CHAPTER 4

2089 Words
"Happy Birthday Dada.. dali blow na". "Kailangan ko pa ba mag wish?" tanong nito sa kanya. "Go ahead Da". "Naway mabawasan na ang kakulitan ng aking Lianna. Wala na sanang pumasok na kalokohan sa utak niya sa susunod na mga araw...AMEN!" sabay ihip sa kandila. Napatawa nalang siya ng hilaw. "Dada naman. Bakit ganon naman ang wish mo" "Eh baka multohin ako ni kumpare at kumare eh". "Kumain nalang tayo Da.. Oh,mga kasambahay ano pang hinihintay niyo? Attack!!!!" Masaya nilang pinagsalohan ang mga pagkaing nakahain. Nang minsan siyang napalingon sa gawi ng mga bodyguards ay nahuli niyang nakatitig si Marco sa kanya pero agad din nag iwas ng tingin. "Anong problema non?"tanong niya sa sarili. Nang matapos ang kainan saka siya sumenyas sa mga kasambahay na ilabas na ang mga inumin. Kinuha niya ang paborito ng amain saka lumapit dito. Kasalukuyang nakikipag kwentohan ito sa mga bodyguards. "Happy Birthday Dada! Inuman na!!! sabay tawa ng malakas. "Binili ko to para sa'yo. Naway malasing ka kaagad at nang di mo na ako masermonan". hinalikan din niya ito sa pisngi sabay abot ng inumin. "Loka loka ka talagang bata ka." pinitik siya nito sa noo. "Oh ano pang hinihintay niyo? Magsikuha na kayo ng inumin. Ngayong gabi magrelax relax muna kayo" baling nito sa mga bodyguards. "Salamat po Sir., wika naman ng mga ito. Kumuha ang mga ito ng inumin maliban kay Marco. Hindi niya ito pinansin at pinuntahan ang Mamo at mga kinakapatid niya. Sa kanila nalang siya sasabay mag inom. "Tingnan mo si Dada Mamo ang saya saya niya diba? Hindi halatang na highblood sa akin nong isang araw". "Oo nga eh. Minsan mo lang makikita na ganyan kasaya yan. Animo'y walang problema." "Dada is the best for me Mo. I'm really sorry kung pasaway ako sa inyo". Seryoso? Inamin niyang pasaway siya. Natigilan naman ang kanyang Ninang. "Naiintindihan kita hija. Oo pasaway ka nga pero di ka naman nagpabaya sa pag aaral. Yan palagi ang sinasabi ko sa Dada mo." "Pero Mamo matagal ko na tong gustong itanong eh. Bakit ba kailangan may bodyguard pa ako? Simula maulila ako hindi na ako nawalan niyan. I'm an adult now. Kaya ko na ang sarili ko" maktol niya sa Ninang. Napabuntong hininga naman ang kanyang Ninang. "Your Dada is a politician. Hindi natin maiwasan na may magalit sa kanya. Lalo na ngayong tatakbo sa pagka gobernador ang Dada mo. Sinisiguro lang niya ang kaligtasan ng mga taong nakapalibot sa kanya" mahabang paliwanag nito sa kanya. Kunsabagay tama naman ang Mamo niya. Isang masipag at responsable sa tungkulin ang kanyang amain. Mahabang panahon na rin ang iginugol nito sa politika at di nga maiwasan na marami ang kaaway nito. Pinagkibit balikat na lamang niya ito. "Inom na nga lang tayo... Cheers". Nakailang shot na rin siya at ramdam na niya ang pagkahilo. Hindi mataas ang tolerance niya sa alcohol kaya madali siyang malasing. Maya maya pa ay nag paalam na ang Mamo at ang kinakapatid niya na magpapahinga na. Nagpaiwan nalang muna siya. Dahan dahan siyang tumayo at lumapit sa pwesto ng Ninong niya pero wala na ito doon. Dahil medyo tipsy na siya ay muntik na syang mapasubsob sa mesa ng may isang braso ang humapit sa kanyang baywang mula sa likuran at napasandal siya sa isang malapad at matigas na bagay. Napapikit siya dahil na rin sa hilo at kaba na kanyang naramdaman. Dahan dahan siyang lumingon habang hawak parin nito ang baywang niya. Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagtanto kung sino ito. Ang matigas at malapad na bagay na kanyang sinasandalan ay walang iba kundi ang dibdib ni Marco na ngayon ay nakakunot ang noo at kung makatingin ay parang lulunokin siya ng buhay. "Ma...Marco.. Ah... Hihi.. Ikaw pala". bigla siyang kumawala dito pero wrong move dahil nabuwal na naman siya dahil sa panlalambot ng kanyang tuhod. Maagap naman siyang nasalo nito at ngayon ay yakap na siya nito at halos magdikit na ang kanilang mukha. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito. Samantalang siya amoy alak. Napapikit siya dahil sa hiya. At wala sa sariling isinubsob nalang ang kanyang ulo sa dibdib nito. She felt comfortable and safe. "Inum ng inom di naman kaya" dinig niyang wika nito. Agad siyang binuhat nito ng pa bridal style. Hindi na siya nag react pa at tuluyan na siyang napapikit. Pagpasok sa loob ng kwarto ng dalaga ay agad niyang binaba ito sa kama. Hinubad ang sandals nito at kinumutan.Pinakatitigan niya ito.Tulog na tulog na ito ngayon. Kahit di siya makita ng dalaga kanina sa party ay kitang kita naman niya ito sa monitor ng CCTV. Nabilang pa nga niya kung ilang shots ang nainom nito. Lumabas lang siya ng mapansing wala na itong kasama sa table nila kanina. "Damn it! Ano pa bang ginagawa ko dito" suway niya sa sarili. Agad na siyang tumalikod at akmang bubuksan na niya ang pinto ng matigilan siya. "Mama.... Papa...." rinig niyang sabi nito. "Ma... Pa... I missed you so much" patuloy itong nag salita sa gitna ng pagtulog. Nag iba naman ang ekspresyon ni Marco ng mapansin ang mga luhang tumutulo mula sa mata ng dalaga. Pinag papawisan din ito. "Damn it!, agad niyang tinungo ang closet nito at nag hanap ng bimpo. Binasa niya ito sa banyo at pinunasan ang mukha ng dalaga. Makinis ang mukha nito. Pilantik ang mga pilikmata, katamtaman ang kapal ng kilay. Matangos ang ilong at mamula mula din ang hugis pusong labi nito. Natampal niya ang sarili dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Minadali niya ang pag pupunas. Nilakasan niya din ang aircon at agad ng lumabas ng kwartong iyon. Masakit ang ulo ni Lianna kinaumagahan. Napangiti siya dahil ang sarap ng panaginip niya. Buhat buhat daw siya ni Marco papunta sa kanyang kwarto. Pinahiga sa kanyang kama at pinunasan ang kanyang mukha. Di niya mapigilan na magpagulong gulong sa kama sa di maipaliwanag na dahilan. "Wag ka kiligin loka. Di naman niya gagawin yon sa'yo. Asa ka pa" saway ng kontrabida niyang isip. "Hayst.. Makapaligo nga at ng maanod lahat ng imahinasyon ko." Matapos maligo ay agad siyang bumaba at nagtungo sa kusina. Tahimik ang kabahayan.Nadatnan niya si Manang Fatima na nagluluto. "Manang, nasan sila?" tanong niya dito. "Ang Dada at Mamo mo pumunta sa Comelec. Mag file yata ngayon ng candidacy si sir. Ang mga kinakapatid mo naman bumalik na sa mga condo nila Maam."mahabang sagot nito sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya. "So I'm alone again". Inihanda siya nito ng pagkain. Tinikman lang niya ito dahil wala din siyang gana. Biglang sumagi sa isip niya kung paano siya naka akyat sa kwarto niya. "Ahm... Manang, pano nga pala ako nakaakyat kagabi? Wala akong maalala eh. Nalasing ako ng sobra". "Po?? Ay.. Yong bodyguard mo po. Buhat buhat ka po mula sa hardin. Tulog na tulog ka na nga kagabi. Kaya siguro hindi mo matandaan". Tumalikod na ito sa kanya. Nanlalaki ang mga matang nabitawan niya ang kubyertos. So hindi pala panaginip iyon. Totoong nangyari yon lahat. Napangiti siyang sumubo ulit ng pagkain. Ginanahan siya bigla. And something came up oh her mind. Matapos kumain ay bumalik siya sa kanyang kwarto. Binuksan niya ang kanyang laptop at nag check ng mga e-mails. Mga report lamang iyon ng kaibigan tungkol sa business nilang dalawa. Nag papasalamat siya dahil mapagkakatiwalaan niya ito kahit nandito siya sa Pilipinas. Matapos mag send ng reply dito ay kinuha naman niya ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Marco. Ilang ring palang ay sumagot na ito. "Hmm" ito lang ang sagot sa kabilang linya. "Good morning buddy". masigla niyang bati. "Kung may pinaplano ka na namang kalokohan wag mo na ituloy".walang ganang wika nito. "Wow ha.. Ehem. Wala akong pinaplano. Napatawag lang ako kasi lalabas ako. Gusto kong humigop ng sabaw.. You know.. Hang over... "Tsss.. Okay I'll give you 20 minutes". Pinatay na nito ang tawag. "Siya pa talaga ang may ganang magbigay ng timeframe ha." inis niyang sabi. Pero di niya alam kinse minutos lang ay nakapag bihis na siya. Isang short shorts at loose shirt lang ang kanyang suot. Pinaresan niya ito ng flat sandals at agad na tinungo ang parking lot. Napa slowmo ang kanyang paglalakad ng makita ang lalaking nakasandal sa sasakyan. "Sh*t. Why so pogi" bulong niya sa sarili. "Ang bilis mo ah."bati nito sa kanya. "Time is gold" inirapan niya ito. Nakatuon lang ang kanyang mga mata sa labas ng bintana habang nasa byahe. Narinig niyang tumikhim ang binata. "Masakit pa ba ang ulo mo?" tanong nito ng di tumitingin sa kanya. "Konti.." tipid niyang sagot. "Wag kasing inum ng inom kung di naman kaya" Napalingon na siya dito na nakataas ang kilay. "Excuse me??" "Sabi ko wag PO kayong uminom PO kung di niyo PO kaya." diniin talaga nito ang PO. Napangisi nalang ang dalaga. "You know what? Ang lakas talaga ng loob mo na pagsabihan ako nhu? Konti nalang talaga at mapupuno na ako sa'yo" "Bakit? Gagawa ka na naman ng kalokohan? Then go ahead... Dahil sisiguraduhin kong hindi ka na talaga makakalusot ngayon". Natigilan siya sa inasal ng binata. Iba ang tono ng boses nito. Bigla siyang binalot ng kakaibang kaba na hindi pa niya naramdaman sa kahit na sino noon man. "Saan nga pala ang punta niyo?" "Ah.. Hindi ko alam eh. May alam ka ba? Kahit saan nalang basta may mainit na sabaw". Hindi na ito sumagot at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho. Ilang minuto pa ay tumigil sila sa isang karinderya. "Seriously? Dito talaga?" maarteng wika niya dito. "Sabi mo kung may alam ako diba? Eh ito lang ang alam ko eh.. Masarap ang bulalo nila dito.. Oh ano? Bababa na ba tayo?" Padabog na bumaba siya ng sasakyan. Pinauna niya itong maglakad. Nakasunod lamang siya sa likod nito. "Marco... dinig niyang tawag ng isang babae sa bodyguard niya. Abot tenga pa ang ngiti nito habang nakatingin sa lalaki. Napataas tuloy ang kilay niya. "Hi Sandy.."bati ng binata dito. "Bigyan mo nga kami ng mainit init na bulalo."dagdag ng binata. "Ah.. May kasama ka pala"baling ng babae sa kanya. "Buti napansin mo" di niya napigilan na maisatinig. "Sige maupo na kayo sandali lang at ihahanda ko lang ang order niyo". Tumalikod na ito sa kanila. Pinaghila naman siya ng binata ng upoan at kunot ang noong umupo siya. Umupo din ito sa harap niya. Hindi siya umiimik. "What's with that face Anna?"tanong nito. Napansin pala nito ang pangungunot ng noo niya. Tiningnan niya ito ng pa tiger look. "Wala" "May problema ba? Ayaw mo ba dito? Narurumihan ka ba?" sunod sunod na tanong nito. "Hindi naman sa ayaw ko sa lugar na ito... "Naiinis lang ako sa Sandy na iyon" hindi na niya naisatinig dahil paparating na ang order nila. "Kumain nalang tayo" wika niya. Dahil sa inis ay diretsong hinigop niya ang sabaw sa kanyang harapan. Napaubo siya dahil sa sobrang init. Napaso pa yata ang bibig at dila niya. Mabilis naman siyang binigyan nito ng tubig. "Dahan dahan lang kasi." saad ng binata. Wala ng lasa ang bulalo dahil napaso nga ang dila niya. Pero tahimik parin niyang nilantakan iyon para maibsan ang hangover niya. Pawis na pawis siya ng maubos ang isang mangkok. Nagitla siya ng bigla nalang punasan ng binata ang kanyang pisngi. "Gumaan na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito habang pinapahiran parin ang pawis niya. Hindi siya maka sagot. Napatingin siya sa gawi ni Sandy na ngayon ay di maipinta ang mukha dahil nakatingin ito sa kanila habang pinupunasan ng binata ang pawis niya. Tinaasan niya ito ng kilay. "He's mine b*tch" bulong ng isip niya. "Hmmm. Okay na ako. Ang sarap pala dito. Balik pa tayo dito next time". nilakasan niya ng konti para marinig siya ni Sandy. Dahil iinisin ko pa lalo yang Sandy mo. Napangiti siya sa isiping iyon. "Mabuti naman kung ganon. Teka sandali lang. Magbabayad lang ako" akmang tatayo na ito. "Teka.. ito ang pera.." "No.. This is my treat" "Pero ako ang nag aya" "Keep that. Ako na ang magbabayad" Hindi na siya sumagot pa. Ewan ba niya bakit sa tuwing nagiging baritono na ang boses nito ay napapasang-ayon nalang siya. Matapos makapagbayad ay umalis na sila sa lugar na iyon. Hindi muna sila umuwi at inutusan niya itong mag drive papunta ng mall. "Kaano-ano mo ang Sandy na yon? Para kasing malapit kayo sa isa't isa." out of curiousity ay naitanong niya sa binata. "Batch ko siya dati sa training" "Bakit binata ka pa rin?" hindi niya alam bakit yon lumabas sa bibig niya. Kunot noo namang nilingon siya ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD