Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata ng marinig ang pag daing ni Andrew. Nakahiga na ito ngayon sa semento.
Isang kamay ang nakalahad sa kanya ng tumingala siya. At ito ay walang iba kundi si Marco.
Napabagsak na pala nito si Andrew. Nawala lahat ng kaba niya at napalitan lahat ng iyon ng kakaibang saya.
"Thank you Marco", aniya sa isipan.
"Wag mo akong titigan ng ganyan Miss Anna. Baka matunaw ako." nakangiting wika nito.
"Whatever!. Hindi ako makatayo. Wag mo din ako titigan. Ano gagapang nalang ako pauwi?"
"Yan ang napapala ng mga batang matitigas ang ulo". Saka walang babalang binuhat siya nito ng pa bridal style. Napakapit siya sa leeg nito at doon niya natitigan ng maayos ang mukha ng binata.
Napaka gwapo pala nito sa malapitan. Makakapal na kilay. Pilantik na mga pilikmata. Matangos na ilong. Tamang-tama lang ang kapal ng labi nito na animo'y ang sarap halikan.
Napapitlag siya ng bigla siyang lingunin nito at halos magdikit na ang kanilang mukha.
"Tapos ka na bang kilatisin nag mukha ko? For the third time Miss Anna, pwede mo bang buksan ang pinto ng sasakyan? Hindi ako makabukas kasi di kita pwede bitawan." sarkastiko na naman ang boses nito.
Hindi na siya sumagot pa at agad binuksan ang pinto. Pinaupo na siya nito at saka ito umikot sa driver seat.
"s**t nakakahiya". bulong niya sa sarili.
"Yes Sir,pauwi na po kami. Sige po. Bye".
Dinig niyang sabi nito sa kausap bago tuluyang umupo sa driver seat.
Napahawak siya sa kanyang mga braso. Bigla yata siyang nilamig dahil sa presensya nito.
"Isuot mo muna ito baka sipunin ka pa"
hinubad nito ang suot na jacket at ibinigay sa kanya. Napansin niya kaagad ang baril na nakaipit sa likuran nito. Na freeze sa ere ang kanyang mga kamay.
"Keep that gun away from my sight,please."
Nagtataka naman itong napatingin sa kanya. Pero agad din nitong nilagay ang baril sa sekretong lalagyan sa loob ng sasakyan.
"Takot ka ba sa baril?, tanong nito.
"Hmmm.
"Pero di ka takot sa dugo?,nakapako ang tingin nito sa braso niya.
May mahabang scratch doon at dumudugo ito. Kaya pala kanina pa siya nakaramdam ng hapdi.
"I'm a nurse Marco. At di ako takot sa dugo. Sa baril,Oo." sabay hablot sa jacket nito. At agad sinuot.
"That jerk" dinig nitong saad ng binata pero di na niya pinansin pa dahil pinaandar na nito ang sasakyan.
Ilang sandali pa ay nasa mansyon na sila. Binuhat siya ulit nito at dinala sa loob. Sinalubong agad siya ng kanyang Ninang na bakas sa mukha ang pag aalala.
"Lianna... Thank goodness at nandito ka na. Anong nangyari?".
"Natapilok po ako Mo, di ako makalakad kaya nagpa buhat nalang ako. Sorry po. Bukas niyo na ako pagalitan. Magpapahinga na po ako.. Pakidala na ako sa kwarto ko please." pakiusap niya sa lalaki.
Siya na ang nagbukas ng pinto. Pabalya siyang binaba nito sa kama dahilan upang siya ay mapasubsob.
"What do you think your doing?" pagtataray niya.
"Ang bigat bigat mo kasi. Bato ba ang kinakain mo?" nakangisi na naman ito.
"Aba't ang lakas ng loob mo ah." Tatayo sana siya para hampasin ito.
"Aray... Ah.. Ouch". napahawak siya sa paang namamaga na.
Hindi niya inaasahan ang sumunod nitong gawin. Masuyong hinubad nito ang kanyang sapatos. Siniyasat din nito ang kanyang paa saka tumayo.
"Dito ka lang muna,kukuha lang ako ng yelo". Saka ito nag martsa palabas ng silid.
Maya maya ay bumalik na din ito. May dala itong timba na may yelo at first aid kit.
"Ilublob mo dito ang paa mo. Mas mabilis matanggal ang pamamaga niyan tsaka pakihubad na din".
"Are you crazy???, sigaw niya dito.
"Iyong jacket. Pakihubad. Gagamutin natin ang sugat mo. Alam mo ang green mo Miss Anna." pilyong ngumiti na naman ito.
Natameme nalang siya. Sh*t anu bang iniisip niya. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa hiya.
"Ako na," aagawin pa sana niya ang bulak na may betadine.
"Behave". maawtoridad nitong sabi.
Ito na ang gumamot sa sugat niya. Hindi na naman niya maiwasang titigan ito habang busy ito sa pag gamot sa sugat niya.
Agad siyang nag iwas ng tingin ng tumingala ito.
"Oh ayan. Tapos na. Magbihis ka na muna lalabas na ako."
Akma ng lalabas ito pero pinigilan niya ito sa braso.
"Teka sandali lang. Hindi ako makatayo diba?" Pano ako makakakuha ng damit ko? Pwede mo ba akong ikuha? Please naman?"
Nag puppy eyes pa siya dito.
"Tss, bratt!"
Tumalikod na rin ito at kumuha ng damit sa closet. Isang pajama at t-shirt ang kinuha nito.
"Hindi ako nag susuot niyan. Di ako komportable. Pakihanap ng nighties". utos niya.
"Mas komportable to. Hindi ka pa sisipunin. Wag ka na mag reklamo nag uutos ka lang naman" balik nito sa kanya.
Sanay na sanay na talaga ang mokong na to na barahin siya. Kumukulo na talaga ang dugo niya dito. Pero wala siyang magawa. Tama nga naman ito. Nakikisuyo lang siya.
Pinalabas na niya ito at saka nag bihis. Sinubukan niyang galawin ang kanyang paa at di na nga ito masyadong masakit. Konting babad nalang pwede na siyang makatayo.
Makalipas ang kalahating oras ay kinuha na nito ang paa sa timba at saka gumapang pahiga sa kama.
Mag aalas dos na pala ng madaling araw. Di pa rin siya dinadalaw ng antok.
"Ano kayang ginagawa niya ngayon? wala sa sariling tanong niya habang naka titig sa kisame.
"Duuh. As if I care" saway naman ng isip niya.
Pabaling baling siya sa higaan. Hindi talaga siya dinadalaw ng antok. Naisipan niyang bumangon. Bitbit ang kanyang cellphone ay dahan dahan siyang naglakad papunta sa terrace. Maliwanag ang sikat ng buwan kaya di na siya nag abala na isindi ang ilaw.
Maya maya pa ay nag ring ang kanyang cellphone.
Idiot calling......
Napangiti siya ng mabasa ang pangalang iyon sa screen.
"Anong ginagawa mo sa labas ngayong dis oras na?"
Hindi niya mabasa ang tono ng boses nito. Parang galit na. Naiirita na nag aalala. Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"ahm.. Hindi kasi ako maka tulog kaya lumabas muna ako. Sorry ah."
Di niya alam bat siya nag sosorry.
"Masakit pa ba ang paa mo?"
"Konti. Pero kaya ko na naman. Pero teka... Pano mo nalaman nasa labas ako?"
Natahimik ito sa kabilang linya. Saka niya naisip na may CCTV nga pala sa terrace. Binalingan niya ito saka nag wave doon.
"Get inside Miss Anna. Mahamog na".
Saka nito pinatay ang tawag.
Lihim siyang napangiti ng mga oras na iyon. Kahit sarkastiko ito at minsan parang walang galang ay may malambot din pala itong puso.
Ewan niya sa sarili. Para siyang kinikilig na bumalik sa loob ng kwarto.
"Ano ba itong nararamdaman ko?. No,, hindi dapat ganito." sita niya sa sarili.
Pero sa di niya mawaring dahilan ay natagpuan na lamang niya ulit ang sarili na dina-dial ang numero nito.
Pinakalma niya ang sarili ng sumagot ito sa kabilang linya.
"What is it this time?"
"Wow. Parang di mo ako amo ah"
"Masanay ka na Miss Anna dahil ganito talaga ako".
"Ganun??
"Yep"
Katahimikan.......
"So, bakit ka napatawag? May iuutos ka na naman ba?"
"Ahmmm. Wala.. I just want to say Thank you kanina. Saka sorry na din. Napagalitan ka ba ni Dada?".
Eh bakit parang nag aalala ka? saway ng isip niya.
"Marunong ka din pala mag sorry. Tss.."
"Kung ayaw mo tanggapin di wag!"
"Galit ka po?"
"Hindi.. Ang saya saya ko". sarkastiko niyang turan dito.
"Hindi naman nagalit ang Dada mo. He's used to it right?".
"Bente tres ka na Miss Anna. Baka naman pwede mo ng bawas bawasan yang ugali mo. Nakakalbo na si Sir sa'yo".
"Pinagsasabihan mo ako?"
"Parang ganon na nga"
"Ewan ko sa'yo.... Bye!!!!".
Pabagsak na binaba ni Lianna ang cellphone. Ang lakas nga naman ng loob nito na pagsabihan siya. No, hindi pwede. Wala pang bodyguard na naka pagsermon sa kanya. Ito dapat ang nasesermonan dahil hindi siya nabantayan ng maayos. Kakaiba talaga ang lalaking ito. Napatalukbong nalang siya ng kumot.
Alas nuwebe na siya nagising kinaumagahan. Dahan dahan siyang pumasok sa banyo at naghilamos. Hindi na masyadong masakit ang kanyang paa kaya dahan dahan din siyang bumaba para mag almusal.
Naabutan niya sa sala ang Ninong na nagbabasa ng diyaryo.
"Good morning Dada kong gwapo" bati niya dito.
"Stop that Lianna. May kasalanan ka pa sa akin at sa Mamo mo."
Nag pout siya saka lumapit at yumakap sa leeg nito.
"Hmmm. Sorry na po. Di na ako uulit".
"Ilang beses ko ng narinig yan simula noon". nakataas kilay na saad ng amain.
"Da.... I mean it. Sorry na talaga."
"Wag ka sakin mag sorry"
"Eh kanino?"
"Sa bodyguard mo."
"What???"
"Sinisigawan mo ba ako anak?"
"Oh.. No Dada. Okay.. About that Da. Naka sorry na po ako sa kanya. Kagabi pa po. You can ask him if you want".
"You did?" halos di makapaniwala na wika ng amain.
"Yes.. Bakit? anong nakakagulat doon?"
"Wala akong maalala na kalokohan mo na nag sorry ka sa bodyguard mo pagkatapos. Ngayon lang hija. Teka,nilalagnat ka ba?" sabay hipo sa kanyang noo.
"Seriously Dada?. Wala akong lagnat okay? Makakain na nga lang".
Tinalikuran na niya ang matanda. Naiwan naman itong nakangiti.
Hindi mahagilap ng kanyang mga mata ang mokong.
Saan kaya ito?
Matapos makakain ay umakyat na siya uli sa kanyang kwarto. Kinuha ang kanyang cellphone. Naisipan niyang itext ang binata.
"Hoy! Nasan ka?"
"Quarters,. Bakit? Tatakas ka na naman ba?"
"Wala. I just want to say mag day off ka nalang today. Di naman ako aalis ng bahay. Wala ka pang pahinga diba?"
"Okay."
Hindi na siya nag reply pa dito. Dapat lang na pag pahingahin din niya ito. Full time ito sa pag babantay sa kanya.
Teka,concern na ba siya dito?
"Ghad... Anu ba tong ginagawa ko? Di ko maintindihan. Nakakairita."
Nahiga nalang siya sa kama at hinila ulit siya ng antok.
Sa loob ng ilang araw ay nanatili lamang siya sa bahay. Wala din naman siyang magawa doon kundi kain tulog lang. Hindi niya masyadong nakikita si Marco. Umiiwas ba ito sa kanya?
Busy ang mga kasambahay sa pag luluto ng bumaba si Lianna. Nagtaka siya kung anong okasyon.
"Manang, anong meron bakit marami kayong niluluto?"
"Naku po maam. Birthday ngayon ni Sir. Hindi niyo ba naalala?"
"Oh no. How can I forget?" natampal niya ang noo at agad na pumanhik sa office ng kanyang Ninong pero wala ito doon.
"Ang tanga tanga ko talaga lately. Bakit ko ba nakalimutan?" sermon niya sa sarili.
Bumalik siya sa kanyang kwarto at agad na nagbihis. Lalabas siya at ibibili niya ito ng regalo.
Habang pababa ng hagdan ay tinawagan niya ang bodyguard. Agad naman itong sumagot.
"Anong maipaglilingkod ko sa inyo?"
"Samahan mo ako. Bibili ako ng panregalo kay Dada dali.an mo!"
"Pakihintay nalang ako sa parking lot."
Pag dating niya sa parking lot ay saktong dumating naman ang lalaki. Napakalinis nito tingnan ngayon at ang gwapo sa suot nitong black suit.
Pinagbukas siya nito ng pinto ng kotse. Ito din ang nagkabit ng seatbelt niya at umalis na agad sila papunta sa mall.
"Ano kayang ireregalo ko kay Dada? Ikaw Marco,anong maganda?" tanong niya sa katabi.
"Yong totoo?"
"Oo.. Suggest naman."
"I'll be honest with you Miss Anna. Bakit di mo kaya bawas bawasan yang katigasan ng ulo mo at makinig ka palagi sa Dada mo. Wala naman yong ibang hangad kundi ang makakapabuti sa iyo eh." mahabang sagot nito.
Natahimik nalang siya. Bakit parang tinamaan siya sa sinabi nito.
Simula ng maulila siya ay ang Ninong na ang nag alaga sa kanya. Ito ang gumabay sa kanya hanggang makatapos siya ng pag aaral. Kahit puro sakit ng ulo ang dala niya dito dahil palagi niyang tinatakasan ang mga bodyguards para makasama sa mga barkada niya. Hindi niya din maintindihan kung bakit siya naging ganon. Hindi naman nagkulang ang matanda sa kanya. Siya lang ang may mali.
Ang amain din niya ang nag alaga sa mga ari ariang iniwan ng kanyang mga magulang. Lalo na ang bahay na naipundar ng mga ito.
"I'm sorry Dada" bulong niya sa sarili.
"We're here Miss Anna."
Bumaba na sila ng sasakyan at pumasok na sa mall.
Hindi na nga siya bumili ng regalo. Bumili nalang siya ng vanilla flavor na cake dahil ito ang paborito ng kanyang Ninong. Napadpad din siya sa nag titinda ng mga alak at binili din niya ang paborito ng amain. Matapos iyon ay umuwi na din sila.