CHAPTER 6

697 Words
(Lianna's POV) Nandito ako ngayon sa ilalim ng punong mangga. Dito ako napadpad pagkatapos ko mag walkout. Sanay na akong napapagalitan. Sanay na ako na sinesermonan. Pero bakit ako umiyak? Bakit ako nag walkout? Hindi ko alam kung bakit nasaktan talaga ako ng husto kanina. Dahil ba pinagalitan ako ni Dada sa harap mismo ni Marco? Geeez!! Gusto ko na ba siya?? "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap". Napapitlag ako. Di man ako lumingon alam kong siya ito. Hindi ko siya pinansin. Hindi rin ako tumingin sa kanya. Nakatuon lang ang mata ko sa malawak na palayan sa di kalayuan. "Alam mo Miss Anna,hayaan mo na ang Dada mo. Kalimutan mo nalang ang nangyari kanina. Saka okay na din naman itong ilong ko". naramdaman kong tumabi siya akin. Hindi pa rin ako lumilingon pero ramdam ko ang mga paro parong unti unting nabubuhay sa aking tiyan. "Ang tahimik mo naman."kinalabit niya ako. Hindi parin ako kumibo. "Teka.. Sino ka?? Anong ginawa mo sa amo kong ubod ng taray??" sabay hawak sa aking braso at pinaharap niya ako sa kanya. Hindi ko na napiligilan at napahagalpak ako ng tawa. "Ano ba? Kita namang nag e-emote ang tao dito eh. Pwede ba walang basagan ng trip?" inirapan ko siya pero tawang tawa parin ako. "Ayan.. Bumalik na siya" sabi pa niya at sinabayan ako ng tawa. Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa kaya umayos ako ng upo. Ramdam kong nakatitig siya sa akin.Tumikhim ako bago nag salita. "Alam mo ikaw,minsan nakaka highblood ka. Pero marunong ka din pala magpatawa. San ka kaya pinaglihi ng nanay mo?" kunot noo ko siyang tiningnan. He chuckled. And I find him cute. Utang na loob naman. Wag kang ganyan. "Halika na. Uuwi na daw tayo sa mansyon. Nag pack up na sila sir." tumayo ito at inilahad ang palad sa akin. Hindi ko ito tinanggap at bigla akong tumayo. Pero bigla nalang namanhid ang aking mga binti at tila hindi nito kayang suportahan ang bigat ng aking katawan. Napapikit at napatili ako ng maramdaman kong para akong matutumba. Buti nalang at may maagap na kamay na humawak sa akin saka ako hinatak at niyakap. "Ouch!" daing ko. Tumingala ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin habang hapit niya ang baywang. Halos magdikit na ang mga mukha. Nakita ko siyang napapalunok at parang balisa. "Saan masakit?" seryoso niyang tanong. "Ah.... Hah?... Yong binti ko.. Na....na... Namamanhid" utal utal kong sabi.. "Matagal kasi akong naka upo kaya ganon" gusto ko na sanang kumawala pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Napasinghap ako ng walang ano-ano'y binuhat niya ako ng pa bridal style at nag umpisa ng maglakad. "Hey! Put me down!" protesta ko. "Behave!" maotoridad nitong sabi. Ayan na naman siya. He has this kind of attitude that makes me speechless. Ako ang boss pero di ko alam kung bakit napapasunod nalang ako sa kanya. "Anong nangyari?"salubong ng Ninong niya. "Natapilok po Sir. Tatanga tanga po kasi"nakangisi na sagot ni Marco. "Oh siya. Dalhin mo nalang yan sa sasakyan. Aalis na tayo in a minute"napakamot pa si Ninong sa ulo niya. Pigil na pigil ko ang sarili ko habang buhat buhat niya ako. Humanda ka sa akin pag dating sa sasakyan. Pagkarating sa parking lot ay pinagbukas ko rin siya ng pinto ng sasakyan. Pinaupo niya ako sa frontseat saka ikinabit ang aking seatbelt.Pagkatapos ay isinara na nito ang pinto at sumakay na din ito sa driver seat. Inaayos na nito ang kanyang seatbelt.Hindi manlang nito napansin na halos umusok na ang ilong ko sa inis sa kanya. Di na ako nakapagpigil at pinaghahampas ko siya. "Sinong tatanga tanga ha? Sino?" "Aray" "Aaray aray ka ngayon ha. Ang tigas ng mukha mo sabihing tatanga tanga ako" pinaghahampas ko parin siya. Hindi manlang ito umiilag sa bawat pag hampas ko. Napasinghap ako ng mahuli niya ang aking mga kamay. Nakangisi pa ang mokong habang nakatitig sa akin. Dahan dahan nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin. Awtomatikong napa pikit ako. Isang malutong na halakhak ni Marco ang nagpadilat sa akin.Lokong to ah. Ramdam ko ang pag init ng aking pisngi sa sobrang hiya. Itinuon ko nalang ang aking pansin sa labas ng bintana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD