"Oops. My bad.." napatakip nalang siya sa bibig.
Hindi ito sumagot sa tanong niya.
"Eh ikaw Miss Anna? Nagka boyfriend ka na ba?" balik tanong nito.
"Teka bakit ako ang tinatanong mo?"
"Eh bakit tinanong mo din ako?"nakangising saad nito.
"Ewan ko sa'yo. Bilisan mo nalang ang pag da drive!"
"May hinihintay kasi ako" rinig niyang sabi nito. Pero di na niya ito pinansin pa.
Pagdating sa mall ay naglakad na sila papunta sa stall ng mga damit nang matigilan siya.
" Bakit?" tanong nito.
"Lumayo ka nga ng konti. Ang tangkad mo!!! Nagmumukha akong baston.. shooo!!". tinaasan pa niya ito ng isang kilay.
Umatras nga ito ng dalawang hakbang. Nagpatuloy sila sa paglalakad at pumasok na sa stall.
Nakatayo lang ito sa di kalayuan habang namimili siya ng damit. Maya maya ay tinawag niya ito.
"Bakit?"
"Isukat mo nga ito dali.." sabay abot ng polo shirts na napili niya.
"Huh?,
"Palitan natin yang outfit mo. Di dapat sa lahat ng oras naka black suit ka nhu. Dapat alam mo rin ang salitang disguise. Isukat mo na yan. Dali na" itinulak niya ito papasok ng fitting room.
Nilingon pa siya nito with a warning look.
Tinaasan niya ulit ito ng kilay.
"Kung iniisip mo na tatakas na naman ako nagkakamali ka. Just trust me okay? Dali na kasi. Bagal bagal".
Pumasok na nga ito sa fitting room at hinintay niya ito sa labas. Nang bumukas ang pinto ay parang namalikmata siya. Ang gwapo nito sa suot na polo shirt.
"Iyang laway mo baka tumulo" sita nito sa kanya.
Napatalikod siya bigla dahil baka makita nito ang pamumula ng kanyang pisngi.
Pinakalma muna niya ang sarili bago humarap ulit.
"O ito pa pala. Isuot mo na din to. Wag mo ng hubarin ha. Yan na ang isusuot mo pauwi." sabay abot ng pantalon dito.
"Bilisan mo pipili ka pa ng sapatos".
Pinandilatan niya ito ng mga mata.
Matapos nilang mamili ay lumabas na sila ng stall na iyon. Hindi na ito mukhang bodyguard ngayon. Para na itong boyfriend na naka sunod lang sa kanya.
Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa isiping iyon. Natigilan siya ng maaninag kung sino ang makakasalubong nila.
"Andrew.... sh*t".
"Hey.. Lianna!. What a small world huh" bati nito sa kanya.
"Anong kailangan mo?"
"Taray mo naman.. Well,tutal nagkita na din naman tayo dito baka pwede kitang yayain manood ng sine di kaya'y kumain manlang."
"I don't want to" lalampasan niya sana ito pero hinaklit siya nito sa braso.
"Ano ba? Bitawan mo ako"
"Oh c'mon Lianna" ngisi nito sa kanya.
"Let her go if you don't want me to break your wrist". napalingon siya. Si Marco,tiim bagang nakatitig kay Andrew. Para itong galit na leon na ano mang oras ay sasakmalin ka.
"Or should I break your f*cking face too?" dagdag pa nito.
Hindi siya maka pagsalita. Binitawan siya ni Andrew at siya namang hila ni Marco sa kanya.
"You okay Baby?" masuyong tanong nito sa kanya. Tulalang napatitig siya dito.Hindi siya makapagsalita. Umurong yata ang dila niya.
"So you are the boyfriend?" ani Andrew.
"Yes. And to refresh your memory ako din yong bumugbog sa'yo nong nakaraan. Wag mo akong pilitin na ulitin iyon dito." maangas na saad niya.
"Aba't ang lakas ng loob mo ah, di mo alam kung sinong binabangga mo". akmang susuntukin na siya nito ng biglang sumigaw si Lianna.
"Security!" agaw pansin nito sa nakatayong security guard sa di kalayuan.
"Babe wag mo na siyang patulan" sabay yakap niya kay Marco.
Kahit nag aalangan ay kailangan niyang gawin ito sa harap ni Andrew. Para maniwala itong nobyo nga talaga niya ang kasama. Wala naman siyang naramdamang pagtutol sa binata.
"Anong problema dito?" humahangos pa ang security guard ng lumapit sa kanila.
"Eto kasing lalaking to. Ginugulo kami ng boyfriend ko." sabay turo kay Andrew.
"It's just a misunderstanding. Pasensya na po. Sige mauuna na ako". tumalikod na ito at naglakad palayo.
Tumango nalang ang sekyu at umalis na rin. Parang napapasong bigla siyang lumayo kay Marco at kumaripas ng takbo papunta sa parking lot.
Sh*t nakakahiya. Ano bang gulo na naman itong pinasok ko. Pinaypayan niya ang mukha ng makarating sa sasakyan. Ramdam parin kasi niya ang pag iinit nito at sigurado siyang pulang pula ito ngayon.
"Nauna ka pa jan. Wala ka namang susi".
Nasa likuran na pala niya ang binata.
Pinagbukas na siya nito ng pinto at agad naman siyang sumakay.
Sumakay na din ito sa driver seat. Pinaandar na nito ang sasakyan pero ilang sandali lang ay huminto ito at lumingon sa kanya. Nahigit niya ang kanyang paghinga ng bigla itong dumukwang sa kanya. Ang lapit ng mukha nito sa kanyang mukha. Napapikit siya at hinintay ang sunod na mangyayari.
"Ikinabit ko lang ang seatbelt mo. You can open your eyes now". then he chuckled.
Jusmio Lianna kung anu ano na ang iniisip mo. Parang gusto na niyang lumubog sa kinauupoan ng mga sandaling iyon. Nakatuon lang ang mata ng binata sa daan at tahimik na nag mamaneho. Binaling nalang niya ang tingin sa labas. Bahala na kung mag ka stiff neck siya. Nahihiya syang humarap dito
Pagdating sa mansyon ay di na niya ito kinausap. Nagkulong kaagad siya sa kanyang kwarto. Hindi talaga siya maka get over sa hiya sa binata kaya kahit tumatawag ito sa cellphone niya ay hindi niya ito sinasagot. Maghapon lang siyang nagkulong doon.
Mahihinang katok sa pinto ang gumising sa kanyang diwa. Pupungas pungas na bumangon siya at tinungo ang pinto. Gulo gulo pa ang kanyang buhok at nakapikit na binuksan ang pintoan.
"What do you want people?" nakapikit parin siya at nakasandal sa pintoan.
"Gumising ka na" sabay pitik sa kanyang noo.
"Araaaay! ano ba?" napamulat siya bigla at para siyang binuhusan ng tubig ng mapagtantong si Marco pala ang pumitik sa kanya.
Ayan na naman ang nagtatakbohang kabayo sa dibdib niya dahil nakatitig ito sa kanya habang nakangiti.
"An..ano ba ang ka...kailangan mo?" pautal utal niyang tanong.
"Kanina pa kita tinatawagan pero di ka sumasagot. Di ka din sumasagot sa tawag ng Dada mo."
"O tapos?"
"Sabi niya sa safe house muna sila uuwi ngayon. At pinaghahanda ka din niya dahil sasama ka daw bukas sa medical mission na gaganapin sa Barangay San Nicolas."
"Ang layo non ah". reklamo niya.
"Well,your Dada needs your support. Kaya kailangan mo sumama". tumalikod na ito at iniwan siyang naka tulala parin.
Ngayon nga lang siya ulit makakasama sa pangangampanya ng amain. Taga suporta talaga siya nito simula pa noon. Hindi kasi sumasama ang dalawang anak nito sa kanya. Walang ganang nag impake siya ng mga gamit para bitbitin nalang bukas.
Alas singko palang ng umaga ay naka bihis na siya. Naka shorts lang ulit siya at simpleng shirt lang ang suot niya.
Pagbaba ng hagdan ay nakaabang na ang matipunong bodyguard niya. Nahihiya parin siya dito pero pinilit niyang pinataray ang kanyang mukha.
"Bitbitin mo yan" sabay tapon ng backpack sa kanya. Nauna na siyang maglakad dito at umalis na sila.
Ilang beses na siyang napahikab. Antok na antok pa talaga siya.
"Matulog ka muna. Mahaba haba pa ang byahe natin" agaw nito sa atensyon niya.
"Ilang oras ba ang byahe papuntang San Nicolas?"
"Apat na oras pa. Kaya matulog ka nalang ulit".
Hindi na siya sumagot at pumikit nalang. Hinila na siya ng antok.
Napalingon ang binata sa katabi. Himbing na himbing na ang dalaga. Hindi naiwasang napatingin siya sa mapuputing hita nito na naka expose dahil sa suot nitong short shorts.
"Geez! Bakit ba kasi ang hilig nito sa maiikli".napahigpit ang hawak niya sa manibela.
Pinahinto nito ang sasakyan saka hinubad ang kanyang suit at itinakip sa mga binti nito. Dahil baka kainin na siya ng tukso.
Mahihinang tapik sa balikat ang gumising kay Lianna. Napabalikwas siya sa kinauupoan.
"Nandito na ba tayo?"
"Wala pa pero mejo malapit na din naman tayo".
"Eh bakit mo ko ginising?"
"Naisip ko kasi baka nagugutom ka na. Kaya kumain ka muna. May binili ako kanina sa drive thru kaya lantakan mo na yan".
Kumalam ang kanyang sikmura ng iabot nito sa kanya ang paper bag na may lamang pagkain. Pinaandar na ulit nito ang sasakyan at nag umpisa na siyang kumain.
Abala siya sa pagsubo ng mapalingon siya sa binata. Nakakain na kaya ito?
"Ikaw? Kumain ka na ba?"
"No"
Para siyang nakonsensya bigla. Hindi pa pala ito kumakain tapos siya halos ubusin na niya ang pagkaing binili nito.
Kinuha niya ang isang burger at binuksan. Napaisip siya pano ito kakain eh nagmamaneho ito.
"Subuan mo" utos ng isip niya.
"Hey Marco,say ahhh"
Nagtatakang napalingon ito sa kanya.
"Sabi ko nganga. Susubuan kita. Alam ko gutom ka na. Dali na.... ahhhhh...."
Sinunod nalang siya nito. Kumagat ito sa burger. Siya naman ay nilalantakan ang fries. Nang makitang hindi na ito ngumunguya ay sinubuan niya ito ulit. Inilang kagat lang nito ang burger saka niya ito pinagbuksan ng tubig at pinainom.
Nagmukha tuloy siya ang alalay nito.
Napansin niya ang butil ng tinapay sa gilid ng bibig nito at wala sa loob na pinahid niya ito ng kanyang hinlalaki. Napalingon sa kanya ang binata.
"Ah.. Eh.. may dumi kasi. Pinunasan ko lang". agad siya nag iwas ng tingin.
"Thank you".
Tama ba ang narinig niya? Nag thank you ito? Lihim na naman siyang napangiti at napahalukipkip. Saka palang niya napansin ang nakatakip na suit nito sa kanyang mga binti.
"Ahhh.. He's so sweeeet... "bulong naman ng isip niya.
Nahuhulog na ba siya sa binata? Pero hindi pwede. Dapat ito ang ma fall sa kanya. Dapat sumang ayon ang lahat sa plano niya.
Hindi na niya ito kinausap ulit. Makalipas ang apat na oras ay narating nila ang Barangay San Nicolas. Nag inat inat muna siya.
"Aray.. Ang sakit sa likod. Mas lalo yata akong pumandak".
"Cute naman". dinig niyang sabi ng bodyguard na lumabas na agad ng sasakyan.
Anong sabi nito? Siya cute?? Ramdam na naman niya ang pamumula ng pisngi. Pinagbuksan siya nito ng pinto. At inilahad ang kamay sa kanya. Tinanggap naman niya ito at bumaba na siya. Inabot niya dito ang suit.
"Thank you for this. Isuot mo na ulit".
Tinungo niya ang tent na naka tayo sa gitna ng malawak na damohan. Naroon na ang kanyang Ninong at ang mga doktor na isinama nito. Nag beso siya dito at pinakilala naman siya nito sa mga doktor. Nakipag kamay din siya at sa iba pang volunteers na nandoon.
Naging abala silang lahat dahil marami ang mga residenteng nagpa konsulta.. Pawis na pawis na din siya. Pinahid niya ng kanyang damit ang kanyang noo.
"Here". lahad ng isang kamay sa kanya.
Si Marco na naman at may hawak itong panyo.
"Madudumihan ang damit mo niyan."
Nakatitig parin sya sa panyo.
"Titingnan mo lang ba yan? O ako na ang mag pupunas ng pawis mo?"
Agad niyang kinuha ang panyo at pinunasan ang pawis niya.
"Salamat".nakangiti siya dito.
"At your service Mademoiselle"yumuko pa ito na siyang ikinatawa niya.
"Kumain muna tayo!" tawag ng Ninong niya sa kanilang lahat. Wala na din namang nakapila kaya napagpasyahan nilang magpahinga muna.
Mag aalas dos na pala kaya pala gutom na gutom na siya.
"Maupo ka nalang jan ikukuha nalang kita ng pagkain".
Tumango nalang siya sa binata. Dala na rin ng pagod ay naupo nalang siya. Ilang saglit pa ay pabalik na ito bitbit ang kanyang tanghalian.
"Thanks.... Oh ikaw kumain ka na ba?" tanong niya rito habang binubuksan ang styrofoam.
"Pinauna kami ng Dada mo kanina"
"Okay sige"
Nilantakan na niya ang pagkain sa kanyang harapan.
Habang kumakain ay palihim na naman niyang tinitigan ang binata. Mula ulo hanggang paa at pabalik.
Sa gwapo at tindig nito ay hindi mo ito mapagkakamalang bodyguard.
Hindi din halata sa mukha na trenta y tres na ito.
"Age does'nt matter" bulong niya sa sarili.
"Ilang beses na kitang nahuli na tinititigan mo ako Miss Anna".
Napakislot siya at aga nag iwas ng tingin. Nahuli na naman siya nitong nag papantasya.
"Assuming ka naman? Di ba pwedeng may iniisip lang ako at saktong nasa harap kita?"palusot niya.
Tumawa ito. As in yong totoong tawa.
"Expert ka lang sa kalokohan,katarayan at kapilyohan. Pero di ka expert magpalusot" pinitik na naman siya nito sa noo.
Napangiwi siya at tumalikod naman ito.
Kumuha ito ng bottled water at naglakad pabalik sa kanya.
"Oh ayan tubig,baka nauuhaw ka na sa kakatitig sa akin Miss Anna".
Nasamid siya sa kanyang sariling laway at napaubo. Dali dali niyang ininum ang tubig at tinitigan ito ng masama.
"Punong puno na talaga ako sa'yo abnormal" tsaka binato ito ng plastick bottle. Mejo may kabigatan pa iyon dahil may laman pang tubig. Sapul ito sa mukha.
Tatawa pa sana siya ng matigilan. Bigla siyang kinabahan.
"Oh my God Marco! Sorry... sorry.. di ko sinasadya". nag papanic na siya.
"What do you mean?" takang tanong nito.
"Iyong ilong mo... dumudugo..."sabay turo dito.
Di na niya hinintay na maka sagot ito hinila niya ito at pinaupo.
Kumuha siya ng malinis na panyo at agad pinunasan ang ilong nito.
"I saw what you did Lianna" hindi niya namalayan na nasa likod na pala nila ang Ninong niya.
"Da...."kinakabahang lumingon siya dito.
"Anak naman. Hanggang dito ba naman? How many times do I have to tell you? Kailan ka ba magma-mature?"sa tono ng boses ng Dada niya alam niyang galit ito.
Nasaktan siya sa sinabi nito. Oo. Parati siya nitong sinisermonan. She's used to it. Pero bakit di niya matanggap na pinagalitan siya nito sa harap ng bodyguard niya? Sa harap ni Marco. Hindi na niya napigilan ang pagluha.
"I'm sorry" pahikbing saad niya at nag walkout.