagsasalita. Nakatayo pa rin si Andrew sa harap niya. "I sent you the address diba?, Yeah.. Solomon street, dito sa Chills. Oo.. Dito sa harap ng dancing fountain.... Okay Babe.. See yah..." "What the hell are you talking about?" kunot noong tanong ni Marco. Pero di na naka sagot pa ang dalaga. "Sh*t!! Wait for me. I'll be there in 3 minutes." Pinasibad na agad nito ang sasakyan. Mabuti naman at hindi pinatay ni Lianna ang tawag. Naririnig niya parin ito. "Come'on baka mamaya pa darating ang boyfriend mo. Let's get inside first and have some more drinks." "I'm fine Andrew. Uuwi na ako. Let's hangout some other time". Tumalikod na siya dito pero bigla siya nitong hinaklit sa kanyang braso. "Don't play games with me Lianna. Wala ka namang boyfriend diba?. Iniiwasan mo lang ako." Akma siya nitong hahalikan pero nakailag siya. Kahit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso ay pinilit niyang mag pumiglas. May naramdaman siyang mahapdi pero hindi na niya iyon pinansin at agad na tumakbo. "Marco please... Help Me...." naiiyak niyang saad habang tumatakbo. Nakasunod naman si Andrew sa likuran niya. Napaupo siya sa tabing kalsada ng bigla siyang matapilok. Sa taas ba naman ng takong niyang iyon. Akmang tatayo na sana siya pero hindi niya maitayo ang mga paa dahil sa sobrang sakit. "Marco please. Nasaan ka na. I need you here". Wala sa sariling wika niya. Malapit na sa kanya si Andrew. "See?? Pa hard to get ka pa kasi. Yan tuloy ang napala mo". Nakangising wika nito. Binalot siya ng kaba ng makita ang nakangising mukha nito. Napakapit na lamang siya sa kanyang mga braso at napapikit ng akmang hahawakan siya ni Andrew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD